Isang linggo na nung nangyari yung insidenteng yun. Wala kong balita sa kanya at wala rin akong balak alamin kung nagpakamatay ba sya oh ano ang mahalaga tahimik ang mundo ko.
Nandito ako ngayon sa MOA arena dahil sa concert ng bigbang. Ibinigay nya sakin yung ticket after nya kong ihatid nung nakaraang linggo. Sa totoo lang yung araw na yun hindi ko sya nakausap ulit dahil sobrang tahimik nya. First time as in first time ako nakafeel ng awkwardness sa pagitan namin and I didn't even bother to talk. Alam ko naman kung kelan tamang tumahimik at magsalita.
"Ang panget mo panot! Ang panget panget mo! Walanghiya ka sa demonyita ka pa pumatol huhuhu" nabulabog ako sa iniisip ko ng maalalang may kasama nga pala ako.
Dahil dalawa yung ticket at wala si Mina si Jane ang sinama ko pero mukhang mali ako ng desisyon.
"Ok lang yan Jane, may magiging anak pa sila yun na lang ang patulan mo" Lalong lumakas yung iyak nya. Oo, umiiyak sya ngayon.
"Ayoko nun may breed na" at umiyak ulit. Minsan iniisip ko kung nagdadrama ba to o nagpapatawa lalo.
Pumasok kami sa loob at tipong ang lively ng kinakanta ng bigbang eh kabaliktaran naman ang response ni Jane.
"JANE TEARS OF JOY BA YAN?!" Sigaw ko dahil napakalakas ng tugtog na pati sigaw ko katumbas na ng bulong. Kaso imbes na sagot hagulgol ang ibinato nya sakin. Jusko napepredict ko ng di ko maeenjoy tong concert at kung tutuusin wala rin naman ako sa mood.
Natapos yung concert ng pinakamamahal kong si TOP na di ko manlang naenjoy. Isipin mo naman yung kasama mo talo pa crying ladies kung umiyak at dahil doon hindi ako nakapagconcentrate sa panunuod.
Nang makalabas kami ay agad ko syang pinasakay sa taxi.
"Inuman tayo Eri" alok ni Jane na ayaw pa paawat at gusto pang bumaba ng taxi.
"Jane hindi solusyon ang alak sa problema. Broken hearted kalang gaga bukas broken hearted ka pa rin kaya yang problema mo itulog mo na lang" at sinara ko na yung pino ng taxi na di man lang hinihintay yung sagot nya.
Hinintay ko lang makalayo yung taxing sinasakyan ni Jane bago ako sumakay din ng taxi. Magkaiba kasi kami ng daan kaya ganun.
Bumaba at nagbayad agad ako ng makarating ako sa building. Naglalakad ako papasok ng may biglang humila sakin.
"WAAAHH! KUNIN NYO NA YUNG BAG KO! PLEASE LANG WALA SAKIN ANG ONE PIECE!" Oa na OA kong sigaw. Baka mamaya magnanakaw to at balak patayin ang kagandahan ko o kaya rapist balak halayin ang maladyosa kong pangagatawan.
"One piece?" Nagsalita yung humatak sakin. Unti-unti ko itong nilingon at halos mabunutan ako ng tinik ng makitang si Migo lang pala yun.
Isang malutong lutong at todo pwersa ko pa syang binatukan. Muntik na kong atakihin doon sa puso. Akala ko mawawala na ang pinakaingat ingatan ko.
"What was that for?" Naguguluhan nitong tanong.
"Wag mo kong maenglish english ngayon wala ko sa mood! Letse naman Migo pwede naman kasing iapproach ako ng maayos" ngumisi naman ito at mukhang naiintindihan kung anong pinuputok ng butsi ko.
"Malay ko bang masisindak ka ng gwapo" Naningkit naman yung mata ko sa sinabi nya. Takte isang linggo lang kami hindi nagkita dumoble ata hangin nito sa katawan. Ganyan na ba nagagawa ngayon ng broken hearted? Aba kung ganon magmamaganda na si Jane pagpasok?
"Uso na nga global warming bakit di ka pa rin naapektuhan" Inis kong sagot dito. "Ano nanaman bang kailangan mo sakin? Don't tell me gagawin mo kong panakip butas?! Well, I'm telling you this mataas ang standards ko sa lalaki"