Chapter 4- Hired

53 1 0
                                    



Makita siyang nakatayo sa aking harapan ay para ana akong nahihirapan. Naghahalo ang kaba ko at inis ng makita ko siya. Parang sasabihin ko na lang sakanya ang katagang 'I Quit' at lalabas na lang ako dito pero hindi. Pinagpaguran ko 'to at dapat ko rin harapin 'to kahit ano pang ipapagawa niya sakin. Wala ng atrasan 'to.

"Its been awhile," sabi niya sakin na 'di pa mawala ang ngiti sakanyang labi.

"Ang ano sir?" maang-maangan ko sakanya.

"Tsk. Nevermind," aniya.

Akala mo? Akala mo ikaw lang magaling? Matapos ang pagsakripisyo ko? Fuck you. Jusko. Bad pala yun.

"So, we will start our interview," sagot niya sabay ang pag-upo ko sa upuan sa harap ng mesa niya.

"Give me your folder," utos niya sakin at dali-dali ko naman binigay sakanya ang folder na dala-dala ko.

Habang binabasa niya ang folder ko dun na ang oras para kilitisin ko siya. Ang laki ng pagbabago niya. Kung noon gwapo siya pero ngayon mas lalo ito gumwapo at ang hot pa.

Perpektong panga.

Matangos ang ilong.

Mahaba ang pilik-mata.

Perpektong panga.

Mapupulang labi.

Malalaking muscle.

At maayos nakaahit ang balbas nito. Mythological god kaya ito? Ang gwapo e. Perpektong perpektong mukha. Akala ko noon sa libro at t.v ko lang makikita ang mga ganitong nilalang pero nakikita ko rin pala sa personal. Hindi na rin ako nagtaka kung bakit ako nandito. Diba ang mga mythological gods my abs? May abs rin kaya ito? Siguro.

"Miss-----" napatulala ako sakanya kay naman hindi ko naririnig ang mga siansabi niya. Ang ingay niya sa totoo lang. Pak. Nakalimutan ko.

"What sir?" paglalambing ko at nag balik ako sa reyalidad.

"So? Why should I hire you?" tanong niya sakin.

"Dapat niyo po akong i hire because I'm motivated person sir. Kaya kong gawin lahat ng gusto niyo ipapagawa sakin sir. At base po sa hinahanap niyong new applicant na may mabuting personalidad, ay angkop na angkop sakin at kung ako i hihire niyo sir hindi po kayo magsisi sa ginawang desisyon. Pangako ko yan sir. Pagbubutihan ko po ang trabaho ko. Promise," sagot ko paturo sa langit. Hehehe.

Hirap na hirap kaya akong magsagot sa mga tanong niya bukod sa pagiging masungit niya para wala pa siya pakialam sa mga sinasagot ko. Ganyan ba talaga kayong mayayaman? Wampake.

"You may go. We will call you."

"Thank you po sir."

"This is your folder."

"Thank you ulit sir," sagot at  dali-daling linagay ang mga gamit sa aking bag. Pero sa hindi inaasahan, natabig ko ang baso na puno ng tubig.

"Shit. Anong ginawa mo?," tanong niya saking pasigaw.

Ano ka ba bulag? Syempre natabig! Hindi mo ba nakita. Yan sana ang sasabihin pero hindi na lang baka hindi pa ako ma hire dito lalo na kailangan ko talaga ng pera.

"Sorry sir. Kukuha na lang po ako ng basaha," pakiusap ko sakanya.

"Bilisan mo!" utos niya sakin na pasigaw.

Kaya pra naman akong kabayo makatakbo para mabilis makuha ang basahan. At pinunasan ang mesa niya.

"Sa susunod kasi 'wag lalampa-lampa," parinig niya pa sakin.

Alam mo minsan sarap mo rin sigawan no? Kahit kompanya mo ito ipapahiya kita talaga. Akala mo kung sino ka. Ah.

At mabilis ko rin nilisan ang lugar na yon. Kahit yung ibang empleyado kung kamusta raw interview, sinasagot ko na lang sila ng ngiti at mabilis na naglakad paalis dun. At hindi pa nakaligtaan ni manong guwardiya ng pangbobola saakin.

At dahil wala naman ang magawa sa apartment ni Madam G. pumunta na lang muna ako sa palengke nang makabili ng mga pangangailang sa apartment katulad ng sabon, shampoo, tootpaste, prutas, noodles, mga de latang pagkain at ano pa. Pero hindi ko malilimutang ang pasalubong kay Madam G. bumili ako ng isang kilong kamatis para samin dalawa. Hati na lang kami dito. Kakaiinin namin araw-araw. Pamapakinis ng kutis at bumili pa ako ng kung ano-ano.

At napansin ko sa isang silid sa may palengke  na may isang matanda ng nakaupo at maraming gamit sa harap niya mesa na nakapatong na kagamitan para sa hula-hula.

Tiningnan niya ako ng mabuti at sinabi ang "Ganda, hali ka dito huhulaan kita," sabi niya sakin.

At dahil nga na wala na akong pera natitira at pamasahe na lang ito pauwi kaya tumanggi na lang ako.

"Wala na kasi akong sapat na pera, lola. Pamasaheng pauwi na lang ang natitira dito."

Pero sadyang mapilit si lola.
"Libre ito, apo. Walang bayad para sa'yo. Ibigay mo lang dalawang kamay mo sakin at babasahin ko ang kapalaran mo," utos niya sakin.

Binigay ko naman ang dalawa kong kamay. Susubukan ko lang. Wala naman mawawala kung susubukan diba at libre pa ito kaya grab the oppustunity na. Chos.

Nang binigay ko na ang dalawang kamay ko, hinawakan niya ito at ipinikit ang kanyang mga mata. At muli itong dumikat ng makaraang minuto. Kahit na iba ang pakiramdam ko pinagpatuloy ko parin ito.

"Sadyang masaya ang buhay mo pero mapait naman ang tinatahak mo distinasyon. Mag-ingat ka sa mga desisyon mo dahil mo nararamdaman na nasasaktan mo na pala ang sarili mo at ang taong pinakamamahal mo," banta sakin ni lola.

Nang sinabi niya yun bigla na ko na lng binawi ang mga kamay ko hindi dahil hindi ako naniniwala kundi natatakot ako sa mga sinasabi dahil maari itong magkakatotoo.

"Umuwi ka na, apo. Mag-ingat ka palagi," sabi pa niya.

Umuwi na lang ako at sinabahala ang sinabi ni lola. At pagkarating ko sa apartment, tuwang-tuwa si Madam G. sa ikang dala para sakanya. Sabi pa nga niya. Kung maganda na raw siya, mas lalo pa raw siya gumanda. Kaya natawa na lang ako sakanya.

"Kia, kamusta pala interview?" usisa niya sakin.

"Okay lang naman Madam G. Tatawagan lang daw nila ako," sagot ko naman sakanya.

Habang ngakukwentuhan kami ni Madam G. nakarinig kami ng nag-riring nga cellphone. Hinanap rin namin ito at nakita kung aking cellphone pala ang tinatawagan.

~calling unregistered number.

Sinagot ko na rin ito kahit nag-aalangan pa.

"Good day ma'am! This Company Taleon and we have good news for you. You're hired as a new secretary assistant. Good luck and tomorrow will be your first day with us. Don't be late. Thank you."

"Whaaaaaaa!" sigaw ko nang patalon-talon. Totoo yun? New secretary na ako?
Whaaa!!!

"Kia, anong nangyari? Jusko magakakaheart-attack naman ako sa'yo," aniya ni Madam G.

"Madam, magiging new secretary na ako Whhaaaaa. Magkakaroon na ako ng 25,000 buwan-buwan!" balita ko sakanya at nagtatalon-talon rin siya.

At natapos rin ang pagtatalon namin. Tinannong naman ako ulit ni Madam G.

"Sino nga pala ang CEO dun?"

"Si Allen Taleon po. Ex crush ko po."

AN: Tuloy-tuloy na po ang update ko. Sana po magustuhan niyo kahit bagohan lang ako sa pagsusulat. Enjoy reading po.

Marriage BenefitsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon