Chapter 5

6.3K 148 21
                                    

NAPAHUGOT ng malalim na buntong-hininga si Sugar. Napatingin siya sa main door ng kanilang pastry shop dahil may bagong pasok doon na lalaki pero si Yoej lang pala iyon. Akala niya'y si Seff na iyon pero hindi naman pala. Nag-aalala na siya rito. Tatlong araw na mula ng makarating sila galing Hawaii pero hindi pa rin ito nagpapakita sa kanya. Ni tawag o text ay wala siyang natatanggap mula rito. Alam niyang nasaktan niya ito dahil sa hindi niya tinanggap ang pagmamahal nito. Hindi niya alam na mahihirapan din pala siya sa sitwasyong iyon.

Hindi siya sanay na nagkakahiwalay sila ni Seff ng ganoon. Nagkakatampuhan sila minsan pero ang pinakamatagal nilang tampuhan ay hindi umabot ng isang araw. Hindi kasi nila kayang tiisin ang isa't isa. Pero sa pagkakataong ito yata ay magagawa siyang tiisin ni Seff.

Naiintindihan niya kung nasasaktan man ito pero gusto niyang malaman ang lagay nito. Labis siyang nag-aalala para rito at dagdag hirap sa kalooban niyang alam niyang siya ang dahilan kung bakit ito nasasaktan ngayon.

"Problem, ganda?" untag sa kanya ni Yoej nang makalapit ito sa inquiry counter na kinaroroonan niya. Ito ang kakambal ni Joey na mapapangasawa ni Pepper.

Magkamukha man ang magkambal ay magkaiba naman ng ugali ang mga ito. Yoej was happy-go-lucky while Joey was the serious type. Both of them were endowed with good looks and oozing sex appeal. At kahit na sino sa mga ito'y gugustuhin ng mga babae. Lalo na't parehong matagumpay ang mga ito sa mundo ng pagnenegosyo. Hindi nga niya alam kung bakit si Joey pa ang napili ng lolo ni Pepper na pakasalan nito gayong mas madali namang makisama kay Yoej.

Mas kilala niya si Yoej kaysa kay Joey kaya mas makakasiguro siyang magiging maayos at masaya ang buhay ni Pepper dito. Nonetheless, okay na rin naman si Joey. Kahit na seryoso ito'y alam niyang hindi nito gagawan ng masama ang kaibigan niya.

"Dumating ka na kaya malamang may problema na siya," singit ni Ginger sa kanila ni Yoej. Kadarating lang nito roon. Hindi niya alam kung guni-guni lang niya iyon ngunit may nakita siyang inis sa mga mata ni Yoej. Pero nawala rin agad iyon kaya hindi niya alam kung namalikmata lang siya o hindi.

Mapang-asar si Yoej at walang makakatalo rito kung pang-aalaska rin lang naman ang pag-uusapan. Pero ibang usapan na kapag si Ginger ang involve. Nagkakaroon ng World War III sa pagitan ng dalawa kapag nagpapang-abot ang mga ito. Hindi niya lang alam kung saan nagsimula ang away ng mga ito. Kaya naman ngayon ay inihanda na niya ang sarili sa matinding bangayan ng dalawa. Maging ang mga regular customer at staff nila roo'y sanay na rin sa dalawa dahil madalas ang mga ito roon.

"Ngayon ko talaga napatunayan na galing ka sa ilalim ng lupa, Luya. Bigla ka na lang sumusulpot," pambubuska ni Yoej kay Ginger.

"FYI lang, Yoyo. Hindi kusang lumilitaw sa lupa ang luya, hinuhukay 'yon. At ang luyang katulad ko, mahirap mahanap. Nag-iisa lang ako sa mundo," ganti dito ni Ginger.

"Nag-iisang payat, damaged at pangit na luya," pang-aasar pa rito ni Yoej. Natawa na lang siya sa dalawa.

"Sugar, bigyan mo nga ako ng tali ng mapaglaruan ko na ang yoyo na 'to," baling sa kanya ni Ginger. Inabutan naman niya ito ng berdeng ribbon na ginagamit niya sa pagri-ribbon ng mga ide-deliver na cakes mamaya.

Tangkang tatalian nito sa leeg si Yoej nang biglang umatras palayo. Si Ginger pa ang natalian nito sa baywang kasama ang mga kamay dahil mahaba ang ribbon na naiabot niya kay Ginger at dahil ginamit ni Yoej ang tangkad nito para makaisa sa kanyang kaibigan.

"Peste ka talaga, kumag!" inis na sigaw ni Ginger kay Yoej.

"Kung ireregalo kita, walang tatanggap sa'yo," pambubuska pa ni Yoej dito.

"Kung ikaw ang bibili sa'kin, magtatago na lang ako," ganti dito ni Ginger.

"Nagpapatawa ka talaga, Luya. Sa tingin mo bibilhin kita? At sino namang tindero ang magbebenta sa'yo?"

Twisted Tales Book 1: Going Past The LimitsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon