Chapter 3

176 14 2
                                    


Snowy Dyson


"Ang ganda niya."

"Para siyang Prinsesa."

"Bagay sa kanya ang short hair."

"She'll wake up in just a moment."

"Those red kissable lips."

"Gago! Ang kamanyakan mo naman Axerdon!"

"Eh, kissable naman talaga. Matulog ka na nga lang, Vernon!"

"Tangna! Dan! May magandang dilag na naligaw dito!"

"Hoy, Jaybee! Ang bibig mo naman. Baka magising si Ms. Beautiful."

Bakit may naririnig akong mga boses? Ang natatandaan ko, nasa gitna lang ako ng kalsada, ah? May nakakita at tumulong ba sa 'kin?

"S-Sinetch kayo?" tanong ko habang nakapikit pa rin. Medyo inaantok pa kasi ako.

"Oh! Kita niyo na! Nagising tuloy siya."

Nang iminulat ko ang aking mga mata. Napanganga ako. Nakapalibot sa akin ang-- teka! Ilan nga ba sila?

Wait lang bilangin ko muna.

1,2,3,4,5,6, and 7! Waaah! Pitong nagu-guwapohang men! Ito na ang pinakahinihintay ng malandutay kong brain cells.

"Miss, ano ang pangalan mo?" tanong ng lalaki na medyo mahaba ang hair. Bagay naman 'yon sa kanya. Blonde talaga ang kulay ng buhok niya. Nasa left side ko siya. Nakahiga kasi ako sa parang kabaong. Luh! Hindi pa naman ako deads, ah?
Yettie! Buti na lang at hindi ako na-cremate ng mga 'to!

"Ahmm...ako si Snowy," sagot ko sa tanong ng lalaking blonde ang kulay ng buhok.

"Wow! Parang 'yong Prinsesa na may pitong duwende?" sagot niya.

"Hoy! Jaybee! Napaghahalataan kang nanonood ng Disney Princess! Tangina, bakla ka ba?" sulpot naman ng katabi niya na mukhang babaero. Nasagap kasi ng radar ko na may pagka Playboy ang isang 'to.

"Tado! Kapag alam ang tungkol do'n, bakla agad? 'Di pweding na kuwento lang ng lola ko?" katwiran no'ng Jaybee.

"Sunog!" biglang may sumigaw.

Nataranta naman ang lalaking natutulog sa gilid ng kama ko. Nasa may right side naman siya. Bali ang ulo niya nakatungtong sa kamay ko. Nakaupo lang siya habang nakanganga.

"Waaaah! Asan ang sunog?! Asan na?! Asan?!" nagpa-panic na sigaw niya.

"Tae ka, Vernon! Wala talagang pili ang pagiging antukin mo, 'noh?" singit naman ng lalaking nasa tabi niya.

"Wow! Hiyang-hiya ako sa pagiging batugan mo, Shiro," sarcastic na sabi nito. So, I guess. Parang si Sleeping beauty pala itong si Vernon.

Si Shiro naman ang batugan. O, tawagin na lang natin siyang Lazy Guy. Tapos si Jaybee, ang Mr. Happy Go Lucky.

"Huwag niyo siyang galawin. Based on my study. Magbiro na sa lasing, huwag lang sa bagong gising," say naman ng lalaking may salamin na suot.

The Nerdy One!

"Snowy, huwag mo na lang pansinin si Rojie, kung ayaw mong ma-nosebleed," salita ni Mr. Playboy o ni Axerdon.

"No! Huwag kang lumapit diyan kay Axerdon, baka mahawa ka ng sakit niya, which is kalandian!" sabat pa ni Jaybee.

"Ahmm...bakit ako nandito?" tanong ko sa kanila.

"We don't know, pag-uwi namin. Nakita ka na lang namin na nakahiga diyan sa hinihigaan mo ngayon," salita ng lalaki na nasa bandang ulohan ko. May pagka misteryoso ito.

Snowy and the Seven Knights of ForestiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon