Sabi nga nila, ang life ay isang irony. Ewan ko ba kung bakit naging figure of speech ang buhay eh, pero naiintindihan ko naman ang ibig sabihin nito, nandun na ang mga Hyperbole o mga OA at ang mga Simile at Metaphor o ang mga mahilig magkumpara sa sarili at sa iba.
Hi, ako si Celestine 'Tine' De los Reyes, 15, Quezon City. Isang dalaga na hirap tanggapin ang sarili, paano ba naman, pinagtitiisan ko tong katawan kong pan-candidate ng biggest loser. OA ko no? Hindi naman sa ganun, pero mataba talaga ako. Kaya yun, hirap sa love life, hirap sa pagkilos at mas lalong hirap sa mga tao. Pag-pasok na pag-pasok ko palang sa paaralan ang salitang 'baboy' agad ang sasalubong sa akin. Ganda ng life ko diba? Buti nalang na nandiyan ang barkada kong ubod ng bait sa sobrang bait tinalbog pa nila ang Student Council sa pamamalakad sa paaralan. Sarcastic no? Hindi naman sa masyadong mabait, sakto lang naman. Nandiyan rin naman yung hearthrob kong bestfriend na si Xenon Yu. Oo, hearthrob yan, Chinito eh. Kaya halos lahat ng babae pinagiinitan ako, bestfriend ko daw ang isang hearthrob, hindi daw ako karapat-dapat kasi mataba ako. Hindi ko pinapansin ang mga ganun na kumento. Mag bestfriends na kmi ni Xenon ever since the world begun. Mag-childhood bestfriends kami, close din yung parents namin at mag-business partners sa isang company. Lagi niya akong pinagtatanggol sa mga tao mahilig mang-api sa'kin, parang kapatid ko na siya kaya ang tawagan namin Bunso at Kuya. Ako ang bunso, siya ang kuya. Malamang siya mas nakakatanda sa'kin eh. Siya yung comfort zone ko, kapag masyado akong apektado sa mga sinasabi ng iba, lagi niyang babanggitin ang isang line sa isang awitin ng One Direction na Little Things, 'I know you never loved the sound of your voice on tape, you never want to know how much you weigh you still have to squeeze into your jeans, but your'e perfect to me.' Napapangiti ako kapag sinasabi niya ang line na 'yan, masyado kasi akong nakakarelate diyan eh. Mahilig din akong mag-record ng mga awitin sa phone ko, at nang papakinggan ko na, ay nako, basag ang eardrums ko. Feelingera kasi eh. Feeling singer.
BINABASA MO ANG
Life in a Figure of Speech
Teen FictionSabi nga nila, ang life parang figures of speech. Ewan ko ba kung bakit naging figure of speech ang buhay eh, pero naiintindihan ko naman ang ibig sabihin nito, nandun na ang mga Irony people o mga ambisyosa. Hyperbole o mga OA at ang mga Simile at...