Amethyst's POV
" Hoy! Bruha! Gumising ka na dyan! Nakalimutan mo bang first day ng pasok mo ngayon!? Bangon na! Tss." gising sakin ng aking stepmother at lumabas na sa kwarto ko. Tss. Kakagising ko pa nga lang sinisira na niya araw ko. Makasigaw... -__-
BTW, Ako nga pala si Jhayne Amethyst Castillo. Amethyst for short, Hindi na pala short, mahaba na yung Amethyst eh. Haha. But BTW, ako ay 16 years old na. Lumaki ako sa piling ng aking stepmother na si Cynthia at ang mga stepsisters kong si Andrea at si Aryanne. Tss. Ang susuplada kaya ng dalawang yun. Kahit minsan tinuturing nila akong katulong, ok lang, mahal ko parin sila kahit ganun sila sakin. Tapos yung papa ko naman, sa states, gusto ko ngang sumama sa kanya eh pero bawal. Oh ano? Parang story ni Cinderella noh? Kjwk. : P
Pagkatapos kong magdaydream eh naligo na ako at kumain tapos umalis na.
-School-
" Amethyst!!!" salubong sakin ng mga bestfriend kong sina Trixie at Yurie. Namiss ko tong dalawang to.
" Si Nadine?" tanong ko sa kanila. Si Nadine kasi ang very bestfriend ko since kinder, kaya malamang hinahanap ko siya. Kahit may pagkaweirdo si Nadine. Ok lang. Sanay na rin naman ako eh.
" Wala pa eh. " tipid na sagot ni Trixie. Nagulat naman kami kasi may bumangga kay Yurie. Tinulungan namin siya at tiningnan kung sino ang nakabangga. Nakatalikod lang siya at para bang hindi niya alam na may nakabangga siya, tas di man lang magsosorry. Bastos!
" Hoy! Nakabangga ka tas di ka magsosorry! Bastos ka rin eh no!" sigaw ni Trixie at tumalikod naman samin yung nakabangga. Oh what a mess!
" Any problem? Why are you shouting at me?" siya si Marian, ang bully sa school. Kahit sino, ibubully niya, masunod lang ang gusto niya. Kaya nga kinakatakutan siya sa buong school at pati narin ang mga alagad niyang sina Shane at Faith. Tsk. Tsk. Trouble. Trouble. Trouble.
" Eh kasi gusto ko?"
" Sumasagot ka pa? Hindi mo ba ako kilala?"
" Una, alangan naman di ako sumagot kasi tinatanong mo ako. Pangalawa, pake kung sino ka. At pangatlo, hindi na ako natatakot sayo."
" Fine. Just a reminder, Don't mess with me AGAIN, or else pagsisisihan mo. We're not yet finished. So, maghanda ka." nakangising sabi niya at umalis. Tss. Kala mo naman maganda. Upakan ko yun eh. -_-
" Yurie, ok ka lang?" tanong ni Trixie kay Yurie.
" I'm definetely ok, ikaw dapat ang tatanungin ko niyan, are you ok?"
" Hayaan mo nalang yung Marian na yun. She want war? Then I'll give her war."
------
Nadine's POV
Ako nga pala si Nath Geraldine Alcantara, tawag sakin Nadine. Kilala ako bilang weirdo sa school. Ok lang sakin kahit pinagsasabihan akong weird, sanay narin naman ako eh. Minsan nga sabi nila, lahat daw ng mga sinasabi kong weird, nagkakatotoo, kaya nilalayuan nila ako, pero may tatlo lang na tumanggap sakin, at sila sina Amethyst, Trixie at Yurie.
At kung meron akong bestfriends, meron ring nangbubully sakin. Eh sino pa ba? Edi sina Marian. Kung kaya ko lang labanan sila, dati ko pa ginawa ng matauhan. Wala naman akong ginagawa sa kanila eh. Masama na bang maging weirdo ngayon?
At dahil maaga pa, nag-ikot ikot muna ako sa school. Yung totoo parang horror ang dating ng school na to, parang luma na kumbaga. Nakakatakot eh.
Umupo ako sa bench sa garden at kinuha ang libro ko para magbasa.
Sa kalagitnaan ng pagbabasa ko nagulat ako sa narinig ko.
"Psst"
" May tao ba dyan?" matapang kong sabi. Pero tumahimik lang ang paligid.
" Kung sino ka man, huwag mo akong takutin!" Oo, natatakot na ko, malay mo naman kasi...
" Bullaaggggaaaa!!!!!" nagulat ako dun ha, si Venice lang pala.
" Alam mo, your so matatakutin. It's just me don't worry." sabi niya tapos umupo sa tabi ko.
Ibinalik ko nalang ang mata ko sa mga libro ko at nagbasa ulit habang si Venice naman nagtatablet.
" Alam mo, try to speak sometimes. Ang tahimik mo" sabi niya. Magsasalita pa sana ako pero nagring na ang bell namin, kaya papasok na ako sa classroom ko.
Pagpasok ko sa classroom nakita ko si Amethyst, Trixie at Yurie na nakaupo sa last row, kaya pumunta ako sa kinauupuan nila at umupo sa vacant seat katabi ni Amethyst.
" Andyan ka na pala, best. Kamusta bakasyon?" tanong sakin ni Amethyst.
" Umm, o-ok naman" tumango lang siya at sakto naman na dumating si maam.
" Good morning class! I'm Miss Grace Malayan, your adviser. So, we have 5 transferees, Transferees please go to the front and introduce yourselves." So, pumunta na yung mga transferees sa harap.
" Good Morning everyone! I'm Cassandra Nicole Smith."
" Danielle"
" Hazel Anne Ramirez"
" Gray Cereles"
" Cedric"
Pagkatapos magpakilala ng transferees, bumalik na sila sa upuan nila.
- Uwian-
-----
Boring noh? Hehe. First Chapter pa lang po yan hayaan niyo muna, nagUpdate lang po ako kasi ang tagal ko nang hindi nakapagupdate. Sorry rin po sa matagal naUD busy lang sa school.
Please Read, Vote, and Comment kayo!!!
BINABASA MO ANG
The Haunted Library
Детектив / ТриллерGugustuhin mo pa bang magpunta sa library kung buhay mo ang nakataya? Hope u like it!