Jirou POV
Nagising ako at agad kong kinapa ang katabi ko pero napamulat ako dahil wala na si saki sa tabi ko kaya napabangon ako at may nakita akong papel sa bed side table kaya agad kong kinuha at binasa yun..
Rou
Sorry kung hindi ko natupad ang sinabi kong hindi na ako mangugulo pa sainyo pero bago mahuli ang lahat aalis na kami ni rouki at hindi na kailanman magpapakita pa sayo.. mali ang nangyari satin, mali ang may mangyari satin.. sorry kung hindi ako nakinig sa explanation mo noon pero it doesn’t matter now right dahil may kanya kanya na tayong buhay.. salamat at nagmamakaawa ako sayo sa huling pagkakataon na wag mong kukunin sakin si rouki.. minahal kita noon maniwala ka, nasaktan talaga ako ng sobra kaya hindi ko makayanan na pakinggan ang paliwanag mo.. pasensya na talaga wag kang mag alala magpapakalayo na ulit kami hayaan mo lang manatili kami ni rouki dito ng sampung araw dahil yun ang pinangako ko sakanya..
P.S : nangialam ako ng cellphone mo para makita ko ang number ni Nadine at kukunin ko na ulit si rouki sakanya pasensya na sa abala namin ng anak ko..
Nahilamos ko ang kamay ko sa mukha ko dahil sa sulat niya.. akala ko pag gising namin o mas magandang sabihin na sa pag gising ko eh ok na ang lahat at magkakaliwanagan kami pero hindi parin pala.. agad kong kinuha ang cellphone ko para tawagan si Nadine..
[hello kuya, where are you? Bakit hindi kayo magkasama ni ate saki na nagpunta dito?] –nadine
“andyan pa ba sila? Alam na ba nila mom and dad ang pagbabalik niya?” tanong ko sakanya
[ah oo andito pa pero paalis na sila eh.. about dun sa tanong mong isa oo alam na nila at as soon as possible daw uuwi sila] –nadine
“Nadine gumawa ka ng paraan para pigilan sila please” sabi ko sakanya..
[o-ok kuya susubukan ko]
“ok sige pauwi na ako dyan” at pagkatapos ko sabihin yun agad akong nagbihis at lumabas ng condo ko para umuwi sa mansion.. mabilis lang naman ako nakauwi at nakita ko silang andun sa harap ng mansion at naghahatakan..
Bumababa na ako agad para makausap siya.. narinig ko naman na nagtatalo sila at karga karga ni saki si rouki na parang nagtataka na sa mga nangyayari..
“No ate saki makinig ka naman oh please.. wait mo na si kuya” rinig ko pang sabi ni Nadine habang naglalakad ako palapit sakanila..
“Wala na kami dapat pag usapan, sinabi ko na din naman sakanya na aalis kami ni rouki after 10 days.. please naman Nadine hayaan mo na kami ng anak ko na umalis” sabi ni saki at hindi na ako nakatiis kaya nung nakalapit na ako nagsalita na ako..
“No, walang aalis kahit lumagpas pa ng 10 days yan.. kung hindi kita mapakiusapan sa maayos na paraan saki well wala na ako magagawa kundi kunin sayo si rouki alam mong kaya kong gawin ang lahat para makuha ang anak ko” sabi ko sakanya sa malamig kong boses.. ayokong gawin to pero kung ito lang ang paraan para manatili siya sa tabi ko pati na ang anak ko gagawin ko..
Nakita ko naman na para siyang nabato sa kinatatayuan niya at maya maya lang lumingon siya sakin at bumalik siya sa pagiging cold niya, hindi pa din siya nagpatinag at lumalaban pa din siya..
“Gawin mo lahat ng gusto mo pero hindi ko ibibigay sayo si rouki, sinabi ko na sayo siya lang ang meron ako tapos kukunin mo pa?! nasan ang hustisya dun jirou?” nagulat ako sa sinabi niya lalo na sa pagbanggit niya sa buo kong pangalan pero agad ko din naman inalis yun sakin at cold pa din akong tumingin sakanya..

BINABASA MO ANG
White Blood Prince's and Ms. Lonely
Romance(currently editing each chapters) 5 years old ng iniwan ako ng first love ko.. 10 years old ng bawiin ng dyos ang magulang ko.. Ano pang silbi ng buhay ko kung ang mga taong mahahalaga sakin ay iniiwan ako.. hanggang sa onti onti ko ng dinidistansya...