Kytail POV
["Tama na. Itigil na natin toh."]- mahina niyang sabi mula sa kabilang linya.
Nagsimulang tumulo ang mga luha na kanina ko pa pinipigilan. Nablangko ang utak ko at parang tumigil ang mundo ko. Para bang may bumara sa lalamunan ko at hindi ko magawang makapagsalita.
"L-life.."- ang tanging salitang nasabi ko pagkatapos ng mahabang katahimikan dahil hindi ko magawang maituloy na magsalita. Hindi ko kayang pigilan na mapahagulgol.
"M-may p-problema ba? O-okay naman tayo ah. B-bat naman b-biglaan?"- mahina at nahihirapan kong tanong. Bumuntong-hininga muna siya bago magsalita.
["Payne pagod na ko."]- mahinang bulong niya. Tila ba nawalan ako ng lakas at nanghina ang mga tuhod ko.
' Kung unti-unti mang lumamig ang relasyon natin, ipangako mo sakin.. Ipangako mo sakin na magtutulungan tayo na mag catch up, magtutulungan tayo na bumalik sa dati..'
' Pangako, hindi ako mapapagod sayo. Hinding-hindi..'
' Dumating man ung araw na mapaharap tayo sa mabibigat na problema, walang susuko ha? Kasi ako pinapangako ko sayo na hinding hindi kita susukuan..'
' Parehas tayong lalaban. Sabay tayong lalaban.. Pangako yan..'
Naalala ko ang ilan sa mga pangako niya. Mga pangakong binitawan nya. Mga pangakong sinabi niya na tutuparin niya.
"A-ayusin naman n-natin toh oh.. L-life, b-bakit?"- nanginginig man ang boses ko dahil sa pag-iyak, umaasa ako.. Umaasa pa rin ako sa mga pangako niya. Umaasa ako na maayos namin toh. Pero para bang mas lalo lang na nawawalan ako ng lakas dahil hindi siya sumagot agad. Nagkaroon nanaman ng mahabang katahimikan na naging dahilan ng muli kong paghagulgol.
["Marami pa tayong gustong mangyari sa buhay natin Payne. Marami pa tayong makikilala. Tyaka kaya nga ako pumunta dito diba? Kasi may mga plano ako sa future ko-.."]
"A-at hindi a-ako kasama dun? G-ganun ba?!"- hindi ko na kaya. Ang sakit sakit na.
["Hndi tayo makakausad Payne kung mananatili tayo sa gantong sitwasyon."]
"H-hindi ko.. H-hindi ko n-naiintindihan Harry."
["Tama na. Ayoko na.]- hindi niya na ko hinintay na sumagot dahil binaba niya na agad ang tawag. Napapikit ako ng mariin. Patuloy ang pagtulo ng mga luha ko. Para bang nawalan na talaga ng lakas ang mga tuhod ko kaya tuluyan na kong napaupo. Napapikit ako ng mariin, sobrang bigat ng dibdib ko dahil sa halo-halong emosyon ang nararamdaman ko.
Bat parang ang dali naman para sa kanya na bitawan ako?