Ayzz.Ano ba problema ng isang yun,tuwing makikita ko kasi siya may iba.basta parang nakakakaba,nakakaramdam ako ng hiya,ikaw ba naman yung makakita na parang nakatingin sa iyo,tas yung mga mata pa nun e parang inosente..
"Ahm.May space pa ba sa loob ng room ilalagay ko lang yung gamit ko?"tanong ko kay Maureen,kasi naman naiilang na ako dito.
"Oh,Yes .sa likod mayroon."tugon naman sa akin ni Maureen.
"Ah.Okay lagay ko lang ito ah."paalam ko dito.
And akalain mo yun nakayuko akong nagpunta patungo sa likod ng room,tapos yung buhok ko na tangimg pangharang ayaw pangmakisama dahil sa hangin.
Binilisan ko nalang yung paglakad ko.Shemiieee naman,bakit ba ganon makatingin yun,feeling ko kasi ang dating ng tingin niya para siyang naawa na ewan.
After kong ilagay yung gamit ko ay tumambay muna kami sandali ni Maureen sa harap ng room,and ako nandito sa gilid kung saan may nakatabing na poste para hindi ko makita yung C section,which is nandun padin yung weird nasi Nathone.Ayzzz.
Ilang sandali pa at nakita ko na papadaan sila Renzo at Nathone.Bakit kaya wala siya?Hindi naman pwede na hindi siya pumasok dahil andito si Nathone,na lagi niyang kasabay.Nagulat pa ako ng lumingon ulit sandali si Nathone sa side ulit namin.Problema niya ba?Yung namang crush ni Rosielyn na si Renzo nililipad na naman yung ulo dahil sa mala-astroboy niyang hairstyle.
Tapos pagkalampas ng dalawa sa amin,bigla nadin nag-aya itong si Maureen na pumunta na kami sa gym.Ayzz.wrong timing naman kasi..ito tuloy nasa harapan namin yung dalawa,buti nalang pala at di nila kasama si Calvin,perp nasaan kaya yun.?
Uy...Hinahanap..Gising na sa katotohanan na hindi kayo para sa isa't -isa.Ayzz.Grabee naman. T_T
Malapit na kami sa likuan papuntang gym ng makita ko na may tinawag yung dalawa dun sa building ng junior sa mga 4rth year at nagulat naman ako sa nakita ko.
Si Calvin?Ahm.Yes si Calvin nga.Pero ano naman kaya yung ginagawa niya duon?Pero in fairness napatulala na naman ako.
Oo napatulala,paano ba naman kasi hindi ko maitanggi na ang astig at cool na naman niya ngayon,with his blue shirt na ang tingkad ng kulay ,bagong-bago nga e.Haha.Naalala ko tuloy na madalas kong pansin sa kanya parang ang hilig niya sa blue at sa mga shades.Kagaya nalang ng blue na bench niya na panyo,tapos yung bag niya,tsaka sa mga photos niya sa FB na may suot siyang shades ,at ng makita ko siya dati sa canteen ng school na ito na nakashades na naman..
Edi ang situation magkasalubong kami ng way ,kaya binilisan ko na ulit yung lakad ko,syempre di na naman ako mapakali nun,kaya hinila ko na si Maureen ..
Tapos ng bago kami tuluyang pumasok ng gymnasium lumingon ulit ako sa likod.
Hindi ko lang alam pero ngayon araw ko lang ulit hindi matiis na tingnan siya ng matagal.Weird nga e,kasi this pass weeks na kakaya ko naman kahit papaano,but now ewan.
May napansin lang ako sa kanya,ang saya niya..yes.kakaiba yung ngiti niya may ikwinikwento pa nga ata siya dun sa dalawa,yung reaction ni Renzo.don't know di ko masabi basta ang pungay ng mga mata inaantok ata e.Haha.Yung Nathone naman,parang walang naririnig .
Tapos pinagmasdan ko nalang sila hanggang pagtapat nila ng parking ..uuwi na kaya sila?
Pero si pasaway naman na pag-asa ..naisip ko pa nasana hindi pa siya umalis,para kapag tinawag yung name ko sa stage malaman niya man lang na ako pala yung taong humahanga sa kanya,yung pinapangarap siya.Yung tipong wala kaming gagawin dalawa,parang tadhana lang yung gagawa ng way ..
Nagumpisa na yung program,kaya hindi ko nadin nakita kung umuwi na ba sila.
3:35 ng matapos yung awarding ,pero nakaupo padin kami ngayon,dahil may mga blah blah blah pa na sinasabi ..Napahigab tuloy ako at napatingin sa may parking na nasa gilid lang ng gymnasium ng school na ito.
o_o Andito pa pala sila..Nakita ko na nakaangkas na sa motor niya si Calvin at si Nathone.Pero ano ba problema ngayon at pati si Renzo nakita kong nakatingin sa side ko ngayon.Okay wait..ayaw ko naman kasing mag-assume.Pero Shemieee naman ipinamumukha ba nila sa akin na sa kanilang dalawa nararanasan ko kahit kaunti yung isa sa mga bagay na sobra kong pinapangarap na makita ko man lang sa mga mata ni Calvin,a little glance ganon?
Oo ,dati nakita ko na siyang nakatingin sa akin,and bilang na bilang ko yun.Twice in a blue moon lang ..
Ako na yung unang nag-alis sa tingin ko dun sa side nila.Tapos ng ibinalik ko na yung tingin ko ulit ..nasa tapat na sila ng gate.
Sana hindi nalang pala ulit ako tumingin,talagang wala pala akong existence para sa taong pinapahalagahan ko. :(
Dapat pala siya gumanap sa Legend Of the Blue Sea..Hahaha.Mali pala .He's the Guy On The Blue...Kaya ba yung isa pinapangarap kong kaunting pagtingin niya,once in a BLUE moon padin?. :(
BINABASA MO ANG
Dreaming Mr.Hearthrob (Completed)
Genç Kurgu"Never force something or someone just let it be,if it's meant to be it will be"all of a sudden iyan ang kataga na itinatak ko sa puso't isipan ko,pero di ko akalaing maglalaho simula ng makilala ko siya,when I start to dream a Mr.Hearthrob like him...