"Mga bata"
Magiliw na tawag ng isang matanda sa mga batang nag lalaro sakanyang harapan"Lolaaa!" Sigaw ng mga bata at sabay sabay na tumakbo papunta sa matandang nakaupo sakayang tumba tumba
"Gusto nyo bang kwentuhan ko kayo?" Tanong nito sa mga batang nakaupo na sakanyang harapan
"Opo lola!" Sabay sabay na sagot ng mga bata
"Osya, Gusto nyo bang malaman ang alamat ng walang forever?"
Sandaling natahimik ang mga bata ngunit kalaunan ay sabay sabay nanaman silang nag salita"Walang forever diba ikaw yung ethan?!" Pang aasar ng batamg malusog sa kaibigan nila
"Eh malamang bata pa tayo eh!" Sagot naman ng isang batang babaeng bungi
"Eh mama told me na lahat daw may forever since pagkabata!" Sabat naman ng batang kikay na puro pink ang suot
"So lahat happy pag tumanda?" Tanong naman ng batang gwapo
Napangiti naman ang matanda sa tanong ng batang ito"Hindi lahat iho." Mapait na sagot ng matanda sakanya
"Ngayon, gusto nyo na bang tuklasin ang alamat ng walang forever?" Tanong nya sa mga bata na nakatingin sakanya at halatang excited na sa ikekwento ng kanilang lola
"Opo lola we're ready!" Sabay sabay ma sabi ng mga bata
"Kung gayon ay simulan na natin" nakangiting sabi ng matanda
*Alamat ng walang forever*
Nag simula ang kwentong ito sa dalawang mag irog na sina
Forever Policarpio at Ernesto Alfonso, halina't saksihan natin ang pag iibigan ng dalawang mag irog...June 2014
"Woy tinay akin na yan!" Sigaw ni Forever sakanyang aso, marahil sinunggaban nito ang kanyang nag iisang saging
"ABAAAAA'Y QIQIL MO SI ACOE HA! HUMANDA KA SAKIN!" Sigaw nya at hinabol sa labas ng bahay ang asong si tinay
Habol lamang sya ng habol sa kanyang aso at hindi nya napansin na may daraang kotse.
Naistatwa sya sakanyang kinatatayuan at hindi makagalaw ni hindi makatakbo palalayo para iligtas ang kanyang sarili sa paparating na rumaragasang kotse
"Kung ito na ang huling araw ko sa mundong to gusto kong magpaalam kila mama papa mga tito ko tita huhu mamimiss ko kayong lahat patawad ngunit ito na ata ang huling araw na masisilayan nyo ako nakakapanghinayang at matatapos ang buhay ko ng dahil sa isang saging , paalam world i will miss you" sabi nya sakanya isip at dahan dahang inalala lahat ng maliligayang araw nya na kasama ang buong pamilya nya na siguradong mamimiss nya
"Miss"
"Miss!" Ayan na wala na ako tapos na ang buhay ko, naririnig ko na ang himig ng anghel na susundo saakin
Mamimiss ko kayong lahat pero wala na akong magagawa dahil deadball na ako"Kuya wait lang aalalahanin ko muna lahat ng maliligayang araw namin ng aking pamilya wag mo muna akong iakyat sa langit baka mabura na alaala ko, saglit nalang kuya promise"
"Putcharagis! MISS!"
Huh? Anghel nag mumura?!
Agad napadilat si Forever ng mapagtanto nyang nag mura nga ang anghel na kanyang tinutukoy, para syang mabubulag sa sa liwanag na kanyang naaaninag
BINABASA MO ANG
Ang Alamat Ng Walang Forever
Teen Fictionwalang forever. palaging sinasabi, palaging naririnig, palaging bukambibig. Pero ni minsan naisip ba kung saan nag simula ang katagang iyan? kung hindi ito'y tuklasin basahin at intindihin. Ito ang Alamat ng walang forever