Takip-silim na at lumalamig na ang ihip ng hangin. Kakaiba ang lugar na ito, kahit isang sinag ng araw wala kang makikita, parang palaging may ulan na dadating.
Nakakatakot talaga dito, nanlulumay na ang mga paa ko sa kakalakad.
Huminto ako at binitawan ang kamay nya kaya napahinto rin sya at tumingin saakin.
"Wag kang huminto, hindi tayo pwedeng maabutan ng malalim na gabi dito dahil delikado." Seryosong wika nya.
Umupo muna ako sa patay'ng malaking kahoy sa gubat at minamasahe ang talampakan at hita ko.
"Eros, pwede bang sandali lang, sandali lang talaga. Kanina pa kasi takbo ng takbo eh at ngayon lakad naman ng lakad. Mauna kana suaunod ako. Swear." Sabi ko sakanya sabay taas ng kanang kamay ko.
"Tss. Ang arte naman nito" sabi nya at inirapan ako.
Bakla ata to eh. Mga ilang sigundo tumabi rin sya saakin. O diba? Napagod rin, pustahan tayo kumikirot na rin ang mga paa nyan.
Dahan dahan nyang minamasahe ang paa nya.
"Diba napagod karin, ayaw paawat eh, nagpapasikat kaba sakin?" Sabi ko sabay kindat sakanya.
"Wow! Ang hangin mo. Ang ayoko ko sa lahat eh yung mga matataas ang self confidence. Nakakairita. Ang kapal." Blankong mukhang sabi nya at tinignan ako.
Umikot ang mga mata ko sa sinabi nya "As if i care. duh!"
"Siguro kaya ka ganyan kasi wala kang girlfriend no? Kawawa ka naman." Pang aasar ko. Para namang nakailang boyfriends na ako, eh wala pa rin pala haha.
"Shut up. May girlfriend ako." Ayy sayang. Gwapo pa naman.
Yumuko sya. "Pero wala na kaming komunikasyon simula noong nakaraang dalawang linggo, ewan ko." Malungkot ang boses nya habang sinasabi iyon.
"Bakit?"
"Hays. Ewan ko nga sabi. Di nakikinig eh." Iritadong sabi niya at tumayo na.
"Tara na. Sakto na yun baka mamatay pa tayo dito." Sabi nya
"Ayy sandali, kung manghihingi kaya ako ng tulong, total may dala naman akong cellphone eh. Diba?" Nagnining ning ang mga mata ko nang sinabi yun. Ang talino talaga eh.
Agad agad kong dinukot sa bulsa ko ang cellphone ko a----
"Ayy bwesit ka! Akin na nga yan.!" Hablutin ba naman bigla, loko to.
"Don't you know that once you enter another dimension, any gadgets or technologies from your real world will never be recognized? Hindi mo na magagamit yan I'll count 1 to 5 mamatay yang cellphone mo." Sabi nya at pinakita sakin yun.
"1"
"2"
He smirks.
"3"
"Watch it."
"4"
"And pok!"
"5."
Pagsapit ng five biglang na off ito.
What the?!
"See? Ganyan din ng nangyari sa cp ko."
"Hindi ka talaga nagbabasa ng terms and conditions bago mo nilaro ito no?"
"FYI, wala akong balak laruin ang kahibangang larong ito kasi di naman to totoo"
"At pano mo nasabi?"
BINABASA MO ANG
Running From Death Towards Death
Mystery / Thriller"Mamatay ka! " --- bwesit na babaeng naka itim. Nilingon ko siya, "Grabe ka ate ha! Patay talaga?! Tinatakbuhan ko nga ang kamatayan tapos sasabihin mong mamatay ako. Kaloka ka!" Bigkas ko at lumabas na sa elevator. Bago pa man sumara ito, nilingo...