Eh Kung.... Ako Na Lang Kaya?!

1K 49 30
                                    

A/N: waaaaaaahhhhhh.. as you requested, mscrazymoodgirl.. ahahaha.. well.. sana magustuhan mo at sana hindi ka madisappoint sa pagrequest mo sa akin ng dedication.. ^_^ another one shot story of mine.. salamat ng marami.. ^_^

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

"Hay." sabi ko sabay buntong-hininga.. Nakapangalumbaba ako dito sa table.. Narito ako ngayon sa mini park ng school namin..

"Oh? Ang lalim nun ha?" sabi ng bestfriend ko na si Warren na kadarating lang.. Ipinatong niya sa table ang bag niya at tumabi ng pag-upo sa akin..

"Nakakainggit kasi sila." sabay turo ko sa dalawang couples na naglalambingan sa 'di kalayuan..

"Anong nakakainggit sa kanila?" kunot-noong tanong naman ni Warren..

"Kainis ka." sabay hampas ko sa kanya ng notebook ko.. "Bulag ka ba? Hindi mo ba kita? Ang sweet-sweet kaya nila." asar na sabi ko..

"Sweet na yun? Nagsusubuan lang ng tinapay? Sweet agad?" sabi niya.. Hay! Ang bestfriend ko talaga.. Walang thrill sa buhay.. Walang sweetness sa katawan.. Pero kahit ganyan siya.. Mahal ko siya.. Oo. Mahal ko siya.. Higit pa sa pagiging kaibigan.. Pero, manhid ih.. Hindi makahalata.. 

"Oo kaya." sabi kong nakaismid sa kanya.. "Kelan kaya ako magkakaboyfriend?" 

"Aba! Maggie. Gusto mo ng magkaboyfriend?" gulat na napatayong tanong niya..

"Obvious ba? Naiingit kasi ako sa kanila." muli akong tumingin sa mga naglalambingang couples..

"Hoy! Margarita! Disiotso ka pa lang. Pag-aaral muna." heto na naman.. Binuo na naman ang name ko.. At pag ganyan.. Ibig sabihin, inis na siya.. 

"Pambihira naman, Warren. Daig mo pa sina Mama. Payag na nga silang mag-boyfriend ako eh." reklamo ko.. Tumayo na rin ako..

"Pwes! Ako hindi." matigas na sabi niya..

"Ewan ko sa'yo. Basta ako. Magpapaligaw na ako. Allowed na naman nina Mama eh." desididong sabi ko.. Bumalika ko sa pagkakaupo ko at muling tiningnan ang nakakainggit na couples..

"Hindi nga pwede." mariin pa ring sabi niya.. Nakatayo pa rin siya..

"Bakit ba? Ha?" kunot-noong tanong ko..

"Ni wala ka ngang ideal man eh." sabi niya.. "Alangan naman basta ka magpaligaw sa kung sino-sino." dugtong niya.. 

"Meron kaya." proud na sabi ko..

"Ano naman yun ha?" hinahamong tanong niya sa akin..

"Syempre gusto ko gwapo." sabi ko.. Nakita ko sa aking pheripheral vission na pasimple siyang tumingin sa repleksyon niya sa screen ng cp niya.. Napangiti ako.. "Ayokong maging panget ang magiging anak namin."  "Gusto ko, maayos sa katawan. Ayoko nung pabara-bara kung manamit." pasimple din niyang inayos ang polo niya.. "Gusto ko, may takot sa Diyos." pasimple ulit siyang nag-sign of the cross.. Nagpipigil na ako ng tawa.. "Gusto ko, may maputing ngipin at hindi bad breath. Hassle naman kasi kapag bad breath siya tapos hahalikan niya ako." napatakip ako sa bibig ko ng mapuna kong pasimple rin niyang inamoy ang hininga niya.. Siya lang naman kasi yung dinidiscribe ko.. "Gusto ko, yung mamahalin ako habang buhay at hindi ako lolokohin."

"Ehem." pasimpleng tighim niya.. Tumungin na ako sa kanya..

"Yun. Yun ang mga gusto ko. Marami pa. Saka ko na lang sasabihin sa'yo." sabi ko.. 

"Maggie." sabi niyang ng matamang nakatingin sa mga mata ko.. "Parang ako naman ata yung dinidiscribe mo ih." sabi niya..

Ngumiti lang ako sa kanya ng pagkatamis-tamis.. 

"Eh kung..." sabi niya.. "Ako na lang kaya?!" dugsong niya.. Mas lumapad ang ngiti ko..

 *end*

A/N: okay.. sa mga magbabasa po.. feel free to comment.. tell me kung panget o maganda.. salamat po.. ^_^ sana magustuhan ninyo.. ^_^ 

Eh Kung.... Ako Na Lang Kaya?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon