Chapter 1- Highschool Life

87 3 1
                                    

  Takbo lang ako ng takbo matapos marinig ang bell hudyat na tapos na ang class. Patungo ako sa classroon ni Allen. Mula elementary crush ko na si Allen kaya 'di niyo ako masisi ang mga ginagawa ko para mapansin niya lang ako pero siguro sadyang malupet ang tadhana sakin. Kahit isang tingin niya hindi manlang dumapo sakin. Mga ilang oras akong tutok sa harap ng salamin. 

Na curious ako kasi. Pakiramdam ko ang panget ko pero hindi naman siguro. Marami kay nagkakarandapa sakin. Pero niisa sakanila hindi ko man lang binigyan pansin dahil nakatuon nga ako kay Allen. 

   "Oy! Allen nandiyan na admirer mo." Kantyaw ng kaibigan niya at tinuro pa talaga ako pero inaasahan ko na nga na hindi man lang ako tiningnan. 

 "Pabayaan niyo yan. Papansin lang yan." Sagot niya. Sanay naman ako e pero masakit talaga.  

"Ohhhhh!!!" sigaw nilang lahat. Mga apat sila sa kaibigan nila at siya lang at si Carl lang kilala ko sakanila. 

 "Swerte mo nga tol! Ang ganda ng admirer mo at kung ako sa'yo ligawan mo na." Sabi ni Carl sakanya na nagpangiti sakin. Kahit minsan pala may pagsasalamatan rin ako kay Carl.

 "Edi ligawan mo. Gago." Nagulat kami lahat sa bigla niya pagsigaw at bigla umalis. 

 "Oyy tol." 

"Wag ganyan" 

"Oy sorry na tol." Sabi nilang tatlo at hinabol si Allen ngunit hindi sumama si Carl sakanya sa halip na sumama sakin at nakipagkwentuhan. 

 "Pasensiya kana sa kaibigan namin ah? Alam mo naman na mainit talaga ang init niya sa'yo." Malungkot na paghingi ng tawad niya sakin. 

 "Wala na sakin yun at sanay na ako dun. Matagal na kaya ganyan siya sakin. May magbabago ba? Wala naman e. Akala mo kung sinong gwapo. Hahaha Gwapo naman talaga." 

 "Alam mo ang ganda mo na pero mas maganda ka pala pagnakangiti ka."  Kinilig na man ako sa sinabi niya.

"Oyy wag ganun. Baka crush mo ko. Crush mo ko no?" Pangungulit ko sakanya.

"Hahaha. Ang taas naman pala ng tingin mo sa sarili mo. Pero seriously Oo. Crush kita pero alam ko na na kaibigan ko ang gusto kaya ano pa ang mapapala kong gugustuhin kita? Wala naman diba?" Napanganga ako sa pang-amin.

"Totoo? Hala? Ang ganda ko talaga. Hahaha" natawa na lang ako sa sinabi ko.

"So paano? Alis na ako. Punta lang ako library. May kukunin lang ako libro." pamamaalam sakin ni Carl.

"Sige. Canteen lang ko." Sagot ko naman sakanya.Pakanta-kanta pa ako papunta sa canteen. Ang sarap pala sa pakiramdam pag may kaibigan ka. Alam niyo kasi wala akong kaibigan dito. Ewan ko! Wala ni isang gustong makipag-kausap sakin. 

Ang ganda ko siguro ng hindi nila ako gusto makipagkaibigan sakin inshort Insecure sila sa akin. Kidding. Hahaha. Hindi ko namn sila masisi. Maputi ako, may mahabang bagsak na buhok at sa dulo'y kumukulot, mahaba ang pilikmata, may matangos na ilong at maganda rin katawan ko. Diyosa talaga ako kaya sising-sisi siguro pamilya ko kung bakit iniwan nila ako. Pero bakit hindi manlang ako pinapansin ni Allen?Habang pangiti-ngiti akong palakad sa canteen nakasalubong ko si Allen na masakit makatingin sakin. Parang kainin ako ng buhay.

"Layuan mo kaibigan ko. Ang landi mo. Linalandi mo na ako pati pa naman kaibigan ko. Hindi na ako magatataka na ganyan ang nanay mo. Siguro ang landi niyo talaga dalawa." Sabi niya sakin na ikinagulat ko. Parang ialang kutsilyo ang natusok saking dibdib. Matatanggap ko pa siguro marinig to sa ibang tao pero sa taong mas hinahangaan ko? Ibang istorya na to. 

   Sinampal ko siya napakalakas. Ang sakit ng kamay ko."Ang kapal naman ng mukha mo. Hindi mo ako kilala kaya wala kang karapatan na pagsalitaan ng kung ano-ano." Sigaw ko sakanya.

  Tumalikod ako sakanya at napansin kong marami ng nakikigulo sa min.

"Bagay nga sakanya."

"Ang arte niya." 

"Nasampal rin siya ng katotohanan."

"Ambisyosa kasi."

"Wala rin siya karapatan na saktan si Allen" parinig nila sakin. 

Hindi ko pinakita sila na nasasaktan sa halil na umalis ako papunta sa gate pero bago ako makaalis sa gate naring ko ang sigaw    niya na nagpatulo talaga ng luha ko na parang gripo na walang tigil sa kalalabas ng luha.

 "You fucking BITCH! WHORE! GOLD-DIGGER."

Marriage BenefitsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon