So, magiging business partener namin ni Xenon si Kristoff. Pumerma na kmi ng Advanced Contract para mapadala sa States at maaprubahan ng MP company. Sa sobrang tuwa ko sa araw na'to, magpapa-lechon talaga ako. Unfortunately, Im on a diet. Ipinakita nila sa amin ang business sales ng MP company at FLICK.R company. Pareho lang naman ang sales namin pero mas marami ang projects ng kompanya namin pero yung MP kahit konti lang ang projects nila, matataas parin ang sales nila. Pinaintindi nila ang Statistics ng business namin, sa totoo lang wala akong naintindihan.
Nakita ng mga board members kung paano kami magusap-usap.
"It's nice to see the future managers getting along. Ipagpatuloy niyo yan at mas magiging successful ang pagpapatakbo niyo sa kompanya in the future." natuwang sinabi ng isang board member from MP.
Ngumiti lang kaming tatlo at patuloy na nag-usap.
"They're expecting a lot from us." nerbyoso akong tumingin sa kanilang dalawa.
"Oo nga eh. Sana nga makapag-prepare tayo ng maayos no?" tanong ni Kristoff.
"Guys, dinner na daw." tinawag kami ng Daddy ni Kristoff.
"Okay Dad." tawag naman ni Krisroff.
"Mhm, Tine. Diet remember?" paalala sa akin ni Xenon.
"Of course. Tara." sabay sabay kaming tatlo pumunta sa buffet table.
Yung kinuha ko lang naman ay vegtable salad at pasta. Ayaw kasi akong tantanan ni Xenon sa kakaremind niya sa akin na "Dont tempt yourself." Tubig lang naman ang iniinom ko for the whole duartion.
Ilang oras na ang lumilipas at unti unti nang nagsisiuwian ang mga tao. 10 na ng gabi at kami nalang ni Xenon at ang mga magulang namin ang natira.
"Punta tayo bukas sa birthday ng Mommy ni Shailene ha?" paalala ko naman sa kanya.
"Oo ba. Pupunta naman silang lahat eh." sagot naman ni Xenon.
"May pagkain nanaman?" tanong ko sa kanya.
umupo siya sa tabi ko. "Vegetarian ang Mommy ni Shailene, for sure healthy food ang iseserve niyan."
"Sana nga. Masyado na kasi akong nacoconcious eh. Ba't ba kasi tumaba ako. Noon sobrang payat ko ngayon parang ininflate ako eh." napasandal ako sa upuan.
"Hoy. 'I know you never love the sound of your voice on tape, you never want to know how much you weigh, you still have to squeeze into your jeans, but your'e perfect to me'" hinawakan niya ang balikat ko.
"Thank you kuya ha. Marunong ka talagang magapangiti ng tao." ngumiti ako sa kanya.
"Oo naman. Basta ikaw bunso. Pagpatuloy mo yang pagdadiet mo. Kasi pag-pumayat ka, naku, paghahabulan ka ng mga lalaki!" pabiro naman niyang sinabi. Natawa naman ako.
"Parang imposible na yata yan eh. Pumayat nga naman ako, hindi parin naman magbabago ang itsura ko." napahiga ang ulo ko sa mesa.
"Alam mo napaka nega mo. 'Just look at the bright side' diba? nandito ang barkada mo, nandito ako, tutulungan ka namin. Huwag kang mag-alala. Kaming bahala sa'yo" sabay akbay sa'kin
"Talaga?" tanong ko naman.
"Oo. Basta pagpumayat at gumanda ka na, huwag kang snob ha?" pinisit niya ang cheeks ko. Natawa lang naman ako.
Eto yung gusto kong side ni Xenon. Alam niya kung ano ang gagawin niya pag feeling niya ina-underestimate ko ang sarili ko. Alam niya kung ano ang sasabihin niya pag nasa ganitong sitwasyon ako. Nakakapagtaka lang kung bakit wala pa siyang girlfriend eh. Marunong naman siyang magdala ng babae pero NGSB siya eh.
"Bakit hindi ka pa nagkaka-girlfriend?" natanong ko sa kanya.
"Ba't naman natanong mo yan?" he raised an eyebrow.
"Wala. Curious lang ako. Sa gwapo mong yan at sa bait mo, wala ka paring girlfriend. Marami naman ang nagkakagusto sa'yo, wala ni-isa ang niligawan mo?" tanong ko sa kanya.
"Alam mo kasi, iba ang ideal girl ko eh. Yung simple lang at yung matatawag kong akin." sagot niya.
"Paano mo naman masasabing 'akin' kung hindi mo liligawan at hindi magiging kayo?" palito akong nagtanong
"Kasi noon pa siya naging akin." sagot naman niya. Medyo hindi ko maintindihan tong bestfriend ko.
"So, may girlfriend ka na? O may may nililigawan ka?" tanong ko naman.
"Mhhhm... Wala. Complicated eh." napakamot siya sa mukha niya.
"So may nagugustuhan ka?" tanong ko ulit.
"Parang ganun. Pero mukha naman wala akong pag-asa eh. May gusto siyang iba eh. Masasabi kong 'akin' ang feelings na'to para sa kanya. Metaphorical pero, hmm. Wala talaga." napasandal siya sa upuan.
"Naku, torpe ka lang. Umamin ka nalang kaya sa kanya. Baka sakaling magbago ang isip niya." advice ko naman sa kanya.
"Baka sakali." ngumiti lang naman siya.

BINABASA MO ANG
Life in a Figure of Speech
Teen FictionSabi nga nila, ang life parang figures of speech. Ewan ko ba kung bakit naging figure of speech ang buhay eh, pero naiintindihan ko naman ang ibig sabihin nito, nandun na ang mga Irony people o mga ambisyosa. Hyperbole o mga OA at ang mga Simile at...