SCREW shrimps! hinaing ni Sugar sa kanyang isipan kahit na kasalanan naman niya ang nangyari. Kagabi kasing kumain sila sa isang restaurant ni Yoej ay in-order siya nito ng buttered shrimp. Natukso siyang kumain niyon dahil natakam siya sa juiciness ng mga hipon kaya hindi niya napigilan ang kumain niyon. Hindi naman masyadong marami ang nakain niya dahil nang makaramdam siya ng pangangati ay tumigil na siya sa pagkain.
Mabuti na lang at hindi siya kinapos ng hininga dahil sa allergy niya sa hipon. Hindi na niya sinabi pa kay Yoej na may allergy siya sa hipon dahil gusto niyang kumain niyon. Kung sinabi niya iyon dito'y tiyak na hindi ito papaya na kumain niyon at sa huli'y magi-guilty pa ito.
Dahil sa katigasan ng ulo niya ay hayun siya ngayon. Nakahiga sa kanyang kama at iniinda ang kapal ng kanyang mukha pati na rin ng ibang bahagi ng kanyang katawan. Napakadami niyang pantal. Hindi tuloy siya nakapasok ngayon sa Sugar Treats. Pinatawagan niya sa mama niya si Seff para ito muna ang tumao sa kanilang shop pero sinabihan niya itong huwag ipaalam sa dito ang tungkol sa nangyari sa kanya. Sigurado kasi siyang susugod ito roon at sesermunan siya.
Nang marinig niyang bumukas ang pinto ng kanyang silid ay bumangon siya upang tingnan kung sino ang pumasok. Nanlaki ang kanyang mga mata ng makitang si Seff iyon. Kaya naman muli siyang humiga at nagtalukbong ng kumot.
"Sugar Aimie, hindi na bago sa'kin 'yan," sabi nito sa malumanay na tinig.
Hindi nga iyon ang unang beses na nakita siya nitong ganoon ka-pangit pero iyon ang unang beses na nakaramdam siya ng hiya rito dahil sa hitsura niya. Dati-rati'y hindi siya nahihiya rito. Kahit na umutot pa man siya o ma-tae ay hindi niya iyon kinakahiya basta ito ang makakaalam. Inaalagaan din siya nito tuwing inaabot siya ng allergy niya. Alagang-alaga siya nito at hindi ito pumapayag pang kumain siya ng hipon dahil alam nito kung ano ang nangyayari sa kanya.
"Go away," pagtataboy niya rito.
"Ngayon ka pa talaga nahiya sa'kin," ani Seff.
Naramdaman niyang lumundoy ang kama at tumabi ito sa kanya. Pilit nitong tinatanggal ang tabon niyang kumot sa kanyang katawan pero mahigpit ang naging paghatak niya doon para matabunan siya.
"Ano ba?" sikmat niya rito.
"May hipon akong dala. Gusto mo?" pang-aasar pa nito sa kanya. Tinadyakan niya ito sa inis.
"Funny, Seff. Nakakainis ka!" sigaw niya rito.
"Ang tigas kasi ng ulo mo! Bakit hindi mo sinabi kay Yoej na allergic ka sa hipon? At kumain ka pa talaga ha? Ang kulit mo, Sugar. Sakit mo sa ulo," sabi ni Seff sa kanya.
"Eh 'di umalis ka na dito. Hindi naman kita pinapapunta dito ah," aniya rito.
"Actually, hindi naman talaga sana ako pupunta dito dahil nagsisimula na kaming gumawa ng cakes para sa kasal ng ex mo pero pinakiusapan ako ni Tita Ange na bantayan ka dahil maggo-grocery daw sila ni Manang Beth," anito.
Iyon lang? Dahil lang sinabi ng mama niya kaya ito pumunta doon? Hindi na ba siya importante para dito at wala man lang itong pakialam sa kanya?
"Kaya ko na ang sarili ko! Malaki na ako. Pwede mo na akong iwan dito. OA lang si mama," pagtataboy niya rito. Nasasaktan siya sa ginagawa nito sa kanya. Pakiramdam niya'y hindi na siya importante para dito.
"Sigurado ka?" tanong nito. Naramdaman niyang tumayo ito mula sa kanyang kama.
Aba't aalis nga! Gusto niyang maiyak dahil sa ginagawa nito. Hindi nito alam na nasasaktan siya sa ikinikilos nito. Dati-rati'y kapag may sakit siya'y wala itong pakialam sa ibang bagay maliban sa kanya.
Well, 'dati' na 'yon, Sugar. Iba na ngayon. Baka nakapag-move on na siya. Baka nakahanap na siya ng ibang babaeng mas mamahalin kaysa sa'yo. Ikaw kasi, paninisi niya sa sarili.
BINABASA MO ANG
Twisted Tales Book 1: Going Past The Limits
Historia Corta[A best friend-turned-to-lovers story.] Seff was Sugar's best male friend ever. Ito ang laging kasama niya sa lahat ng lakad niya. Ito ang naging bodyguard-cum-business partner niya. Ngunit nang magtapat si Seff ng totoong nararamdaman nito sa kanya...