Chapter 3

6.9K 163 1
                                    

SUGAR woke up in an unfamiliar room. Narinig niya ang lagaslas ng tubig na nanggagaling sa shower room. Masakit na masakit ang ulo niya at nahihilo pa siya kaya hindi muna niya iyon pinagtuunan ng pansin. Pakiramdam niya ay ang haba nang naitulog niya pero para sa kanya ay hindi pa rin iyon sapat. Masakit pa rin ang ulo niya at gusto na niya iyong mawala. Muli siyang pumikit na para bang matatanggal niyon ang sakit ng ulo niya.

Peste ka, Ginger! Hindi pala malalasing, ha?

Dahil sa isipin ay muli siyang dumilat. Iginala niya ang paningin sa paligid at ganoon na lang ang panlalaki ng mga mata niya. Noon lang nag-sink in sa kanya na nasa isang hotel siya. Nagimbal siya sa realisasyon na iyon.

I must be dreaming, sabi niya sa sarili. Pinilit niyang bumangon at sumilip sa floor to ceiling na kurtina ng hotel room. Nakita niya ang magandang lugar sa labas. Ang payapang dagat, maputing buhangin, at ang luntiang paligid. Nasa Boracay ba siya?

Ngunit imposibleng makarating siya sa Boracay nang ganoon na lang. Ano iyon, joke? Uminom lang siya ng alak at nakatulog, pagkatapos, paggising niya ay nasa Boracay na siya?

"Oh, you're awake," narinig niyang sabi ng pamilyar na boses. Hinanap niya kung nasaan iyon. Nakita niya si Seff na nakatayo sa pintuan ng shower room na tanging puting tuwalya lang ang nakatapis sa ibabang bahagi ng katawan nito.

Tila sinaniban siya ng demonyo sa nakita. Tiningnan niya ito mula ulo hanggang paa. Sinundan niya ang pagdausdos ng isang butil ng tubig mula sa dibdib nito pababa sa tiyan nito. His body looked sinfully awesome. Hindi ito ganoon ka-macho pero hindi rin naman ito ganoon kapayat. His muscles were all in the right places, making his body look more eye-catching. Idagdag pa ang six-pack abs nito na nakakatuksong hawakan. His torso was V-shaped which made him look sexier. Ang tuwalyang nakatapis sa ibabang bahagi ng katawan nito ay tumatakip sa magandang hubog ng pang-upo nito. He also had very sexy legs. Nasa anim na talampakan ang taas nito. Dahil sa taas nito ay kailangan niyang magsuot ng high-heeled shoes kapag kasama niya ito. Wala kasing panama ang limang talapakan at tatlong dangkal na taas niya sa height nito.

Hindi iyon ang unang pagkakataon na nakita ni Sugar ang halos hubad na katawan nito pero iyon ang unang beses na iba ang tingin niya rito. Nakikita pa nga niya itong naka-boxer shorts o naka-swimming trunks pero hindi ganoon ang epekto niyon sa kanya. Pati yata ang puso niya ay nagwala dahil hindi na normal ang pagtibok niyon.

I must be crazy, sabi niya sa sarili, saka ipinilig ang kanyang ulo. Hindi niya iyon puwedeng maramdaman kay Seff. Nagkakasala siya rito. Hindi niya puwedeng pagnasaan ang katawan nito. Definitely not.

"Do I get a perfect ten?" untag ni Seff sa kanya. Nakapaskil ang isang nakalolokong ngiti sa mga labi nito.

Pilit niyang pinayapa ang kanyang puso bago niya ito sagutin pero patuloy pa rin ang eratikong pagtibok niyon. "N-nasaan tayo?" tanong na lang niya rito. Iniiwas na niya ang kanyang paningin dito.

"Bellarocca Island Resort and Spa in Marinduque! Surprise! Happy birthday, honey," masiglang bati sa kanya ni Seff.

Oh, gosh! hiyaw niya sa isip. Matagal na niyang nire-research ang resort na iyon. Iyon ang pinaka-luxurious na resort sa buong bansa. Marahil ay nakita ni Seff ang flyer ng Bellarocca na nakuha niya nang um-attend siya ng Travel Expo noon. Gustong-gusto niya kasing pumunta roon ngunit wala siyang oras dahil abala siya palagi sa Sugar Treats. Mas hands-on siya kaysa kay Seff pagdating sa pagma-manage ng shop.

Lumapit ito sa kanya at saka siya niyakap nang mahigpit kahit na hindi pa ito nakakapagbihis. Lumapat ang katawan nito sa katawan niya na nagpatindi sa kakaibang sensasyong nararamdaman niya. Naramdaman niya ang kakaibang init na nagmumula sa katawan nito. At nang dumampi ang mga labi nito sa noo niya ay lalo lang kumabog ang dibdib niya.

Twisted Tales Book 1: Going Past The LimitsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon