Kakalipat lang namin dito sa Brgy. Saan Where Di Manahap, Doon City.
May mga kakilala na din ako dito pero konti lang.
Isa na si Navi sa mga unang nakilala ko mula nung lumipat kami dito.
Palibhasa kasi, mayabang kaya may lakas loob na magpakilala.
HAHA charoot lang.
Kwento ng kapatid ko na si Zil, hingi daw ng hingi si Navi nung number ko dati pero hindi niya binigyan kasi panget daw yung mokong na yun. HAHA kapatid ko talaga oh!!
Speaking of Zil..
She left, that's all I can say about her. HAHA ^_^
Pero, one day, isang araw..
Bumili ako sa tindahan na malapit dito samin at tamang tama na nandun din sina Navi.
Hiningi niya ulit number ko.
May pagkamalandi din kasi ang ate niyo kaya binigay ko. WHUAHAHA.
Deh joke lang.
Gusto ko lang kasi na may kakilala din ako dito.
"Oi, may pasok kapa." - Tita
Ay si Tita ko pala.
Siya yung kasama ko dito sa bahay.
Pati na rin yung anak niya.
Pinsan ko.
Siya na yung tumayong mother ko.
Basta, long story kasi. HAHA :))
"Opo. Teka lang. Tapusin ko lang ang pagnanarrate, okay? ^_^v" - Ako
Nakahiga pa din siya sa foam na nakalatag sa living room katabi yung pinsan ko.
Wala na kasi pasok sina pinsan.
Sembreak na nila eh. Kami may pasok pa. T_T
"Sige Tita, alis na ko. Baon ko pala?" - Ako
Sabi ko sa kanya habang nagsusuklay ng buhok ko.
Naka complete uniform nako.
Blouse na puti, may cravat, tas pencil cut na skirt na knee length.
Nakalugay lang ang buhok kasi basa pa at naglagay ako ng konting facepowder. Etchos lang ^_^
Nakaharap ako ngayon sa salamin, at ngayon ko lang nahalata na ang haba na pala ng buhok ko? HAHA. Ayosh..
...
Naglalakad ako ngayon papunta dun sa sakayan ng pedicab.
Sa gitna kasi ng bukid yung bahay namin at malayo sa highway kaya kailangan pang sumakay ng pedicab para makalabas ng barangay.
Teka? Parang kilala ko yung mamang driver na papalapit sakin ah?
SI FREED?
WHUAT!!
"Ha?" - Ako
Napanganga ako.
Isang NPFMU Student, namamasada ng pedicab? (NPFMU, Neptune and Poseidon Foundation Maritime University)
"May pasok pa kayo?" - Freed
WHUAT! KINAUSAP NIYA KO!!