Hello @misscheery ! :) hihi. Oh ayan, dedicated for you. :">
Si Lanz pala on the right side >__<
-----------------
6:47 am
Naglalakad na ako papunta sa ERA. Mga 15 mins din yun pag nilakad galing sa bahay namin. Ayoko naman mag trike or jeep dahil sayang pamasahe. Haha. Pero yun nga ba yung totoong dahilan? Hmmm. May weird feeling kasi ako pag sumasakay sa kahit anong vehicles. Takot? Ewan ko rin eh. Di ko maexplain.
Anyway, ayun nga naglalakad na ko. Bakit ba eh trip kong maglakad eh. Haha. Pero nakakainis lang kasi umuulan ngayon. Medyo mahina lang naman kaya keri lang. Haha.
7:30 pa naman ang class kaya ok lang na maglakad ako. Ang aga ko kasing nagising kanina eh. Excited lang pumasok? Gusto ko lang kasing maunang pumasok dun sa dalawa kong bestfriend. For sure, sabay nanaman sila nyang papasok. Babawi ako sa pagiging late ko kahapon. hihi.
After din ng nakakainis na lakaran dahil nga umuulan, nabasa tuloy shoes ko, eh nakarating na rin ako sa school. Naglalakad ako papasok ng gate nang biglang......
*wooooosh*
May dumaang kotse po sa may gilid ko.
At take note: mabilis pong magpatakbo yung driver. Kaya nagsitalsikan sakin yung putik. Grrr. Umuulan nga kasi diba kaya basa yung daan!
"Hey! Magdahan dahan ka nga sa pag ddrive mo!" sigaw ko sa kanya, kahit alam ko namang di niya ko maririnig. Tss. Makita ko lang kung sino yung walang modong driver na yun! Nakooo. Makakatikim siya ng infamous punch ko. -____-"
Di man lang kasi nag sorry sa akin. Kainis talaga! Nakita ko namang nag park na siya nung sasakyan niya. Nilapitan ko siya agad at sinigawan ulit bago pa ito makababa. Naiinis lang kasi talaga ako. Nadumihan kaya yung uniform na suot ko! Umagang umaga badtrip agad ako? Eto ba epekto ng pagiging early bird? Tsss.
"Hoy! Wala ka bang balak mag sorry sakin ha? Tignan mo naman yung ginawa mo sa uniform ko oh! Tss. Simpleng sorry di mo magawa? Sa susunod nga mag ingat ka sa pag ddrive mo! Wala ka po sa race track para magpatakbo ng ganung kabilis!" naiinis kong sigaw sa kanya with matching kalampag pa ng bintana niya. Wala akong pakialam kung teacher man siya ng school na to. Tama naman sinabi ko diba?
Di nagtagal, bumukas na rin yung pinto nung driver's seat. Una kong tinignan yung paa nyang pababa tapos pataas sa katawan. Lalaki pala tong driver kaya di na ko magtataka sa ginawa niya kanina.
Napansin ko ring nakasuot siya ng uniform. Ibig sabihin student pala siya dito at hindi teacher. Pero improper naman ang pagkakasuot nito dahil naka loose yung tie niya at naka open yung two first button ng polo niya. Wala rin yung parang coat nila. Ang hot niya! Ayy, bakit ba eto yung sinasabi ko? >__<
Natauhan lang ako nung makita ko yung mukha niya at naka smirk pa sa akin. Doon ko narealize na siya pala tong taong nakatayo sa harapan ko. Haay! Binabawi ko na yung sinabi kong ang hot niya kanina. Pssh.
"Hello Yuki" bati niya sa akin sabay kindat pa. Eeew. Ano naman nasinghot nito?
"Hoy wala ka bang balak mag sorry sa ginawa mo sakin?" nakataas kilay kong tanong sa lalaking nakangisi sa harapan ko. Tsk. Naaasar ako sa mukhang pinapakita niya.
"Huh? Ano bang ginawa ko sayo?" pa inosente niya pang tanong sakin.
"Wag ka ngang mag maang-maangan pa dyan. Di mo ba 'to nakikita?" sabay turo ko sa madumi kong uniform. "Siguro sinadya mo yun noh?" naiinis kong sigaw sa kanya.
"Woaah. Di ko naman nakita na may mushroom pala sa dinaanan ko kanina. Magagalit pala yun pag nabasa siya. Haha" mushroom? sinong mushroom tinutukoy niya? Ako ba yun?? Grrrr.
BINABASA MO ANG
He Who Stole My Heart
Roman pour AdolescentsIs it really true that nothing is permanent in this world? Even your feelings? This is a story about a girl that faces reality in her life. She fell in love with a guy that really stole her heart away. But will her feelings change as she discovers m...