Chapter 34:Yes He Is..

241 2 0
                                    

(A/N):Again if you have the song with a title Kailan ,play it for better reading.Thanks. :*




Tuesday.

Naguumpisa na kami sa second sem,pero wala pa naman talagang ginagawa kundi yung pagpapakilala sa mga teacher.Kasi may iba na nabago.

Tsaka this pass week and this coming days maraming mga magaganap na program ,like symposium,at pagcelebrate ng month na ito.

"Katamad naman pala ng schedule natin eh."nakasimangot na sabi ni Maureen na sinang-ayunan naman namin.

Sino naman nga kasi yung hindi mabobored sa 2 oras kada-isang subject.Mayroon pa nga 3 oras at may isang subject na halos sasakupin ay half day.

"Tapos sabihin mo pa yung mga subject,sabagay wala naman nakakantok kung maganda magturo yung teacher."sabi naman ni Rosielyn.

Recess Time.

Nandito kami sa Learning Tambayan,ito mga sila sa phone nila,ako ayos na sa akin yung nakatago lang yung phone ko at nakaupo dito.And swerte pa kasi napapatawa ako sa mga kautuan nila.

At ngayon napatingin ako sa dalawang lalaki na naglalakad papuntang canteen.Pero sa isa lang talaga nabaling yung paningin ko.Dun sa seryoso niyang mukha..dun sa astig niyang paglakad.Then the next thing I knew..nakatingin na sa akin yung tatlo.

Yun bang ang tingin nila e,makahulugan yung may sinasabi..

"Ehem..Ayan ka na naman Jayciel ahh.Bayaan mo na kasi yun."sabi ni Maureen.

"Ako aaminin ko ,nabibitter padin ako,lalo na kapag nakikita ko na magkasama si Renzo at si Gianna ,and naiinis pa nga ako kapag tumitingin sa akin si Renzo na akala mo ba na nagmamagaling.Ampalaya na kung ampalaya,pero tanggap ko na tama yung desisyon ko ..ampalayain ang puso ko sa kanya."sabi naman ni Rosielyn.

Hindi ko maiwasa na malungkot,sana ganun na din ako,yung limot ko na si Calvin,yung parang hindi ko siya napapansin katulad ng bago pa ako malove at first sight sa kanya.

"Kung iblocked mo na kaya sa FB ,o kaya iunfriend mo.Kasi kahit hindi mo sabihin nasasaktan ka parin kahit na hindi mo na siya chinachat.Alam kong kahit papaano may nakikita ka parin sa newsfeed mo na involve sa kanya,at kahit di mo sabihin alam kong iniistalk mo si Calvin.Right?"napatango naman ako ng hindi oras sa sinabi ni Camille.

Pero hindi kasi ganon kadali na iblocked or iunfriend ko si Calvin.Kasi simula't una alam niyo naman kung ano ang hirap ko bago ko siya maging friend sa FB,pati yung unforgettable happiness ko ng araw na inaccept niya ako as his friend on FB.Yun yung isa sa pinanghahawakan ko at siyang pumipigil sa akin para hindi siya tanggalin ng tuluyan sa mundo ng FB ko.

***
Lunch Time.

Mag-isa ko na naman uuwi ngayon,kasi si Ace may lagnat,gumawa lang ng assignments ang uto nilagnat na.Haha.

Andito ako sa malapit sa gate at naghihintay na buksan ito ng guard.Actually pwede naman ng lumabas yung senior but di ko alam natripan ko lang ngayon na sumabay nalang din sa junior.

Medyo napatalikod naman ako ng unti at napaharang ng buhok,ng makita ko yung tatlong magbabarkada na papasok sa gate ng school.I think nakakain na yung mga ito dun sa malapit na kainan sa school na ito.

Nauuna si Renzo ..Ewan ,pero natatawa talaga ako tuwing nakikita ko siya,kahit minsan medyo naiinis din kasi yung situation sa kanila ni Rosielyn.Pero di ko talaga mapigilan..kasi naman yung mga mata niya na akala mo inaantok,kasakit lang tingnan para siyang napuwing ..tapos yung mala-astroboy niyang buhok na akala mo ililipad na yung ulo niya. :D

Sumusunod ay si Nathone..Ito naman isang ito tuwing makikita ko isa lang talaga pumapasok sa isip ko..ang weird niya,o ganon lang siguro kasi hindi ko naman siya masiyadong pansin.Pero ang pansin ko talaga sa isang ito,simple lang siya..parang ang sarap nga din maging friend. :)

And okay na sana,akala ko sila lang dalawa yung magkasama ,pero sunod na pumasok ay si Calvin..Aba!seryoso na naman mukha ni kuyaaaang..ano pa ba aasahan mo dito,minsan ko nga lang siya nakita na sobra ang ngiti at tawa..siguro once in a blue moon .Hindi naman sa nababaliw ako,pero napapatawa ako dito sa may gilid kasi bigla nalang naging iritable yung mukha niya ,yung parang naiirita kasi nga madami nadin junior na naghihintay sa pagbukas ng gate.

Tapos maya-maya nakitang kong kumunot na ng unti yung noo niya at pilit sumingit sa mga junior ,ako safe naman ako dito sa gilid,habang pinipigilan mapatawa ng malakas,kaya lipbite nalang kasi pasaway si kilig.Gulo ko noh?Haha.

Napatakip pa ako ng panyo sa bibig kasi natatawa na talaga ako sa kanya,kasi para siyang nagmamadali kasi sobrang layo na ng agwat ng dalawa sa kaniya na mas nauuna na ngayon.

"Ayy..Ang gwapo."

"Ang gwapo"

Napahinto ako sa mga narinig ko na iyon ,galing sa mga junior na studyante.At hindi ako nagkakamali
:O kay Calvin nila sinabi yun,si Kuyaang naman ,ano pa aasahan niyo
*Serious Face*at tuloy -tuloy lang sa paglakad.

Then ano sumunod *sad face*..Sa totoo lang parang ako lang pala yung mga junior na nagsabi sa kanya ng gwapo.Kita niyo na ang lapit pa ng mga junior student na iyon ng sinabi niya,pero napatingin lang ba si Mr.Hearthrob."No".Ano pa nga kaya sa akin na kahit malapit ,no exist ako sa kanya.

Ayzz.Hindi ba lilipas ang araw na hindi ako malulungkot dahil sa kanya?

Yes..He is really a hearthrob..My Dream.He is Mr.Hearthrob..Sana itinatak mo kung para saan lang ba talaga sila Jayciel ng una palang...

Dreaming Mr.Hearthrob (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon