Chapter 1

136 0 0
                                    

Ganito ang naging umaga ko: Gumising ng 5:30 ng umaga, naligo, nag-bihis, kumain, nag-tooth brush, sabay alis papunta sa paaralan at pinagsisigawan ng 'baboy', 'tabachingcing' at kung ano ano pang insulto ang ibinato nila sa'kin. Sanay na ako na araw-araw nila akong iniinsulto, alam ko bullying na 'yan pero ayoko namang ipakita sa kanila na apektado ako. Naging manhid na yata ako simula nung pumasok ako sa lecheng paaralan na 'to. Natuto akong maging manhid sa lahat ng bagay, matigas, hindi matanggap ang sarili at hindi marunong lumingon sa kinaroroonan. Buti nalang at dumating na si Xenon.

"Sorry, traffic eh. Inapi ka nanaman ba?" Tanong niya.

"As usual. Sanay na'ko." Matigas ko namang sinagot

"Alam mo, hindi na normal yang pinagdadaanan mo eh. I-report mo na kaya yan sa Guidance, masyado ka na kasing apektado." sagot naman niya.

"Okay lang ako, hindi naman ako apektado eh, 'Just look at the bright side' diba?" pabanat ko namang sagot.

"Cge, ikaw bahala, sa susunod na mas lalo ka nilang paginitan, hindi na ako magdadalawang isip na ireport yan sa Guidance ha? Naawa na kasi ako sa'yo eh, naging manhid ka dahil sa mga insultong binabato nila sa'yo." napakamot siya sa ulo.

"Ano ka ba Kuya! Okay na okay lang ako. Mas mabuti nalang na naging manhid ako dahil hindi na ako apektado masyado sa mga sinasabi nila. Pasalamat pa nga ako sa kanila eh." pasigaw akong sumagot.

"Okay. Sabi mo eh." inakbayan niya ako. "Basta nandito lang ako pag may kailangan ka ha?"

"Okay. Thank you Kuya ha? Ako rin eh, naawa na sa'yo, naging bestfriend mo ang isang tulad ko." palibag kong sinabi.

"Hoy! Hindi ako nagsisisi na naging bestfriend kita, isa ka sa malalaking blessings na binigay sa'kin ni Lord. Kung di dahil sa'yo hindi ako matatauhan. Ikaw pa nga yung nagturo sa'kin na intindihan yung mga magulang ko kung ba't sila palaging busy." pasigaw rin siyang sumagot. Tumawa lang naman ako.

"Basta, bunso ha. Nandito lang ako pag may problema ka. Mahal na mahal kita kaya huwag ka nang sumagot dahil malalate na tayo!" Hinila niya ako pataas ng hagdan.

*sa classroom

Binati kami ng barkada namin at nag-chikahan lang muna habang wala pa ang guro namin.

"O Tine, inapi ka nanaman ba nila?" tanong sa'kin ni Aisla.

"Naku, sanay na'ko." sagot ko naman.

"Mag-diet ka na kasi!" insulto naman nitong si Marco. Sinapak siya ni Xenon.

"Oo nga eh, dapat sumali nalang ako sa PBB." pasimangot naman akong sumagot

"Bakit?" tanong naman ni Margaux.

"Gusto ko ma-experience yung mga challenges ni Kuya. At para na rin pumayat ako." sagot ko naman.

"Ba't PBB ang sasalihan mo? Nandiyan ang The Biggest Loser oh!" pa-joke naman tong si Yaser. Sinapak naman nito ni Xenon.

"Isa ka pa!" sigaw ni Xenon.

"Hindi, seryoso, tulungan nalang natin  kaya si Tine na pumayat." pa-suggest naman ni Shailene.

"Hindi na. Salamat nalang." kinagat ko ang kuko ko.

"Alam mo, tama si Shailene, gusto mo namang pumayat diba?" tanong ni Zeke.

"Oo naman." sabay kagat sa kuko.

"Eh kung ganun, tutulungan ka namin. Simula ngayon, wala nang chichirya, softdrinks at kung ano-ano pang pagkain na ubod ng cholesterol." sabi ni Margaux.

"Cge, game!" patawa naman akong sumagot.

At nagsimula na yung klase.

*lunch break

Nagtipon-tipon ang barkada namin sa Cafeteria. 8 kami sa barkada namin : Ako, Xenon, Margaux, Aisla, Shailene, Yaser, Marco at Zeke.

Tamad naming tinapon ang mga gamit namin sa mesa at umupo. Si Zeke ang nag-order ng lunch namin. Napagpasyahan nila na dapat pare-pareho ang kakainin namin para hindi ako ma-tempt na kumain ng ibang pagkain na ubod ng cholesterol.

Dumating si Zeke na may dalang tray. Biruin mo naman, ang ulam namin daing na bangus, isang tasa ng kanin at napakaraming kalabasa na halos mapuno ang mga plato namin. Alam nila na hindi ako kumakain ng gulay, pero kailangan, kung gusto kong pumayat.

"Dapat marami kang kakainin na gulay dahil yan ang makakatulong na magpapayat sa'yo." sabi ni Zeke habang binibigay niya yung pagkain sa'kin.

"Alam ko. Kaya pilit ko 'tong uubusin." sabi ko habang tinitikman ang gulay. Masarap naman siya. Ngayon palang kasi ako nakatikim ng gulay eh.

"Masarap naman siya." sabi ko sa kanila.

"Mabuti naman kumg ganun, mas bibilis pa ang pagpayat mo." matuwang sinabi sa'kin ni Margaux.

Ilang minuto na ang nakalipas at naubos rin ang pagkain namin, halata namang busog ang lahat, nabusog lang ako sa gulay, masyadong maalat yung daing. Tawagin niyo na akong maarte pero nagkaroon na ako ng kaso ng UTI.

Ilang minuto pa bago ang next class namin kaya nagchikahan lang muna kami.

"Kumusta ang pagkain?" tanong ni Zeke.

"Busog naman ako." sabi ko habang hinahawakan ko yung tiyan ko.

"Eh hindi mo nga kinain ang daing mo eh." turo ni Margaux sa pinggan ko.

"Masyadong maalat eh." reklamo ko naman.

"Kung ganun, kalabasa nalang kaya ang kainin mo araw-araw, masustansya pa at papayat ka pa." sagot ni Marco.

"Pwede naman, kahit sa bahay?" patanong ko naman.

"Bakit hindi?" tanong ni Shailene.

"Baka naman isipin ng magulang ko na naglilihi ako na araw-araw kalabasa ang kinakain ko." sagot ko naman.

"Oh my God. Buntis ka nga ba?!" pajoke naman tong si Yaser.

"Sira! Hindi no!" sabay sapak sa kanya.

"Kung buntis ka sino yung tatay? Si Kristoff? Yieeee." pa-link naman tong si Marco.

Si Kristoff Pedrosa, ang crush ko simula pa nung elementary, ang tumulong sa'kin nung nalaglag ako sa hagdan, ang dahilan kung bakit pumapasok ako araw-araw, ang nagpapatibok ng puso ko pag nakikita ko siya. Childish no?

"Ano ka ba. Crush ko lang yan, hindi boyfriend at mas lalong hindi ko asawa!" sinigawan ko si Marco.

"Sabi mo eh." napatingin siya sa kanan "Speaking of Kristoff.."

Napatingin naman ako. Holy... Ang gwapo niya talaga! Pinigilan ko naman ang sarili kong kiligin.

Life in a Figure of SpeechTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon