Mag-kakaibigan sina Yaser,Xenon,Marco, Zeke at Kristoff. Nasa iisang team sila sa football varsity ng school namin. Lumapit si Kristoff sa mesa namin at nakipag-bro fist sa mga boys.
"Uy bro, musta ang Singapore?" tanong ni Xenon.
"Okay naman. Maraming chix dun pare." sagot ni Kristoff.
"Sayang hindi mo kami sinama!" pa-emote ni Marco. Tumawa lang si Kristoff. Shet grabe yung smile niya!
"Upo ka." sabi ni Aisla.
Yung bakanteng upuan nalang ay sa tabi ko. Kaya doon siya umupo. Pinigilan ko ang sarili ko na kiligin. Pero hindi ko napigilan ang sarili ko na mag-blush.
"What time yung class niyo?" tanong niya sa'kin. Oh my Gosh kinakausap niya ako!
"Uhm-uh. 1:30 Annalytical Geometry, Building B." sagot ko naman na pagutal-gutal.
Tumawa si Aisla nang palihim.
"Oww, pareho tayo. Parang familiar yung mukha mo." nakatingin siya sa akin. Shet.
"Ah oo. Mag-classmate tayo nung elementary." sagot ko naman.
"Ahhh kaya pala familiar ka sa'kin. Ano ulit yung name mo?" tanong niya.
"Celestine De los Reyes." sagot ko.
"Sabi ko na nga ba ikaw yun!" natuwa siyang sumagot. "Ikaw yung tinulungan ko nung nahulog ka sa hagdan"! sagot niya na pasigaw.
Tumawa silang lahat sa mesa.
"Ahh, oo ako yun." hiya naman akong sumagot.
"You look, uhm. Different." tiningnan niya yung katawan ko. Punyeta to nakakahiya na masyado! Biruin mo naman, nung elementary ako, sobrang payat ako nun, mas payat pa nga ako sa banana cue stick eh. Hyperbole nanaman. Hay nako.
"Kasalanan 'to ng cholesterol at carbs." pabiro kong sagot.
Natawa naman silang lahat.
"Well, I cant blame carbs and cholesterol. Nagsimula ka na bang mag-diet?" tanong niya sa akin.
"Ah eh. Oo ngayong lunch lang." sagot ko naman.
"Mabuti. You know why life is ironical right?" tanong niya. Tumango lang naman ako.
"Maraming payat ang nagsasabing mataba sila, mga papansin lang ang mga yun." sabi niya.
"Oo nga eh, samantala kaming matataba, hindi matanggap ang sarili, Ironical nga." pangiti naman akong sumagot.
Ngumiti lang naman siya at nagkatinginan kami.
OMG.
*school bell rings
Panira tong bell na'to sinira pa yung moment namin ni Kristoff. Habang naglalakad kami papunta sa Building B, tuloy parin ang pangungulit ni Xenon.
"Ayiiie Bunso kinikilig." tukso naman niya.
"Ano ba yan Kuya pwede ba? Nakakabwiset na eh." napakamot ako sa ulo.
"Uyy, nagtampururot. Sorry na. Pasalamat ka nga kaibigan namin yun, kung hindi, hindi sana siya lalapit sa mesa natin at umupo sa tabi mo!" binara niya ako.
"Oo na, thank you na." painis ko namang sagot.
*Building B
Nauna si Xenon sa classroom, nag-CR muna ako at nag-ayos, habang paakyat na ng hagdan, kung kailan nagmamadali pa, dun pa ako nahulog. Punyemas naman kung minamalas oh! Malamang pinagtawanan ako at minurahan pa ng "Ang taba kasi." "Masyado na yatang mabigat yang mga paa mo." Nagkalat ang mga aklat ko at inis na binabalik sa bag ko.

BINABASA MO ANG
Life in a Figure of Speech
Teen FictionSabi nga nila, ang life parang figures of speech. Ewan ko ba kung bakit naging figure of speech ang buhay eh, pero naiintindihan ko naman ang ibig sabihin nito, nandun na ang mga Irony people o mga ambisyosa. Hyperbole o mga OA at ang mga Simile at...