Apply
Limang taon nang nakalipas, simula nang ipahiya niya ako sa buong university. Matapos ang ganong insidente parang ako pa pinagkamalan ang may kasalanan.Pero hindi nila alam na ako mas higit na naapektuhan. Gabi-gabi akong umiiyak pero walang umaakay saakin. Sa tuwing tinatanong ako ng Mother Freya nagsasabi lang ako na okay lang ako. Palagi na akong pinapahiya sa university at naghantong sa paglipat ng ibang university ng tumontong ako sa college at nakapagtapos ng kursong Comerce. Laking pasasalamat ko kay Mother Freya at sponsors ko sa pag-aaral. At hindi naman sila naghinayang sa pag-aaral sakin. At ngayon bumukod na ako. Umalis na ako sa bahay amponan at nag-upa sa apartment ni Madam G.
Sa una, masungit ang pakikitungo sakin ni Madam G. ngunit ng kaunay ay naging magkaibigan na kami. Pero pagdating sa singil ng upa wala na don 'kaibigan-kaibigan' sakanya.
May kumatok sa apartment. Hindi ko ito binuksan dahil alam ko naman na si Madam G. ito.
"Kia... Abaa! Magbayad ka na sa upa mo. Dalawang buwan ka nang hindi nakakabayad dito." sigaw niya sa pintuan ng apartment ko.
Binuksan ko ito at tumambad sakin ang mukha ni Madam G. Nagtataasan ang kilay niya at puno ng wrinkles ang mukha niya.
"Relax Madam G." sabi ko dito sabay himas himas ang kanyang balikat.
"Aba! Ikaw na bata ka. Magbayad ka nga sa upa mo. Dalawang buwan ka nang 'di nakakabayad." Sigaw niya ulit sakin.
"Madam G. Gusto niyo na bang manatay na birhen?" Tanong ko sakanya. Wala pa kasing asawa si Madam G. Masyadong choosy sa mga lalaki.
"Abang bata ka! Syempre hindi. Bakit mo naman naitanong" curious na tanong niya saakin.
"Syempre alam mo naman ang stress ay nakakadulot ng pagbilis ng pagtanda at kung matanda kana diba madali ka nang mamatay? So gusto mo yun? Mamatay ng birhen? Jusko. Madam G. hindi ko pa nakikita ang forenjer mong asawa mamatay kana?pagsasalaysay ko sakanya habang nakikinig sakin ng nakanganga.
"Syempre naman hindi. Hehe. Kukunin kitang bride's maid pagkinasal na ako ah? Maghintay ka lang ilang araw. Makakabingwit rin ako. Hahaha" tawa ako ng tawa ako kay Madam G.
"Ganyan madam G. Much better at para gumanda ka pa matulog ka palagi ng maaga. Katulad maaga pa ako natutulog kaya ang ganda ko. Diba?" tanong ko sakanya. Pero sa loob ko'y nagdidiwang na ako. Akalain mo yun nauto ko si Madam G?
"Sige. Sige matutulog ako ng maaga mamaya pero 'wag mo naman ibahin ang usapan kahit ikaw na ang bride's maid ko magbayad ka parin ng upa ngayon! Nasan na?" utos ni Madam G. habang nakalahad ang kaliwang kamay niya sakin at nakapikit pa.
Akala ko naman nauto ko na siya pero nagkakamali ako. Failed ako sa ngayon pero siguruduhin kong hindi na dito.
"Madam G. Parang awa mo na alam mo naman na wala akong trabaho ngayon e. Pero bukas mag-aapply ako kaya hintayin mo yan at baka may pasalubong pa ako sa'yo." pagmamakaawa ko sakanya.
"Talaga? Magbabayad kana?" pagdadalawang isip ni Madam G.
"Oo nga madam. Kilala mo ba yung Taleon Company?"
"Ah yung pinakamayang kompanya dito sa Pilipinas?"
"Tompak Ganern. Akalain mo yun. Alam mo ba kung magkano ang kikitain ko dun buwan-buwan? Mga 25,000 lang naman." Pagamamayabang ko kay Madam G.
"O sige. Basta kung mayaman ka na, 'wag mo kong kalimutan ah?"
"Ano ba yan Madam G.? Madam G. Ang pinakamagandang 45 years old na nakilala ko, Malilimutan ko? Ano ba yan? Makakalimutan ko lang pati pangalan ng jowa ko wag lang si Madam G." Sabi ko sabay pag-angat ng ulo na parang nagtutulumpati.
"Sige. Hahaha. Bukas ah. Hihintayin ko. Sige alis na ako." pamamaalan ni Madam sakin.
Nang nakaalis si Madam, doon lang ako nakahinga ng maayos. Sa wakas nauto ko rin siya. Pero sa totoo lang kinakabahan ako para bukas. Tiningnan ko ulit ang dyaryo kung saan nakita ko ang Taleon Company. Kinuha ko at linagay sa cellphone ko ang complete address ng kompanya. Good luck sakin bukas.
BINABASA MO ANG
Marriage Benefits
RomanceMatagal ng hinahangad ni Kia Ysabelle Malo ang lalaking si Allen Taleon. Simula pa lang highschool sila, 'di na maalis ang paningin ni Kia kay Allen. Pero sa paghihintay niya ng matagal parang susuko na si Kia dahil ni kahit isang tingin lang ni All...