Chapter 13 - Undefined Feeling

126 0 0
                                    

Summer Time!

Di gaya ng mga nakaraan kong bakasyon, mukhang di magiging masyadong masaya to. Marami na ang nangyari, nagpapasalamat na lang siguro ako at walang masyadong nasaktan o pwede nating sabihing ako lang ang nasugatan sa laban na to. Laban?! hahaha, opo laban to eh.

Kasi naniniwala po ako na ang pag-ibig ay isang laban na kung saan di mahihina ang natatalo, kaming mga di palaban ang nanalo dahil ang mga taong kayang magparaya at pakawalan ang mga taong mahal nila ang totoong matapang at nagiisip kahit pa mamaga ang mga puso nila maging masaya lang ang mga swerteng kanilang minamahal.

Weeks my first year in high school, nagkasakit daw si Erol nabalitaan ko sa mga classmates ko. Kaya naman after naming magkaroon ng conversation sa ym ng mga kaklase ko napag-isipan naming pumunta sa bahay nila at nag set kami ng date

[April 2009]

Pumunta na kami sa bahay nila Erol pero pagdating namin, yung papa niya lang ang naabutan namin. Nasa hospital na daw si Erol nung isang araw pa kaya naman inaya kami ng papa niya na sumabay na kaming magkakaklase papuntang hospital.

May hika si Erol, yun na rin minsan yung dahilan kung bakit may mga absent siya at di nakakapasok o nakakapunta at nakaka attend ng practice o ilang programs sa school. Pero mukhang iba tong nangyari sa kaniya ngayon, ayon na rin sa kwento ng papa niya ngayon lang daw ulit nila nasugod si Erol sa hospital since nung last attack ng sakit niya, kinder pa daw siya nun. Nakapunta na nga daw sila sa ibang bansa para ipagamot si Erol, akala nila okay na siya. (Sana nga, okay na siya ngayon. Kasi ayoko, hindi ko kayang mabawasan ngayon ng kaibigan.) 

Pagdating namin sa hospital medyo okay na si Erol, nakangiti eh saka na touch daw siya "Loko nito, nagdrama pa" sabi ni Mimi "Okay ka na ba brod?" sabi ni Rocky "Pagaling ka" "Wag ka na magpagod" sabi naman ng iba "Ilang araw lang lalabas na rin yan dito, napagod lang daw siya sabi ng doctor" singit naman ng mommy niya sa likuran namin. Mga sampu kaming dumalaw sa kaniya, nasa private room siya kaya okay lang siguro yun.

Wala pang isang oras nag aya na yung ibang umuwi "Tara na.." "Sige" "Halika na.." sabi nila, "Salamat sa pagpunta ah" "Thanks guys.. I appreciated it" sabi ng mag-ina sa amin. "Basta pagaling ka ah" sabi ko naman "Oo.." sagot niya. "Teka nga may bibilhin lang ako.." sabi ng mommy ni Erol, sumunod na rin yung iba naming classmates "Teka Alexa, mag record muna tayo ng kanta" sabi ni Erol "Sige hintayin ka na lang namin sa baba ah" sabi ni Mimi "Tara na guys" sabat pa niya sabay alis na nila. "May sakit ka na gusto mo pa kumanta?" sabi ko "Hindi ah, mag gigitara ako ikaw kakanta, andito recorder oh" sabi niya sabay kuha ng recorder "Paabot nga nung gitara" sabi pa niya sa akin sabay turo kung nasaan yung gitara, umupo na siya at tinotono yung gitara niya. "Game" "Sige.."

Best I Ever Had - Drake

Baby you my everything you all i ever wanted.

We can do it real big.

Bigger then you ever done it.

You be up on everything.

Other hoes ain't never on it.

I want this forever, i swear i can spend whatever on it.

Cause she hold me down everytime i hit her up.

When i get right i promise that we gon live it up.

She make me beg for it till she give it up.

And I say the same thing every single time.

I say you da very best.

You da  very  best.

You da  very  best.

You da  very  best.

You the best i ever had.

Best I ever had.

Best I ever had.

Best I ever had.

I say you the..

"Yan!" sabi niya pagkatapos pindutin yung stop sa recorder, ngumiti lang ako "Sige mauuna na ko, sila Mimi naghihintay sa baba eh. Pagaling ka ah" sabi ko sabay diretso na sa pintuan "Bye!" sabi ko sa kaniya bago isara yung pintuan. Naririnig ko pa na piniplay niya yung nirecord namin bago ako makalayo..

Pero nakita ko sa may desk ng mga nurse sina Justin at Kim, mukhang nagtatanong at baka bibisitahin rin si Erol. Pinilit kong di magpakita at lumakad ng mabilis pero "Aray! Ano ba?!" sabi ni Kim, mukhang nabunggo ko siya (bakit di ko ba kasi dinala yung salamin ko eh!) "Sorry" sabi ko sabay hawak niya sa braso ko (ang sakit ah) "Ano ba?!" sabi ko sa kaniya sabay tulak, napaupo naman siya sabay takbo ko. Nakita ko si Justin na nakatingin rin sa akin at nakatayo lang at pagkapunta ko sa labas saka niya tinulungan si Kim. "Bakit?" sabi ni Mimi "Ha? Wala, tara na" sabi ko habang nagaayos ng sarili. "Okay guys saan na tayo diretso?" sabi ni Rocky "Kain tayo" "Saan?" "Ayun oh may Mcdonald's dun.." sabi nila kaya naman bago umuwi sa kaniya kaniyang bahay kumain muna kami.

Naisip ko yung nangyari sa amin ni Kim kanina, di naman sa natatakot ako pero parang kinakabahan ako pero di naman masyado, bakasyon na kaya ano naman ang magagawa sa akin ni Kim saka siguro sa lahat ng ginawa grupo niya akin, kulang pa yun. Alam ko masama ang gumanti pero ang lumaban para sa sarili mo, okay lang yun..

Bago pa matapos ang April, pumunta ako ng school para i check ang card ko for the final grades, di naman ako lilipat pero pinapunta ako ng lola ko para daw makita niya ang grades ng top 1 na apo niya, naks!

Naghintay lang muna ako saglit sa upuan sa labas ng office ng High School Coordinator since siya lang ang nasa school, wala daw yung mga tao sa registrar's office. 10 minutes lang siguro at nabigay niya na sa akin yung card ko..

Naglakad lakad lang muna ako, nakita ko bigla yung hallway papuntang gymnasium, di siguro matatago sa sarili ko na maalala yung sa amin dati. Oo, yung nakalipas na akala ko magwawakas ng masaya pero siguro wala talagang "Happy Ending" no? Hindi naman kasi totoo ang walang hanggang pag-ibig dahil ang lahat ng bagay ay may katapusan at ang lahat ay nagbabago. Diba? Isa lang naman ang permanente sa mundo, PAGBABAGO at kung pipilitin mo itong ibahin pwede ngang makuha mo ang gusto mo pero hindi rin ito magtatagal.

"Aw, pinaghihintay ako ni miss ah" sabi niya habang naka killer smile as always "Ano ka?! Ako nga no! Mas matagal maghintay pag uwian!" sigaw ko "Oh.. wag ka pong high blood" sabay tutok ng mukha niya sa mukha ko tas bigla siyang parang hahalik sakin "Ah!" tinulak ko siya tas tumakbo akong mabilis papuntang gymnasium "Oy!" mas mabilis siya kaya nahabol niya ako "Joke lang yun ah.. eto talaga" tahimik lang ako pero gusto ko rin naman yun, pakipot lang haha. Pero wala pa sa isip ko yun no, ang bata ko pa. Inosente, saka nerdy ako bakit magkakagusto to sakin mamaya lokohin niya lang ako eh. Bigla ko na lang naisip yun, ewan.. Bigla niyang hinawakan yung kamay ko, nahihiya man ako hinayaan ko na lang siya. Nakakakilig na hindi ko ma-explain..

Malungkot man ako ngayon dahil ang masasayang bagay ay nakalipas na, siguro meron pa rin dito sa puso ko, puwang kung saan may nagsasabing "Salamat" at dumating siya sa buhay ko, naramdaman ko ang pakiramdam na "yun" at nangyari sa akin kung ano man ang meron sa nakaraan..

Ano namang mapapala mo kakaisip sa nakaraan at sa mga pwede pang mangyari? Wala ka naman sigurong super powers para maibalik ang nakalipas na. Dapat matuto kang pahalagahan ang mga nangyayari sa'yo sa kasalukuyan. Isipin mo yung ngayon. I-enjoy mo lang ang buhay. Wag kang emo. Hindi ka talaga magiging masaya kung di mo tutulungan ang sarili mo. Natural lang na makaramdam ng lungkot paminsan-minsan pero ang pagiging miserable? Wag kang hibang choice mo yan. - Bob Ong

Unang Pag-Ibig (One-Sided Love Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon