"Chicken Joy"
Hindi ko na maalala yung date, pero 3rd year college ako nun, 1st sem. Ne'to lang 2015 siguro o 2016 'yon.
May kasalanan na naman ako kay Babe.
Hehe.
Magkikita na kasi kami dapat around 2:00 pm ng tanghali. Wala lang, movie marathon daw. Nagpabili siya sa 'kin ng Jollibee Chicken Joy at Spaghetti. Di pa daw siya naglalunch tapos meron daw siya.
Eh gutom rin ako nun, di pa rin ako naglalunch. Dapat sabay kami kakain di ba?
Pero nagsolo ako.
Hihi.
Kinain ko na agad dun sa jollibee yung binili kong chickenjoy para sakin. Pag sabay kasi kaming kakain ni babe, hihingin niya yung balat nung chicken ko 'pag ubos na yung sa kanya. Tapos meron pa siya nung araw na 'yon. Kabisado ko na 'yun e. Eh gutom na gutom rin ako nun kasi katatapos lang namin ng basketball sa P.E. Kaya 'yon, naging dakilang sakim ako.
Hehe.
ps. Pagdating ko sa dorm niya, sinabi ko na lang na makita ko lang siyang masayang kumakain, busog na rin ako.
Hehe.
Chinito
FEU-IAS
2018
BINABASA MO ANG
A Boyfriend's Secret Files (An Epistolary Novel)
Mystery / ThrillerDon't tell this to my Girlfriend. Hehe. Mr. Chinito FEU-IAS 2018