Chapter 8

244 7 0
                                    

Chapter 8

                      DEVOX POV
Sobra akong nagpapasalamat dahil sa buong araw akong nakatayo at sa ngayon ay uwian na. Sumunod na ang apat sa akin. Dali-dali naman akong lumabas para sundan ang Pusa na iyon.

"Hoy! Pusa!"tawag ko sa kanya at lumingon siya sa akin.

"Punyetang Octopus ka. Huwag mong painitin ang ulo ko! I-flash kita ngayon sa inidoro"inis niyang sabi.

"Hahaha Nimal! Ikaw pa ngayon ang mainit ang ulo. Nakakatawa. Ako nga tong kanina pang nagpipigil ng inis ng dahil sa iyo, nakatayo lang ako buong araw at ngayon lang to nangyari. You are really something"tawang sabi ko.

"Well, I just wanna say thank you dahil sa effort mo. Hmm. You like ne do you?"nakakalokong tanong ko sa kanya. Lalo naman nainis ang mukha niya.

"Bro uwi na tayo"sabi ni Jaime

"Ano! Hindi ako katulad ng mga babae na halos mabaliw sa iyo. Kahit ikaw pa ang pinaka-gwapo na kahit ilang beses akong magpatingin sa mata ay pangit ka para sa paningin ko. Hinding-hindi ako magkakagusto sayo."inis niyang sigaw sa mukha ko. Gosh! Siya lang nakakasigaw sa pagmumukha at laway niya lang ang nakadapo sa gwapo kong mukha. Haays.

Lumapit ako sa kanya at di man lang siya umatras. Ang tapang talaga.  Ilang inch lang ang ng mukha namin sa isat-isa. Nginisihan ko siya bago nagsalita.

"Huwag kang magsalita ng tapos my cat! Hahaha"tawang sabi ko at tumawa rin silang Jaime. Naglalakad na kami at nilagpasan na siya. Narinig ko pa siyang nagmumura bago ako tuluyang nakababa.

------

                  STEFFIE POV
"Ha! Ang kapal talaga ng mukha niya. Sobrang kapal. Sa tingin niya talaga magugustuhan ko siya. Animal siya! Ang puta. Pwee!Aaahhhh!! Nakakabwesit na siya. Bakit ba sa huli ako parin ang talo at pikon. Yung mga ginagawa ko sa kanya parang wala lang ah.! Bwesit kang Devox Ferrer Montecar ka!!"sabi ko habang papasok ng bahay. Pinagbuksan na ako ng maids ng pinto at pumasok na ako. Dumiretso na ako sa kwarto para magbihis. Maya-maya lang ay bumaba na ako at kakarating lang ng pinsan kong si Tymon galing din sa school. May bitbit na naman ng mga manga.

Nakaupo ako sa sala habang kumakain ng chips.

"Sama naman ng timpla mo ngayon"sabi niya sabay lapag ng bag niya sa sofa.

"Nahalata mo?! Kaya wag kang dumagdag!"sabi ko sa kanya.

"Eeh! Wala akong balak na mamatay ng maaga."ngiwi niyang sabi at inirapan ko nalang siya.

"Teka nga! Sino ba ang nagpapa-init ng ulo mo. Sa kanya mo yan ibuga"dagdag na sabi ni Tymon.

"Ngayon? Ikaw na! Huwag ka ng magtanong. Umiinit lalo ang ulo ko dahil sa octopus na yun. Mukha siyang octopus"gigil kong sabi at tinawanan lang ako ng gagong to.

"Oo-okay. Haha. Lalaki ba yan?!"tanong niya.

"Nyeta ka! Lalaki siya. "Sabi ko at pailing-iling lang siya.

"Goodluck siya sayo. Sana makayanan ka niya"sabi niya at tumawa pa sa huli saka umakyat sa taas.

"Gago! Pwede ba umuwi ka sa inyo!"gigil kong sigaw sa kanya.

----

Tapos na ang hapunan kaya naisipan ko ng umakyat sa taas para magpahinga ng biglang nagsalita si Tymon.

"Cous! Sama ka sa amin?"sabi niya.

"Saan?"tipid kong tanong

"Sa Crimson Bar and Resto."sabi niya.

"Pass ako"sabi ko.

"Ano ka ba. Nandon yung mga pinsan natin. Nakalimutan mo na ba na ngayon ang uwi ni Cleric. Maghintay lang daw tayo don" sabi niya

Meeting A Tsundere GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon