Prologue

1 0 0
                                    

" Luna y Sol 1920 "

"napakaganda hindi ba?"
wika ni Estrella

" Napakaganda. " sambit ni Cielo habang nakatingin sa dalagang si Estrella.

Mahilig mag sulat ang dalaga dahil na rin sa napaka gandang estilo nito sa pag susulat, isinulat niya sa harapan ng kwaderno niya ang apilyedo nila ng kaniyang kasintahan, at ang taon kung kailan naging isa ang kanilang mga puso.

" Ano ba ang gagawin mo riyan aking Mahal?" wika ni Cielo.

" Ako ay gagawa ng istorya patungkol sa ating pagmamahalan na dumaan sa matinding pag subok upang mabigyan ko ng inspirasyon ang mga makaka basa sa aking gagawing libro. " sagot ni Estrella

" Kung gayon ay ano ba ang maitutulong ko sayo aking Mahal?" wika ni Cielo

" Sa ngayon ay nais ko munang mapanatag na hindi na nila tayo masusundan dito Cielo. " sagot ni Estrella

" Hindi ko masasabi na wala ng makaka tunton sa atin dito, aking Mahal. " wika ni Cielo.

---
bandang alas-dos ng madaling araw ay agad ginising ni Cielo ang dalaga dahil sa mga paparating na tauhan ng kaniyang Ina na nagmula pa sa espanya.

"ESTRELLA GISING! Narito ang ilan sa mga guardia ng aking Ina at sa tingin ko ay tinutugis nila tayo! Halina't tumayo ka at dadaan tayo sa likod kung saan sasakay tayo ng bangka patungo sa kabilang isla!" Banat ni Cielo.

"Ngunit ? paano ? pero ? " di makapaniwalang wika ni Estrella.

" tara na't wala ng oras !"

Sila'y tahimik ngunit mabilis na kumilos patungo sa likod ng bahay na kanilang tinuluyan at agad na nagtungo sa dagat kung saan ang nadala lang nila ay isang gasera at ang kwaderno ni Estrella

" NAROON ANG SEÑYORITO !! BILISAN NIYONG MAGSI KILOS LAHAT AY GAWIN NIYO UPANG MAIBALIK ANG SEÑYORITO KUNDI LAGOT TAYO SA KANIYANG INA!" sigaw ng isang guardia.

Agad nilang pinagbabaril ang bangka'ng sinasakyan ng dalawa upang mabutas ito at lumubog, sa di kalayuan ay sumakay narin ng bangka ang iilan sa mga guardia at hindi sila nabigo dahil nabutas ang bangkang sinasakyan ng dalawa.

" eras mi viejo amor hasta ahora. Prometo que nos volveremos a encontar, Estrella. "
sambit ni Cielo.

" I Promise, I will wait for you Mi Amor. "
sagot ni Estrella

"Lo Siento ... Te Amo."
wika ni Cielo sabay yakap kay Estrella na siyang sumalo ng mga bala na dapat kay Estrella tatama.

"HINDI!!!!!!!!! CIELO LUNA GUMISING KA !! CIELO !!! AKING MAHAL !!! " hinagpis ni Estrella.

Tumigil ang mga guardia at ng makalapit sa bangkang papalubog na ay agad kinuha ang katawan ng señyorito at hinila si Estrella pag balik sa pangpang ay agad na sinalubong ng malakas na sampal ni Doñya Feliz ang dalaga.

" Patawad po Doñya Feliz" hagulgol ni Estrella

" KUNG HINDI MO IPINILIT ANG SARILI MO SA AKING ANAK SIGURO NGAYON AY MASAYA SIYANG NAMUMUHAY NG TAHIMIK SA ESPANYA KASAMA ANG BABAENG ITINAKDA KO SAKANYA!!" buwelta ni Doñya Feliz

tanging hagulgol na lamang ang naisagot ni Estrella

"ESTUPIDO! SINO SAINYO ANG NAKA BARIL SA AKING ANAK!!?" hiyaw ni Doñya Feliz

ni isa ay walang sumagot sa mga guardia

"DALIN AGAD SIYA SA MANGGAGAMOT AT SA ORAS NA MAY MANGYARING MASAMA SA AKING UNICO HIJO AY PAG SISISIHAN NIYONG LAHAT! " sigaw pa ni Donya Feliz

Agad na nagsi kilos ang mga Guardia at inihanda na ang Sasakyan para sa pag alis nauna na rin ang iba pang guardia dala ang katawan ng Señyorito sa isa pang sasakyan.

" At Ikaw Estrella Sol na isang hamak na hampaslupa, isinusumpa ko ang pag iibigan niyo ng aking Anak na kahit saan o kailan ay hinding hindi kayo magiging Masaya kahit pa sa ibang buhay! "
banat ni Doñya Feliz bago tuluyang umalis.

Tulala lamang ang Dalaga at walang tigil ang luha sa pagbagsak galing sa kaniyang mga mata, Sabayan pa ng malakas na ihip ng hangin at ulan tila ba'y nawawalan na ng pag asang mabuhay.

Unti unti siyang naglakad patungo sa dagat di alintana ang lamig na dumadapo sa kaniyang balat

" Te Amo Cielo Luna, Patawarin mo ko sa aking gagawin. Hinihiling ko na sana tayo'y muling mabuhay sa ibang panahon at maipag patuloy ang ating nasirang pag iibigan. Aantayin kita Cielo , te esperaré."
sambit ni Estrella bago lumubog at tuluyang lamunin ng dagat.

Forbidden LoveWhere stories live. Discover now