29. Please!

23 1 0
                                    

Playing Provincial Proxy

Kabanata 29

It was quarter to six when I arrived home. Good thing that none of the two has awaken yet. Kaya may oras pa rin ako para makapagluto ng ulam. May ground pork sa loob ng refrigerator kaya iyon nalang ang pinili kong lutuin. Ginisa ko na may halong patatas at carrots. Saktong natatapos palang akong maglagay ng mga pinggan at baso sa lamesa ay bumaba si Auntie.

Magkasalubong ang mga kilay niya nang makita ako. Taas noo siyang umupo.

Still, I greeted her, "Good morning."

Hindi siya sumagot bagkus ay tinanguan lamang ako.

"Kumain ka." utos niya.

Wala na akong ibang nagawa kundi ang umupo sa harapan niya at sumabay sa kanya. Bawat kilos ko ay puno ng pag-iingat. Natatakot na sa muntik ko lang na pagkakamali ay pagalitan niya ako.

Nakakabingi ang katahimikan sa hapag. Isa ito sa mga madalang na pagkakataon kung saan nagsasabay kaming kumain ni Auntie. Madalas ay nauuna siyang mag-almusal kasi maaga pa ay nasa Trading na siya. Pero ngayon ay halatang kagigising niya lang at ni hindi pa siya nakakaligo kumpara sa nakasanayan niya.

Gusto ko sanang magtanong tungkol kay Edom. Nakapagtataka na hindi pa siya bumababa. Pero kailangan ko pang ihanda ang sarili. I've been with Auntie Bethel since I was grade seven until now. It's already been six years but I never felt comfortable around her. Palaging may harang. Pakiramdam ko mas malala pa nga ata ang relasyon namin kumpara sa estranghero. Again, they're not in a really good relationship with Mama. Masakit mang isipin pero naging ina lang ata namin si Mama para palaging magmakaawa sa ibang tao para sa kapakanan namin. Pero sa kabilang banda, kahit marahas ang turing ni Auntie Bethel sa akin, lubos pa rin ang pagpapasalamat ko sa kanya. Siya ang nagbabayad ng lahat ng bayarin sa aking pag-aaral kahit pinagtatrabahuan ko iyon.

"Wala na atang dignidad 'yang si Bethany, e. Ano? Lumuhod na naman at nagmakaawa," basag ni Auntie sa katahimikan.

Tinikom ko ang bibig at nagpatuloy sa pagkain kahit bigla nalang sumakit ang aking bawat paglunok.

"Nakakahiyang kapatid. Pwede naman siyang mangutang na lang nang hindi lumuluhod kahit kanino," sabay iling iling niya. Tumingin siya sa akin at tinuro ng kutsara. "Nakikita ko ring kagaya ka ng Mama mo. Darating ang araw na pati ikaw ay luluhuran lahat magkapera lang."

Lumunok ako. Kahit gustong gusto kong magsalita ay pinatahimik ko ang sarili. Alam kong walang mangyayari kung sasagutin ko siya.

Nawalan ako ng gana kaya natapos ko agad ang pagkain. Tumayo ako kahit kumakain pa si Auntie. Inilagay ko ang kinainan sa sink. Tumigil ako nang nasa harapan niya.

"Puntahan ko lang si Edom," mahina kong sinabi.

Walang sinabi si Auntie. Mabuti nalang at hinayaan niya ako. Mas gusto ko kapag ganito siya katahimik. Iyon ang gusto niya, e. Kapag iniinsulto niya ako at hindi ako sumasagot.

Bawat hakbang ng aking paa sa hagdanan ay katumbas ng bigat ng daigdig. Nanghihina ako.

Nakikita ko ring kagaya ka ng Mama mo. Darating ang araw na pati ikaw ay luluhuran lahat magkapera lang.

Kailan man ay hinding hindi ko ito gagawin. Hinding hindi ko bibiguin ang pamilya ko. Sa mga taong katulad ni Auntie, gustong gusto kong ipakita sa kanila na kahit nangangapa lang kami ay kaya rin naming bumangon. Kaya kong maging matagumpay balang araw. Dahil sa kabila ng mga taong patuloy na humihila sa akin pababa, nandyan ang pamilya kong masayang naghihintay sa tagumpay ko. Ito ang pinagkukunan ko ng lakas.

Nang nasa harap na ng pintuan ng kwarto ni Edom ay humugot muna ako ng malalim na hininga. Inilabas ang poot na nasa aking puso bago kumatok.

Tatlong marahang katok ay wala pa ring sumagot. Kumunot ang aking noo at pinihit ang doorknob. Bumukas ng konti. Tinulak ko iyon at sinilip ang silid. Kaya nang makitang nakatalukbong pa rin ng kumot si Edom ay pumasok na ako. I've been in his room so many times. Ako ang naglilinis nito tuwing Sabado o hindi kaya ay Linggo.

Playing Provincial Proxy (MSS#3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon