Jhon Axle Monteverde accept your friend request.
Omg, in-accept ako ni JA! Icha-chat ko ba o icha-chat ko? Saan ang pagpipilian doon ha buang? Huminga ako ng malalim at in-open ang convo namin na binabalak kong simulan.
Jhon Axle Monteverde is online.
Gosh, he's active! It's now or never na. Alam ko naman na magiging kahihiyan ko 'to kapag may klase na.
Bianca: Hi.
Seen 10:01 pmSeen? Ang bilis niya mag-seen! Nag-intay ako ng ilang segundo hanggang sa naging minuto na at wala pa rin s'yang reply kaya nagchat ulit ako.
Bianca: JA, crush kita!
Seen 10:04 pmHalos manlaki ang mata ko sa sinend kong message na 'yon. Ang tanga mo para i-send ang tinype mong joke lang Bianca! Hindi ka naman nag-lotion bakit nadulas kamay mo?
Me: Seen? Hello?
Seen 10:06 pmMe: ang seener mo naman!
Seen 10:07 pmBa't ganon? Ayaw talaga niya akong pansinin. Mag-confess na kaya ako ng mahaba? Hindi ba parang nakakahiya naman 'yon. Hindi kaya akala niya jinojoke ko lang s'ya?
Hay nako! Sana gumana 'to. Siguradong wala akong mukhang maihaharap sa kan'ya! Wahh! Sunday pa naman ngayon at lunes na bukas sure akong ikakahiya ko 'to, pero para sa feelings ko! Itayo ang bandera ng mga taong nagconfess sa crush!
Go lang Go Go!
Teka, ano naman kaya sasabihin ko?
Bianca: Hi am your soon to be girlfriend-
Wahhhh! Erase erase pangit! Kainis masyado naman akong feeling doon.
Bianca: Hoy! Ikaw ang ama ng dinadala ko kaya panagutan mo ako kung hindi-
Erase! Ni hindi nga kami nagkakausap paano siya magiging ama kaagad? Nakakhiya ka, Bianca!
Bianca: Hi, Aj! I'm your admirer since when we are first year high school. Kaibigan ako ng kakambal mo that's why nagkaroon rin aki ng kaalaman sa'yo. I just wanna, confess say my feelings to you, I like you, I like you so much.
And send!
Wahh omg ang pangit naman yata ng sinabi ko? Magrereply kaya siya? No! No! H'wag mo na antayin mag-log out ka na. Oo tama mag-out ka na!
Nang makapag-log out ako ay kaagad kong isinara ang laptop. Nakakahiya!
Nang mailagay ko sa table ang laptop ay tumunog ang cellphone ko kaya kinuha ko 'yon at nakitang si Alessana 'yon ay sinagot ko rin.
Her name is Alessana Monteverde, yeah Monteverde siya ang kapatid, kakambal ni JA na ang crush ko.
"Beshiieee!"
Ayy grabe, ang eardrums ko! Lumipas ang taon talaga ay wala man lang nagbago sa boses niya laging malakas at nakakabingi!
"Alessana naman ang ingay mo gabi na kaya at bakit ba?" sabi ko habang nakahawak ang isang kamay sa kabilang tenga.
Naglakad naman ako papunta sa kama ko at sumandal sa headboard nito.
"Beshie, I'm so excited!"
Excited? May ano naman kaya? Pero grabe kung makasigaw 'tong si Alessana akala mo may tour o bakasyon kami eh o kaya js prom kami sa lunes eh malayo pa naman 'yon.
"At bakit ka naman excited? At wahh! Beshie may kwento ako... Ahm ano kasi... Teka nga paano ko ba sasabihin? Wahh! Basta nakakahiya!" Nakapikit na sabi ko nang maalala ang sinend kong confession kanina.
