Chapter 6

5.9K 156 6
                                    

SAKTONG alas-diyes ng umaga si Sugar sinundo ni Yoej. Iyon ang ikatlong pagkakataon na niyaya siya nitong makipag-date. Tuwing Sabado lang sila nagkakaroon ng panahon para makipag-date sa isa't isa kaya sinusulit nila. Katulad nang dati'y ipinagpaalam na naman siya nito sa kanyang Mama Angela pagkatapos ay dumiretso na sila sa Tagaytay. Doon daw sila magde-date ngayon. Tawa siya ng tawa habang nagbibiyahe sila dahil puro kalokohan si Yoej. Alam niyang mag-e-enjoy siyang kasama ito.

Ang first stop nila ay sa hanay ng mga bulalo-han doon. Kahit kailan ay hindi pa siya nakakatikim ng bulalo. Sabi ni Yoej ay talaga daw masarap ang bulalo roon. Yoej is showing his high-spirited side. Mas naging komportable siya rito kaya hindi siya nagsisisi na pumayag siyang makipag-date dito.

Nang unang date nila ay nanood sila ng sine. Nagpa-reserve na ito ng ticket para sa isang horror movie pero hindi naman siya nanonood ng horror kaya pumila pa itong muli para bumili ng ticket ng isang romantic comedy. Nang makapanood siya ng isang horror movie noon kasama sina Ginger, Pepper at Lemon ay isang gabi siyang hindi nakatulog at dalawang linggo siyang naging praning. Kung hindi pa siya pinanood ng mga nakakatawang pelikula at palaging maliwanag ang paligid niya'y baka hanggang ngayon ay takot pa rin siya.

Ang pangalawang date nila'y sa Star City. Hindi siya nakasakay sa rides dahil takot siya doon. Nilalagnat siya tuwing sumasakay sa carnival rides dahil nalulula siya at nagsusuka. Nanlalamig siya dahil sa takot. Kaya hindi na siya muling umulit doon. Pero bumawi naman si Yoej dahil nag-food trip sila nito.

"Hipan mo muna bago ka sumubo," paalala ni Yoej sa kanya. Nilagyan nito ng kanin ang pinggan niya samantalang ang bulalo ang unang tinikman niya. Maasikaso at maalaga din pala si Yoej.

"Hmmm. Masarap nga," pagsang-ayon niya sa sinabi nito sa kanya kanina matapos niyang matikman ang sabaw ng bulalo. Napatunayan niyang talagang masarap ang buong putahe ng matikman niya iyon ng buong-buo.

Hindi pa nakakatikim ng bulalo si Seff dahil hindi ito mahilig sa mga ganoon kaya naman agad niya itong tinext at sinabing dapat nito iyong subukan. Tuwing may bago silang nalalaman ay nakaugalian na nila iyong sabihin sa isa't isa.

You're in Tagaytay? reply nito sa kanya.

Yup. We should try this again next time, text naman niya rito.

Hindi ako kumakain ng bulalo, reply ni Seff.

You should try it. Hindi naman nakamamatay. At saka, masarap talaga siya, text niya rito.

We'll see, reply nito.

Nasaan ka ba ngayon? text niya rito.

Batangas racing circuit. I'm with Lemon, reply nito.

They're dating! Again! hiyaw ng isipan niya. May kung anong kumurot sa puso niya sa nalaman niyang iyon. Parang hindi matanggap ng sistema niya na magkasama ngayon sina Seff at Lemon, at nagde-date pa ang mga ito. Hindi naman marunong mag-race si Seff. Bakit ito pumayag na ganoon ang maging date nito at ni Lemon?

Kung anu-ano na ang eksenang pumasok sa isipan niya. Baka katabi ngayon ni Seff si Lemon o baka naman nakaakbay pa si Seff kay Lemon habang si Lemon naman ay nakayakap sa baywang ni Seff.

Eh, ano naman? Wala ka ng pakialam do'n! anang isang bahagi ng isipan niya.

Tama. Wala akong pakialam do'n. Dapat ay maging masaya ka para sa kanilang dalawa lalo na kay Lemon. Gusto niya si Seff kaya malamang ay masaya 'yon ngayon, sabi niya sa sarili.

Pero hindi pa rin niya mapigilan ang makaramdam ng konting kirot sa kanyang puso.

Nasasaktan ka? Hoy, Sugar Aimie Crisostomo! Binasted mo na si Seff kaya wala kang karapatang mag-emote ng ganyan, kastigo niya sa sarili.

Twisted Tales Book 1: Going Past The LimitsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon