"'Asan diyan yung manika natin?", nabatukan ko ng malakas si Nicholas dahil na tanong niya.
"Baliw ka ba? Yun ba yung iniisip mo bago ang kaligtasan nating lahat ha?", galit na sabi ko sa kaniya.
"Alam naming praning ka na simula noon pa, Shy pero huwag mo namang bigyan ng malisya lahat. Wala namang ginagawang masama yung mga manika sa atin ah? Ba' t ka ganiyan?", lakas- loob niya akong hinarap. Tumahimik si Cathy kasi alam niya kung saan nanggagaling ang pagka- praning ko. "Bakit ang kj mo?"
"Nicholas, Nicholas huwag ka munang lumabas!" tinawag siya nina Bea, Nicholas at Lawrence dahil bigla nalang itong nagwalk- out at malakas na sinarado ang pintuan.
"Ikaw kasi eh, bida- bida ka!", malakas na sigaw naman ni Bea sa harapan ko at sinundan si Nicholas.
Napahilamos nalang kami sa aming mga mukha. Frustration and fear run in our system at this moment.
"What did you do, Shy? Sabi ko ng huwag kang padalos- dalos 'di ba?", paninisi pa ni Cathy habang hawak ang kaniyang magulo ng buhok.
"Tama na Cathy, iniisip lang naman ni Shylah ang kaligtasan nating lahat", pigil sa kaniya ni Cathy. Nagkibit- balikat lang ang babae.
"Sabihin na natin sa kanila lahat ng ating nararamdaman sa paligid. Wala tayong mapagkakatiwalaan dito sa islang ito", na f- frustrate kong sabi sa kaniya.
"Sundan natin sila bago pa may mangyari", dagdag niya pa. Sumilip ulit kami sa bintana. Mahinang naglalakad ang dalawa habang nakayuko.
"Papunta sila sa isang cottage sa labas ng hotel"
Agad- agad kaming bumaba kahit na delikado. Mabuti nalang at hindi na nagpakitang muli yung multo sa elevator kaya tahimik lang kami sa loob. Lumilinga- linga kami sa paligid pero puro mga manika ang aming nakikita pagkabukas palang ng elevator.
"Diretso lang ang tingin. Magkunwari lang tayong hindi natatakot sa kanila. Act normal", bulong sa amin ni Lawrence.
Nakakatakot. Nanlalamig kami sa takot.
Tuwing humahakbang kami ay tinitingnan kami ng mga manika sa paligid. Maaliwalas naman ang panahon pero pinagpapawisan kami ng malamig habang naglalakad. Iba- iba ang aming mga nakikitang manika. Sa tingin ko'y mga pinaglumaan silang mga laruan dahil ilan sa kanila ay mga sira na pero parang bago pa rin kung gumalaw.
"Breathe. Nakalimutan niyo ng humingang dalawa", natatawang sabi ni Cathy sa amin. Hindi nalang namin siya pinansin. I don't need a joke right now. Diretso lang ang tingin ko papunta sa kinaroroonan ni Nicholas at Bea.
Hindi naman masyadong lumang tingnan ang cottage. Sa tingin ko, gawa ito sa matibay na kahoy at nipa. Todo tingin pa din ang mga manika sa amin.
It's already two- thirteen in the afternoon. Nakacircle itong cottage kaya pabilugan din kami umupo. Katabi ko sa kaliwa si Lawrence at si Cathy ko naman sa kanan. Nasa harapan namin ang dalawa pero hindi nakatingin sa amin.
Maaliwalas ang paligid. Parang walang kababalaghang nangyayari dito sa isla na ito. Nakatingin ako ngayon sa mga bahay, di kalayuan sa pwesto namin. Sobrang tahimik.
May mga bahay na sementado at meron din namang bahay-kubo. Nagtataka talaga ako kung ba't walang tao o hayop dito at kung ba't ito kinatatakutang puntahan ng mga bangkero. Siguro ay sa mga creepy dolls."Pasensya na Nic", paunang paumanhin ko sa kaniya.
"Bakit ganiyan kayo mag- isip dito? Nakakahiya sa kanila. Nagbabakasyon tayo, hindi para maging judgemental", saad naman ni Bea na matalim ang tingin sa amin.
"You' ll know our reasons soon", si Lawrence ang sumagot.
"Bakit 'di niyo sabihin sa amin? Ang unfair niyo eh"
Tikom ang aming mga bibig. Itinuon ko nalang ang atensyon sa mga bahay. Natigilan ako ng mapatingin ako sa gilid ng isa sa sementadong bahay, may manika at gumagalaw na kung ano. Hindi naman masyadong kalakihan ang bahay pero masasabi mo talagang may- kaya ang may-ari nito.
Itinuon ko pa lalo ang aking atensyon at hindi na nakinig sa usapan nila. Para tuloy nag-zoom in ang paningin ko.
"Shy, wag kang magpahalata", bulong sa akin ni Lawrence. Mukhang nakita din ni Lawrence ang manika pero 'di sya katulad sa'kin na halatang-halata daw dahil buong atensyon ang itinuon ko dito.
Mataba ang manika. Walang suot na damit. Para itong sanggol na naglalakad sa gilid ng bahay. Putol ang isang kamay kaya nakakatakot syang tingnan. May hawak-hawak itong kutsilyo. Jusko! may tumutulong dugo dito.
Siniko kami ni Cathy kaya napabitaw kami ng tingin sa bahay. " Uy Shy! Lawrence! Hindi naman kayo nakikinig sa' min eh! Ano bang tinitingnan n'yong dalawa ha? At kailangan ba talagang parehas kayong pawisan at nakakunot ang noo?", muntik pa akong mahulog sa bangko ng mahuli kami ni Cathy. Buti nalang at inaalalayan ako ni Lawrence .
Dahil sa sigaw ni Cathy ay nakuha namin ang atensyon ni Nicholas at Bea na kanina'y wala sa mood dahil sa akin.
"Ahh..iyong manika bang naglalakad na may hawak na kutsilyo?", tinampal ko ang daliri ng Cathy ng balak niya yatang ituro ito. Baka makita niyang siya ang pinag- uusapan namin.
"What? May hawak na kutsilyo?!", medyo pasigaw na sabi ni Bea. Buti nalang at 'di namin nakuha ang atensyon ng manika. Pinatahimik namin silang tatlo baka kasi marinig kami.
Naglalakad pa rin ang manika. Napansin kong parang may pula din sa kanyang tiyan.
Dugo.
Sa hindi kalayuan naman, may nakita akong manok na inahin. Nakatali ang isang paa at todo putak ito. May mga hayop pa din pala dito sa isla, baka may mga tao din pero nagtatago lang.
Mabagak itong naglakad at nilapitan ng manika ang manok. Nagtataka ako. Pero napigil ang aming hininga ng walang habas niya itong pinagsasaksak.
Para siyang naglalaro.
Sunod-sunod niya itong pinaulanan ng saksak habang tumatawa. Pinutol ang ulo at mga paa nito at tyaka itinapon sa direksyon namin.
Nangilabot kami. Natahimik kami. Tagaktak ang malalamig na pawis sa aming mga noo dahil sa nasaksihan.
Nanlaki ang mga mata namin ng mapatingin sa aming pwesto ang manika. Nakita niya kaming pinapanuod siya. Ngumiti ito sa amin ng nakakaloko.
Napatayo agad kami sa aming kinauupuan ng maglakad ito at parang may kinukuha sa gilid.
"Fuck!", sabay kaming napamura ng may hawak itong duguang kamay ng tao.
BINABASA MO ANG
ISLAND OF DOLLS ✔️ (Now Available in Good Novel)
Terror**Highest Rank: #1 in dolls*** MANIKA. Isa sa pinakapaboritong laruan ng mga bata lalong-lalo na sa mga babae. Minsan, nangongoleksyon pa nga ang iba at ginagawang display. Gusto o hilig mo ba ang mga manika? Ako kasi hindi na. Simula nang mapunta k...