Chapter 11

7K 161 6
                                    

DALAWANG araw na hindi nakapasok si Sugar dahil nilagnat siya. Wala siyang ibang ginawa sa kanila kundi ang manood ng comedy movies at magmukmok sa kanyang silid. Wala siyang hinahayaang makapasok sa kwarto niya. Nagpapadala lang siya doon ng pagkain kay Manang Beth o hindi kaya'y sa mama niya. Hindi pa siya handang makipag-usap sa mga tao dahil nasasaktan pa rin siya hanggang ngayon.

Hindi pa rin niya matanggap hanggang ngayon na nagawa siyang saktan ni Seff. Ang buong akala niya'y mahal na mahal siya nito at hindi siya nito kayang saktan pero nagkamali siya. Tama nga sina Ginger at Pepper noon na hindi siya dapat magpakapanatag dahil maraming ahas sa paligid lalo na't may history ng pagka-playboy si Seff. Ni hindi man lang siya sinubukang suyuin ni Seff nitong nakalipas na araw na labis na nakasakit sa kanya.

The pain she's feeling right now was too much. Hindi niya akalaing makakaranas pa siya ng ganitong pakiramdam. She just lost one of her best friends and the pain was unbearable that all she did was cry all day and all night. Hindi man lang pinahalagahan ni Seff ang pagkakaibigan nila.

Noong una pa lang ay hindi na nito pinahalagahan ang pagkakaibigan nila dahil ito ang unang tumawid sa linya ng pagkakaibigan. Kung hindi siya nito minahal at kung hindi siya nito inakit ay hindi niya ito mamahalin katulad ng pagmamahal niya rito. Masaya pa rin sana silang dalawa ngayon at walang problema. Hindi na sana siya masasaktan ng ganito ngayon. Ni hindi man lang kinonsidera ni Seff ang pagkakaibigan nito. Kung ginawa nito iyon ay hindi siya nito sasaktan.

Sa kanyang pagmumuni-muni'y hindi niya namalayang umiiyak na pala siya. Nang makarinig siya ng katok sa pinto ng kwarto niya'y pinahid niya ang mga luhang iyon. She tried to compose herself before speaking up.

"Sino 'yan?"

"Si Pepper 'to. Would you mind letting me in?" anang kaibigan niya.

Huminga siya ng malalim saka tumayo at binuksan ang pinto. Siguro ay panahon na para may mapaghingahan siya ng sama ng loob at mapagsabihan ng sakit na kanyang nararamdaman. Kahit kasi sa mama niya'y hindi niya sinasabi na hiwalay na sila ni Seff.

"You look like hell," puna sa kanya ni Pepper. Hindi niya ito sinagot. Bagkus ay yumakap siya rito at umiyak sa balikat nito. "'Ay, walang ganyanan, Sugar. Alam mo namang mababa ang luha ko, baka maiyak ako. Sayang ang make up ko," ani Pepper.

"Ang sakit-sakit, Pepper. Noong una, sinubukan kong panatilihin ang pagkakaibigan namin ni Seff pero lumayo siya sa'kin. Minahal ko naman siya, pero nawala pa rin siya sa'kin. 'Di ba sabi n'yo mahal ako ni Seff? Bakit nagawa pa rin niya akong saktan?" hinaing niya kay Pepper habang nakayakap dito at umiiyak.

Pepper patted her back gently as if assuring her that everything will be all right. But it won't do. Nasasaktan pa rin siya at alam niyang hindi magiging maayos ang lahat sa kanila ni Seff simula ngayon.

"Mag-ayos ka. You need to unwind para makapag-relax ka. Tamang-tama dahil may ticket ako sa isang art exhibit ngayon. Malilibang ka ro'n at makakalimutan mo ang problema mo," yaya sa kanya ni Pepper.

Sumisinghot na tumango siya rito. Siguro nga ay iyon ang kailangan niya. Nag-ayos siya at hinintay naman siya ni Pepper. Nagpaalam siya sa mama niyang lalabas sila ni Pepper at agad naman itong pumayag. Alam niyang nag-aalala sa kanya ang mama niya pero sa susunod na siya magpapaliwanag dito.

Ang kotse ni Pepper ang ginamit nila papunta sa Ferriz Art Gallery. Nagsuot pa siya ng shades kahit gabi dahil mugtong-mugto ang mga mata niya. Dalawang araw na kasi siyang walang humpay ang iyak. Maalala lang niya si Seff ay naiiyak na agad siya.

Pagpasok nila sa lobby ng Ferriz Art Gallery ay nagpaalam sa kanya si Pepper na mauna na siya sa studio na pinaggaganapan ngayon ng art exhibit na tinutukoy nito. Sinabi nito sa kanyang hindi na kailangan ng ticket doon dahil free admission doon. Iginiit niya ritong sasamahan niya ito sa CR pero hindi ito pumayag. Kaya sinunod na lang niya ang gusto nito.

Twisted Tales Book 1: Going Past The LimitsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon