Isang batang nangangarap maging isang sikat na manunulat si Claudia. Hindi siya magaling sa mga salita. Hindi siya miyembro ng kahit anong club. Hindi rin naman kapuna-puna ang kaniyang mga gawain sa English at Filipino na kaniyang mga subjects sa school. Isa lamang siyang ordinaryong bata na nangangarap. Pero handa ba siyang pasukin ang mundo ng imahinasyon at ng pangarap?