Chapter 4

11 0 0
                                    

Xenon's POV

Nakauwi na ako ng bahay, pati na rin sina Tine. 11:30 na nang gabi at hindi ako makatulog.

Nagulat ako nung tinanong ni Celestine kung ba't wala pa akong girlfriend. WALA. Wala din akong nililigawan. Yung totoo niyan, ang tanging kaisa-isang besfriend ko na ubod ng kamanhiran ang nagugustuhan ko. Oo, crush ko si Celestine. Matagal ko na siyang crush. 10 years old palang ako, nahulog na ako sa kanya. Maraming nagsasabi na imposible na may magmahal kay Tine, pero never ko pa siyang jinudge sa pagiging mataba niya. Mataba nga siya pero hindi naman sa pisikal na anyo nakikita ang tunay na kaanyuan ng isang tao eh. Nasa personalidad naman yan eh.

Hindi ako umaamin sa kanya dahil natatakot akong masaktan. Tawagin niyo na akong duwag pero ayokong matulad sa Kuya ko, nagpakamatay siya dahil sobrang nadepress sa paghihiwalay nila ng girlfriend niya. Torpe nga ako pero eto namang si Celestine, ubod ng kamanhiran. Gusto ko namang maramdaman niya na marami ang magmamahal sa kanya, lalong lalo na ako. Mahal na mahal ko si Celestine, mas higit pa sa kaibigan. I just dont have the vibe to tell her. Alam ko na hanggang bestfriend lang ang tingin sa'kin ni Celestine. Sana nga hindi na ako matorpe at sabihin ko na sa kanya ang nararamdaman ko. Napagdesisyunan ko na tawagan si Marco, total, siya naman yung may girlfriend sa barkada namin.

"Hello pare. Musta ang airline?"

"Okay naman. Kailangan ko tulong mo bro."

"O, ano yun?"

Huminga ako ng maluwag.

"May gusto ako kay Celestine."

"Ano?! Bakit? Paano?

"Simula pa nung 10 years old kami. For 5 years ko tinago ang nararamdaman ko para sa kanya."

"Sure ka? Si Tine?"

"Oo nga. bakit naman hindi? Hindi naman nasa pisikal na anyo nakikita ang tunay na pagmamahal diba?"

"Oo nga naman. So ano ang maitutulong ko sa'yo?"

"Advice lang sana kung paano ako aamin kay Tine."

"Sa ngayon manhid siya eh. Kailangan niya ng mas malaking panahon para mag-adjust. Siguro pag payat na siya kasi ngayon mababa pa ang self esteem niya. Masyado pa niyang minamaliit ang sarili niya. Sa ngayon, ipagpatuloy lang muna ang pagturing na bestfriend at kapatid sa kanya, tulungan mo siya sa pagdadiet niya, sa kompanya niyo, at mas lalo na sa pagtatanggol sa kanya sa mga bullies. Dapat palagi kang nandiyan para sa kanya. Baka sakaling magbago pa ang nararamdaman niya para kay Kristoff. Marerealize din niya balang araw na mas karapatdapat ka sa puso niya."

"Ang lalim nun pare ah, pero maraming salamat ah. Makakatulong talaga yan."

"Walang problema bro. Cge tulog na ako. Ikaw din. May lakad pa tayo bukas."

"Cge."

Pagkatapos ng PEP talk namin ni Marco, tinawagan ko si Celestine.

ring..... ring.... ring....

Walang sumasagot. Tulog na ata. Tinext ko nalang siya.

Good Night Bunso! :*

Celestine's POV

Sabado ng umaga. Buti nalang. Walang insulto ang sasalubong sa akin. Chineck ko phone at may miss call galing kai Xenon. Tinawagan ko siya.

"Hello?"

"Good Morning Kuya!"

"Salamat sa pag-gising ha?!"

"Ay sorry natutulog ka pa ba?"

Life in a Figure of SpeechTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon