Colorful World
Chapter 1: Awards Night
Saturday night, within December 2010, isang masigabong Music Awards ang gaganapin...
It’s 10 am in the morning... Masaya at confident kong tinitignan ng isa-isa ang bawat trophy na nasa isang giant see-through cabinet sa aking mahiwagang mansyon... Alam na... Maya-maya ng onti, madadagdagan kayo. Of course, I’m confident! Mataas ang ratings ko this year compared to the last few years, at tignan mo naman, panalo parin ako nun...
I have such great collection since my discovery about 20 years ago! From 1990 – 2009, I’ve collected 17 Best Musical Arrangement awards, 12 Best OST awards, 9 Album of the Year awards, 5 Ballad awards, and... 19 Composer of the year awards... Sa buong Asia lang naman... San ka pa!? Ang galing-galing ko talaga! I’m so excited for tonight... Here’s me hoping I win tonight’s Composer of the Year award... but hey, ako yata ito... I’ll definitely win!
“HOY! Nasan ka ba!?”
Tila naka max volume na tunog-latang stereo ang boses na aking narinig, habang ngingisi-ngisi akong nakatitig sa trophies ko. Dumating ang imbyerna kong kaibigan na wala nang ginawa kundi sermonan ako... Hayy, kung di lang siya magaling kumanta, hindi ko ‘to kaibigan eh... Ang sakit sa bangs! Ano nanaman ba gusto nito?
“Oy, Fion, ano ba!? Wala ka bang balak umalis!?”
Jusme, high-blood nanaman... ganyan ba pag tumatandang dalaga!? Ay wait, ako nga rin pala ay walang asawa, haha. “Teka, busy ako...” Sagot ko, na alam nyo namang hindi totoo...
Lumapit siya, “Busy? Busy, nakatulala!? Ako nga wag mong pinaglololoko...”
Hayy, imbyerna talaga! Kung maka-salita, akala mo nanay ko eh! Wala nga akong nanay, tapos feeling nya...! Waaah! Ano tingin niya sakin, bata!? Excuse me miss, matandang dalaga ka man, mas matanda parin ako sayo, at sikat ka dahil sakin, kaya please! RESPECT!
“Wag ka ngang maingay jan... Di mo ba nakikitang pinag-iisipan ko ng mabuti kung saan ko ilalagay yung mga trohies na mapapanalunan ko mamaya? Istorbo ka eh...” Sagot ko... Mejo presko... Haha, pero may katotohanan dito... Puno na kasi yung shelf ko.
“Nako naman, mamaya mo na problemahin yan pag nakuha mo na! Dapat nasa airport na tayo! Ngayon, kung di mo nahanapan ng pwesto, edi bumili ka nang bagong shelf! Diba!? Simple problem, simple soution! Akala ko ba genius ka!?” Patuloy siyang dumada at naghasik ng delubyo sa mood ko na parang signal number 5 na bagyo.
“Jade ang daldal mo! Eto na nga eh, naglalakad na!” Mataray kong tugon habang ipinamumukha ko ng todo-todo sa kanya na naglalakad na ako... sunod naman yung bruhang may machine gun na bunganga, pabulong-bulong pa ng “Ambagal bagal, parang walang pupuntahan...” HAY NAKO! Kung naiinip ka, mauna ka na, lakarin mo yung airport! Puro ka reklamo, nakikisabay ka na nga lang!
“Bong, yung gamit ko ba nasa kotse na..?” Tawag ko sa driver.
“Opo ma’am, kaninang-kanina pa po...” sagot ng loko. Pinariringgan rin ata ako nito eh! Nakakasira ng mood ang mga tao sa paligid ko ngayon, pero bahala sila... Wala akong pakialam... Ngayon lang ako bad vibes... mapapawi rin yan ng trophy ko mamaya...
__
....
*blug... brrrrrrr......*
*creeeeeeeeeeeek...*
*ding ding*
“Ladies and Gentlemen, we have arrived in Tokyo, Japan. Local time is 5:17 pm. We hope you enjoyed your flight. Once again, Thank you for being with us and Thank you for chosing Delta.”
BINABASA MO ANG
Colorful World
Teen FictionFion De Leon, now in her mid 40's, was a very famous composer and musician. She had been known for years and has received many awards in her career. But then, a depressing result of an event took a toll on her and marked the beginning of her downfal...