TAWA ng tawa si Sugar ng makita niya ang pagkunot-noo ng kapatid niyang si Jack at ng future brother-in-law niyang si Sed. Pinaliligiran ang mga ito ng mga suki nilang teenager kasama sina Chrisnah at Cheskah. Nagtataka lang siya kung bakit hindi nakikisali sa gulo si Cheenah na nakaupo sa isang table malapit sa table nina Jack at Sed.
"Mukhang hindi pa rin nakaka-get over sa'yo si Cheenah," sabi niya kay Seff. Nasa inquiry counter sila nito at namimili ng mga disenyo ng cake na ibinigay sa kanila ni Rina. Magtutulong silang tatlong gumawa ng cake para sa kasal nila ni Seff at ayos lang naman iyon sa kanya. Kusa niyang hiningi ang tulong ni Rina dahil magaling naman ito.
"Halika, lapitan natin. Ayaw kong magpakasal nang may nasasaktan pa ring isang babae dahil sa'kin," nakangising sabi ni Seff.
"Conceited," sabi niya rito habang palapit sila kay Cheenah.
"Hi, Cheenah!" sabay nilang bati ni Seff rito.
"Hello sa inyo," walang buhay na bati nito sa kanila.
"Okay ka lang? May dalawang gwapo ro'n o. Bakit hindi ka makigulo sa kanila," aniya rito.
"Alam kong hindi ko sila kasing-gwapo ko pero, they will do," biro ni Seff dito.
"Gwapo nga si Jack pero impakto naman ang kasama niya!" tila nanggagalaiting sabi nito sa kanila patungkol kay Sed.
"Bakit? Ano'ng ginawa sa'yo ng kapatid ko? Sabihin mo sa'kin ng maupakan natin," udyok rito ni Seff.
Umiling ito. "Ayaw ko ng maalala. Basta impakto siya!" sabi lang nito. Natawa siya rito. Pakiramdam niya'y maganda nga ang magiging love story nito na katulad sa palagi nitong pinapangarap. Hiling lang sana niya'y hindi ito agad sumuko katulad nila ni Seff.
She looked at her best buddy, her boyfriend and future husband. When their eyes met, it both sparkled and they both sensed that forever starts today.
Dalawang buwan na lang ay ikakasal na silang dalawa at masayang-masaya siya. Wala ng makapipigil pa sa pagsasama nila habang-buhay na dalawa. They will seal their friendship with love. Forever and ever.
---WAKAS---
---
Please vote, share and comment your thoughts down below. Thank you for reading!
BINABASA MO ANG
Twisted Tales Book 1: Going Past The Limits
Truyện Ngắn[A best friend-turned-to-lovers story.] Seff was Sugar's best male friend ever. Ito ang laging kasama niya sa lahat ng lakad niya. Ito ang naging bodyguard-cum-business partner niya. Ngunit nang magtapat si Seff ng totoong nararamdaman nito sa kanya...