November 10 ,Friday.
Bilis ng araw diba.Syempre aba naman isa-isahin ko pa yung bawat araw,e puro heartache lang naman yung maikwekwento ko sa inyo.
About kay Calvin,ewan di na ako madalas nakikipagbonding sa newsfeed ko,ang madalas ko nalang binubuksan ay yung messenger app ko,at nakikipagchikahan sa Lee Min Ho na GC na mayroon ako.Sa school madalas ko naman siyang nakikita pero hindi na katulad ng dati na titig dahil kailangan tingin nalang,dahil hindi ko talaga magawa yung salitang pag-iwas.Wala narin akong balita about sa lovelife niya,at ayokong makabalita kasi baka nga lumala na yung pagkacrush niya kay Gianna.
May isang buwan narin ata yung lumipas simula ng hindi ko na siya chinachat ,i -minus niyo lang yung isang araw which is ng November 1.
Flashback...
November 1..
Maaga akong nagising ngayon,ito katatawag lang sa phone nila Mom and Dad,kamustahan at payo lang,something like that.
Nagonline ako sa messenger at lahat ng mga kakilala ko ay nagsend ako ng greeting according sa holiday ngayon.
Syempre pati nadun sa tatlong kaibigan ko.And naisip ko siya,si Calvin.
November 1 ,naman ngayon hindi naman siguro masama kung babatiin ko siya..
"Happy Sad Halloween po."send to Calvin.
3 mins later.
"Happy na sad pa"Calvin.
Ayzz.Ganito parin pala yung mararamdaman ko kapag nakachat na siya ,parang mas lumala pa mga yung kilig e .Sa tagal ba naman na hindi ko na siya chinachat ,ngayon nalang ulit .
"Ganon talaga para maiba naman."send.
"*like sign* hahaha"Calvin.
Ayz.wala parin talaga siyamg pinagbago.
"Sige po,binati lang kita,pero sabi ko naman sayo di na kita kukulitin ."send.
"K po"Calvin.
Saddest part again,Oh sa tingin mo Jayciel namiss ka ng klase na yan??
Whaaaa.Of course hindi ,halata naman sa chat,hindi ba pwede yung mala-wattpad naman yung mangyari ,yung sasabihin niya na magchat muna kami kasi namiss niya ako.?ASA KA SA WALA JAYCIEL!!This is the saddest part again,pero atleast nabati mo siya,pero ibig sabihin mahalaga pa siya sa iyo Jayciel,kasi mageffort ka pa na batiin siya..Ano ba yan sad naman talaga yung Nov 1,mas naging sad pa lalo.
End of Flashback.
Ano ganap ngayon?Mayroon lang naman booth ngayong umaga,but alam niyo na hindi ko type pumasok kapag mga ganoon..at mamayang 1:00 ay may awarding para sa mga honors ng senior para ng sa first sem average.
***
1:00Dahil wala sila Mom and Dad si Yaya ang aatend sa akin,pinauna ko na sa loob ng gym si Yaya at ako pumunta muna sa may room,para ilapag yung dala kong gamit.
Pagdating ko sa room may mga pumupunta pa din sa booth namin.Tapos sinalubong ako ni Maureen,yung dalawa pasaway hindi daw aatend.
"Sino umatend sa iyo Jayciel?"tanong nito sa akin.
"Ahm.Si Yaya.She's on the gymnasium right now."tugon ko dito.
Pagkatapos nabaling yung atensyon ko dun sa C section habang kausap ko si Maureen,hindi ko alam kung namamalikmata lang ba ako,pero kami lang naman yung nandito sa harap ng room namin.
Nakatingin kasi si Nathone sa side namin ni Maureen,kaya bigla naman akong parang nailang.Siya lang mag-isa yung nasa gilid sa harap ng room nila,tapos si Renzo nasa bandang pinto may kabidahan ata mula sa loob ng room nila.Pero sa loob loob ko nagtataka ako kung bakit wala si Calvin,madalas naman kasi nilang kasama yun.Pero sabagay baka nasa loob ng room nila.
Nabaling ulit yung atensiyon ko sa side nung Nathone at kahit na medyo iwas yung tingin ko,nasisight ko padin na nakatingin siya.
BINABASA MO ANG
Dreaming Mr.Hearthrob (Completed)
Teen Fiction"Never force something or someone just let it be,if it's meant to be it will be"all of a sudden iyan ang kataga na itinatak ko sa puso't isipan ko,pero di ko akalaing maglalaho simula ng makilala ko siya,when I start to dream a Mr.Hearthrob like him...