I believe that we are solely responsible for our choices, and we have to accept the consequences of every deed, word, and thought throughout our lifetime.
Elisabeth Kubler-Ross
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Claire Deguzman
"Niks, san ka?"
"Sa bahay."
"San dito? Andito kaya ako."
"Ha? Wala bumili ako."
"Ng? Puntahan kita." Pinagtatabuyuan ba ako neto? Nanlalamig kong tanung sa sarili ko.
"Wag! Wag na hintayin mo nalang ako jan."
"Ok" sabay baba ng phone. Pag kalipas ng 30 minutes dumating na yung kotse ni Nicole. Nakita ko naman nakasimangot siya.
"Nicole, okey ka lang ba?"
"Claire.." Pag ka tawag niya ng pangalan ko parang nahirapan ako huminga, tinatawag niya lang ako ng ganun pag may problema.
"May problema ba?"
"Ano.. Eh.. Ano.."
"Anong ano? Puro ka ano e."
"Sorry Claire." Nag simula na siyang umiyak.
"Bakit?" Sinubukan ko siyang yakapin pero tinulak niya ako.
"Ayoko na, Claire. Ayoko na."
"Ha?"
"Bingi ka ba? We're through..." Pasigaw niyang sinabe. Nabigla ako, sobrang nabigla.
"A-akala ko ba..." Hindi niya ako pinatapos.
"Akala ko din." Ang lakas na niyang umiyak. "Sorry Claire. Sorry talaga! Siguro siguro na curious lang ako kaya kita sinagot."
"Curious? Save it! Ano yung pagiging sweet mo? Was that a part of your curiousness? Salamat ha? Nicole! Salamat!" Ayokong umiyaak kaya yun lang sinabe ko
"Sorry Claire, shit happens."
"No Nicole! You happened! I'm done!" Minabuti kong mag walkout kaysa tuluyang mag breakdown ako sa harap niya. Gago ba siya? Minahal ko siya dahil siya first (and was hoping my last, but unfortunately hindi) Girlfriend.
**
Lumipas ang buon araw na nagiisip ako kung ano ba talaga ginawa ko sakanya. Nakakalalake kase e. Pusang gala naman! Akala ko seryoso siya, akala lang pala! Bigla naman nag vibrate yung phone ko, pag tingin ko si Choi. Sa mga oras na to ayoko muna ng kausap, AYOKO! Pero sinagot ko padin...
"Nget.." Mahinahon niyang sinabe. Walang duda na nabalitaan na niya ng nanyare. "Nget. Nasan ka?" Hindi ko mapigilang hindi umiyak, tinatawag niya lang ako ng Nget pag pinapagaan niya loob ko. "Nget tahan na. Puntahan kita saan ka ba?"
"Choi, ayoko muna ng kausap please?"
"Sige nget. Basta pag kailangan mo ng resbak andito lang ako."
"Oo alam ko namang handa kang makipag sabunutan para saken, Salamat ha?! Salamat kase lagi kang nanjan. Salamat kase kahit anong manyare hindi ka nag sasawang pagaanin loob ko. Pero Choi, sorry ha? kase ang hina hina ko. Sorry kase hindi ko maisip bakit niya ginawa yun. Nakakairitan mang isipin, pero napaniwala niya ako na siya na yung forever ko. Ang clingy pakinggan pero ganun e. Sorryy Choi, hindi ako kasing tapang mo." Nagulat ako sa mga sinabe ko, narealize ko nalang na humahagulgol na pala ako. Nakakatawa man isipin ang hina hina ko pala.
"Nget.." I heard him laugh a little. "Kala ko ba ayaw mo ng kausap. Sige puntahan kita, saan ka ba?"
"Kita na lang tayo sa bahay."
"Sige i'll be there, may bibilhin lang ako."
"Ok."
Pagkatapos naming mag usap dumiretso na agad ako sa bahay at naligo. Ang lagkit na kase ng muka ko. Pagkalipas naman ng halos isang oras dumating na si Denis.
"Tadaaaaaa!" Sabi niya habang pinapakita ang mga pingamili niya, pag tingin ko sa loob ang daming chocolate at chichirya . Tas pinakita niya rin yung hawak hawak niya sa kabilang kamay. Pagtingin ko Beer. Nakakatuwa namang isipin na kilalang kilala na ako ng mokong na to. Napayakap tuloy ako sa kanya ng di oras. "Salamat talaga Choi, the best ka talaga."
Wala ang mga magulang ko ngayun kaya solong solo namin ang bahay at dahil dun naisipan naming...
"KARAOKE!" Sabay naming sigaw may halong tawa pa.
Nakalipas ng 30 minutes narealize kong umiiyak ako habang kumakanta ng
Nanghihinayang,
Nanghihinayang
ang puso ko~ (a/n: kunyare may lyrics hindi ko kase kabisado)
Napatingin naman ako kay Denis at napatawa sa reaksyon nya, meron siyang unan sa muka at hawak hawak ang tenga niya, halatang naiingayan siya saken, pero tuloy padin ako ng tuloy. I just wanna feel this moment oooh! Pero tumahimik naren ako.
"Tapos ka na ba? Jusko ka gusto mo pa ata akong bingihin! Yung mga tutuli ko nag rarally na, grabe yang boses mo Clareng! Pwede bang i pasuri mo na yan ha?" Hindi ko mapigilan tumawa.
"Choi.." Bigla naman napalitan ang pagtawa ko ng iyak. Yung luha ko unli ata. "Wow, ha Nget kumokota ka na sa kakaiyak. Are you Cray Cray na?" Sabe ni Denis.
Pero hindi ako makasagot. Iyak padin ako ng iyak. Ganito pala to no? Kaya pala nung makapag react si Choi kala mo namatayan. Alam ko hindi ito yung first relationship ko pero bat ganun pag dating kay Nicole napaka drama ko. Dahil ba to sa kakapanuod namin ng koreandrama?!
"Claire tahan na. Seriously speaking hindi karapat dapat iyakan yung babaeng yun. She doesn't deserve you at all and by at all, i mean AT ALL! There are so many fishes in the sea wag kang mag papakabaliw sa isang Dugong na hindi marunong magmahal. Hindi ka swerte dahil nakilala mo siya, SIYA ang swerte at nakilala ka niya. Kaya tahan na."
I hugged him tightly. "Ibang klase ka palang malasing Choi." Asar ko. Then he kissed me gently on my forehead. "Dito lang ako kahit maloka ka, promise." Pabiro niyang sinabe.
Binigyan ko naman siya ng aking signature batok then laugh na may halong saket. Bigla naman niyang hinawakan muka ko akala ko sasampalin niya ako kaya pumikit ako... Ang tagal ko nag hintay ng high five sa muka kong pogi pero wala kaya unti unti kong minulat yung mata ko pag kita ko titig na titig saakin si Denis, yung tipong nakakakuryente ng kaluluwa. Hindi ko alam kung ano pumasok sa isip ko at bigla ko nalang siya hinalikan. Pero smack lang at saglit lang dahil na gulat din ako sa ginawa ko. Bigla naman siyang namula, namula narin siguro ako dahil ramdam ko ang biglang pag init. Napa balikwas kameng dalawa. Alam ko hindi pa ako lasing, pero nag kunyare akong nahihilo...
Anong kahibangan nanaman ba pumasok sa kokote ko? Langya.
Hiniga naman ako ni Denis sa kama ko at nag paalam na siya.
-------
A/N: 1.) yung term na 'Nget' nakuha ko yan sa kaibigan ko yan yung (friendly) tawagan nila and I think it's cute. 😂😁
2.) sorry sa typos at sa errors. (Grammar)
BINABASA MO ANG
Boy Girl Bakla Tomboy (slow update)
RomanceKapag tumibok ang puso wala ka ng magagawa kundi sundin ito...