Chapter Four: A day with the two
~••~
Napamulagat ako ng mga mata ko nang makaramdam ako ng pagtapik sa braso ko. Handa ko na sana siyang sampalin o sakalin kaso bigla nalang akong nahulog mula sa kung saan ako natutulog ngayon.
Napatili ako at napahawak sa ulo kong unang tumama sa sementadong parte ng likod bahay.
Kaagad akong naupo ulit sa kahoy na upuan at tiningnan ng masama si Alien na ngingisi ngisi habang nakatingin saakin.
"Masarap bang humalik ang semento?" nang-iinis nitong tanong saakin kaya tumaas lahat ng dugo ko sa ulo ko.
Hinilot ko ang noo ko na mukhang namumula ba sa lakas ng pagkakabagsak ko. Mabuti nalang at hindi ako nabagok at nawalan ng malay o 'di kaya'y nagka-amnesia.
Tumayo ako kahit parang feeling ko ay lalagnatin ako sa sakit ng katawan ko. Ano bang ginawa ko at parang tinakbo ko ang buong mundo?
Hays. Oo nga pala, naglinis pala ako ng bahay ng alien na ito.
"Pumasok ka na, magdidilim na. Maraming ahas sa likod bahay. Tsaka gutom na ako, magluto ka na." utos ni Ali at pumasok sa loob ng bahay.
Biglang kumulo ang dugo ko, nakakainis talaga! Bakit ko pa kasi naisipang lumayas? Ugh!
Bago ako sumunod papasok ay kinuha ko na ang mga sampay sa labas, pero bigla nalang may tumawag saakin.
"Miss," Hinanap ko kung sino iyon at nakita ko ang isang lalaking guwapo na nakangiti saakin, iyong ngiting matino. Lumapit siya saakin.
"Hi, ako si Ezrio, you can call me Rio. Uhm, dito ka ba nakatira kay Ali? Are you his girl--" bago pa man niya matuloy ang sasabihin niya ay pinutol ko na.
"Ah hindi, I'm not his girlfriend--ano kasi...... p-pinsan ko siya. Nagbakasyon lang ako dito sakanila." napahigpit ang hawak ko sa mga damit na hawak ko.
Hindi ko kayang titigan ang mga mata niyang magaganda lalo pa't nagsisinungaling ako. I'm not used to look at someone's eyes lalo na kapag nagsisinungaling ako.
I heard him chuckle. Napatingin ako sakaniya.
"If my cousin told you to lie, you don't need to. It's fine if you're shy." Nakangiting sabi niya.
Bigla akong namula sa hiya. Siya pala ang legal na pinsan. Sorry naman. Hays. Anong sasabihin ko once na magtanong siya kung bakit ako nandito sa bahay ng pinsan niya?
Lalo pa siyang lumapit kaya nagtaka ako."Let's come--"
"What the hell are you doing here, brute?" biglang sulpot naman ni Alien.
Napatingin siya saamin ni Rio. Biglang nangunot ang noo niya.
"I'm here to visit my cousin. Is it bad?" tanong naman ni Rio at nauna ng pumasok.
Tiningnan lang ako ni Alien."Didn't I told you na pumasok na?" may iritasyon sa boses niya.
"Kinuha ko lang naman itong mga damit mo." sabi ko at pumasok narin.
Naiinis ako kasi parang naiinis siya. Eh bakit ba siya nagkakaganoon?
Pumasok ako sa loob ng kwarto niya at pinasok doon ang mga damit niya. Lumabas din ako kasi may kumatok mula sa labas.
It's Rio.
"Hey. May LQ ba kayo?" tanong niya ng nang-aasar.
"Hindi ko siya boyfriend o anuman. We're not related. I'm just his maid." tuloy tuloy kong sabi. Aalis na sana ako kaso hinila niya ang pulsohan ko.
"so, kung hindi naman pala kayo related, can I be related to you?" tanong niya.
"Go in the kitchen and cook for dinner, Tali." madiing sabi ni Ali.
Inirapan ko siya at nagtungo na lang sa kusina.
Oh no, wala nga pala akong alam sa pagluluto. Sh*t na ito.
Bahala na nga.
Pagdating ko sa kusina-- na nagmukhang kusina dahil saakin-- naghalungkat ako ng pwedeng iluto sa refrigerator ni Alien, syempre, itlog at bacon lang alam kong lutuin, pero hindi naman kami mag-aalmusal kaya hindi iyon ang lulutuin ko.
Naghanap ako ng pwede ko pang lutuin na pinakamadali. Kinuha ko ang manok na nasa freezer at kumuha ng sayote. Kumuha narin ako ng bawang, sibuyas at luya.
Ito lang ang tanging alam kong putahe na pwedeng lutuin, natutuhan ko ito nung nasa states pa ako kasama si Lola, sawa na kasi ako sa pagkain doon kaya nagpaturo ako kay lola ng pwedeng lutuin na Pinoy foods. Ito lang daw ang pinakamadali kaya iyon ang tinuro niya-- Tinola.
I heat the pan and put some oil. Habang pinapainit ko ang kawali, hinugasan ko ang nakahiwa ng manok at itinabi muna. Hiniwa ko na rin ang mga bawang, sibuyas, luya at sayote. At dahil sa katangahan ko, nahiwa ko pa ang daliri ko. Napadaing ako pero hinugasan ko nalang at tinuloy ang ginagawa.
Nagisa na ako ng bawang, sibuyas at luya. Pagtapos nun, inilagay ko iyong manok, at syempre, tatalsik kaya napatili ako ng mahina. Ugh. Ayoko na talaga.
Hinawakan ko ang paso ko sa kamay at braso, pero hinayaan ko nalang rin.
Nilagyan ko ng tubig ang niluluto ko at sinunod ang sayote. Hinayaan ko nalang maluto.
Habang hinihintay kong maluto, nagsaing ako sa rice cooker. Hindi naman kasi ako marunong magsaing talaga.
Nang matapos ko lahat, tinawag ko ang dalawa na seryosong nag-uusap. Sumunod naman sila at kumain na kami.
Katabi ko si Alien at katapat ko si Ezrio.
"Ang galing mo palang magluto, Tali." sabi ni Rio na ganang-gana sa pagkain.
"Not actually." sabad ni Ali na halatang sarap na sarap naman. Inirapan ko lang siya.
"Iyan lang talaga ang alam kong lutuin eh." nahihiyang sabi ko naman.
"Hindi halata. You cook very nice." sabi na naman ni Rio.
"Thank you sa appreciation, Rio."
Nasamid naman ang pesteng Alien na nasa tabi ko.
"Ahm, p-paabot nga ng tubig Tali." utos niya.
Inabot ko ang pitsel sakaniya sabay irap.
Nabigla naman ako nang hawakan ni Rio ang kamay ko.
"Bakit may hiwa at paso ka?" tanong nito at hinawakan pa ang mga sugat ko.
Napadaing ako ng kaunti at binawi ang kamay ko.
"I told you I'm not used to it." sabi ko at nagpatuloy sa pagkain.
Naramdaman ko ang mabibigat na titig ni Ali kaya sinikap kong 'wag siyang tingnan.
Nabigla nalang ako nang hilahin niya ako papunta sa kwarto niya.
BINABASA MO ANG
Lost In The Alien's Galaxy
Romance"I love you, to our own galaxy and back." - Ali Yen © Copyright 2018 by Mary Joy Mungcal (majhie_mungz)