Chapter 6- Rose and Teddy Bear

51 1 0
                                    


Nong nakita ako ni Iyang palabas sa elevator, tinanong niya agad ako kung bakit ako namumutla at para daw akong nakakita ako ng multo
Pero sinabi ko na lang na okay ako at isinabahala ang tanong niya.

Papunta kami ngayon sa Grocery store para tulungan ko sana si Iyang bumili ng pangangailangan niya sa darating ng kaarawan ng nakababatang kapatid niya at may kunting salo-salo sa kanilang bahay at inimbitahan rin ako ni Iyang.

Naghiwalay kami ni Iyang sa Grocery store dahil ako na lang daw bibili ng sangkap ng spaghetti at siya naman ay tumingin-tingin para sa cake.

Pumipili ako ng Spaghetti pasta nang mapansin kong may sumusubod sakin. Nagmasid ako sa aking paligid pero wala naman akong nakita na tumitingin sakin maliban sa mga sales lady.

"Baka guni-guni lang yon," bulong ko
sa sarili ko.

Nagpatuloy ako sa paghahanap pero may tumitingin talaga sakin. Namili ako ng mga tomato sauce, pero nagmamasid talaga siya sakin.

Dahil sa irita ko sakanya  may naisip akong ideya para matukoy ko talaga kung sino siya.

"Humanda ka ngayon sakin," sabay ngiti ko.

Napag-isipan ko na magpapanggap muna ako ng naghahanap ng cheese tapos magtatanong ako kay manong sales man kung may malaki pa ang available nilang cheese tapos papasok ako don sa maraming tao para malito siya at magtago sa likod ng counter.

At ginawa ko nga ang aking naisipan at naiwala ko ang nagmamasid sakin pero may pakiramdam ako na meron tao sa likod ko.

"Ano ginagawa mo, Kia?" patay malisyang tanong niya sakin.

"Ahhh ehhh," napanganga ako sa tanong niya 'di ko alam kung ano isasagot ko dito.

Teka, malakas pakiramdam ko na siya ang nagmamasid sakin kanina. Totoo, siya nga. Nakablack t-shirt at nakablack na pants. Siya nga. Pero, parang nakita ko na siya.

"Tapos ka na bang tumitig sakin? Kung tapos na, pwede ka na bang umalis?" tanong niya sakin.

"Teka! Ikaw pa ang sunodng sunod sakin?" tanong ko rin sakanya.

"Hahaha. Ako nga. Ang ganda mo pala pagmasdan,l"

Aba loko to ah. Sino nga ba 'to? Sa tingin ko kasi kilala ko to e.

"Ako nga pala si David. David Iñigo Tanteras. Empleyado rin sa Taleon Company," pagpapakilala niya sakin.

Ah siya pala ito. Now I know.

"E bakit mo ako sinusundan?"

"Nacurious lang ako sa'yo. Ikaw kasi bukang-bibig ng mga kasama ko sa floor na lalaki araw-araw e. Pero totoo nga sabi nila. Maganda ka nga,"

"Aba, Salamat naman kung ganon,"

"Ano ba ginagawa mo dito?" tanong niya sakin.

"Ah. Nagbibili lang para sa kaptid ni Rhea," sabi ko.

"Ikaw ano ginagawa mo dito?" tanong ko naman sakanya.

"Wala lang. Pinagmamasdan ka," sabi niya nakangiti pa.

"Mambobola," sabi ko sakanya.

"Oy, Musta chikahan natin diyan?" sulpot ni Iyang sa usapan namin ni David

"Ah. Yang si David. Empleyado rin siya sa Taleon Company," pakilala ko kay Iyang kay David.

Ewan ko na lang kung bakit parang yumuko si Iyang nang nakita niya si David at parang napakali rin di David nang nakita niya si Iyang. Siguro nahihiya lang silang dalawa sa isa't-isa.

Nang matapos na lahat ng bilhin namin, nagtungo kami agad sa bahay nila Iyang para ibigay ang mga pasalubong namin sa kanyang mga kapatid.

Takbuhan sila saamin ng makita nila kami at nag-aagawan pa sila.

"'Wag kayong mag-alala may binili pa ako dito." sabi ko sa kanilang dalawa na nagpalaki naman ng kanilang mga mata. At galak na galak pa sila.

"Salamat ate Ganda," sabay na sabi nila saking dalawa.

"Aba totoy at inyang, wag niyo namang masyadong kayong maghingi sa ate Kia niyo. Nako pasensiya na Kia sa mga makukulit kong kapatid," sabi ni Iyang sakin.

"Okay lang Iyang, sanay naman ako sa makukulet. Remember galing ako sa bahay-ampunan," paalala ko sakanya.

"At Kia, alis na pala ako. Hinahanap na ako ni Madam G. Baka pagsarhan pa ako sa apartment."

"Sige. Samahan lang kita maghintay ng jeep," sabi niya naman sakin

At may pumara nga na jeep sa harap ng bahay nila.

"Bye Iyang, kita tayo ulit bukas," paalam ko.

"Sige bye. Ingat ka," tugon niya naman.

Kinabukasan maaga pa akong nagbangon sakin higaan para makapaghanda para sa trabaho.
Nagluto na ako ng pang-agahan pagkatapos nagbihis at inayos ang sarili ko.

At maaga rin akong nakapasok sa kompanya.

"Magandang umaga, Ganda. Mukhang maganda gising natin ah," bati sakin guwardiya.

"Magandang umaga rin kuya, siyempre kung dapat magnda ka dapat rin maganda gising mo," biro ko sakanya.

"Sige ma'am," sabi niya naman sakin.

At nagtango naman ako sakanya hudyat na aalis na ako. Nagtungo na ako sa aking cubicle nang maala ko iyong nangyari kahapon. Yung kay Sir. Oo nga pala nakita niya ako kahapon. Nanginginig ako sa takot baka sakaling sasantihin ako neto. Pero wag sana. Be positive thinker.
Sana huwag niya na lang maalala.

Nang makapasok ako sa cubicle ko napansin kong may nakapatong sa lamesa na isang bouquet at teddy bear. At may card pang nakapatong sa bouquet. Kanino kaya galing to?
Linibot ko ang aking paningin pero wala akong makitang empleyado. Pero nagulat ako makitang kakalabas lang ni Sir Allen niya sa opisina niya.

Siya kaya ang nagbigay neto sakin?

Pero imposible!

Kung sino man nagbigay neto salamat na lang.

Marriage BenefitsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon