Cheska's POV
HANGGANG ngayon iniisip ko pa rin yung mga sinabi sa akin kanina ni Jess. At ang tanga ko pala yata kasi parang ngayon ko lang din na-realized lahat ng mga nangyari sa akin, simula pagkabata ko; yung mga aksidente, yung galit 'n'ya' sa akin, yung bawat sakit na natatanggap ko galing sa kan'ya.
Gano'n ba talaga ako naging ka-ignorante sa mga sinusubukang gawin sa akin ni Jigger?
At.. Gusto n'ya ba talaga akong— mawala? As in mawala nang tuluyan sa kanilang buhay?
Bakit?
Bakit ba talaga s'ya galit na galit sa akin? Wala naman akong natatandaang ginawang masama sa kan'ya ah. Naging mabuti ang pakikitungo ko sa kan'ya habang lumalaki kami noon at tumatanda.
Wala akong kaalam-alam sa simula pa lamang, wala akong ideya sa dahilsn n'ya. Basta kinalakihan ko na lang ang araw-araw na sama ng loob mula sa step brother ko.
Yung araw-araw na hirap at sakit.
Nakuyom ko ang nakabalot na kumot sa aking katawan. Ang lungkot ng pakiramdam ko ngayon.
MASKI na nahihilo pa ako ay pinilit ko ang makabangon sa kama. Kailangan ko na kasing maglinis ng katawan dahil sobra na akong nanglalagkit sa pawis. Salamat kay Jess kanina at inalagaan n'ya ako. Buong maghapon itong nag-stay sa aking tabi hangga't hindi bumababa ang aking lagnat.
Napaka sweet n'ya talaga.
Abala ako sa pagbabanlaw ng aking katawan nang makarinig ako ng mga katok sa pintuan ng aking kwarto. Narinig ko pa ang pagtawag sa akin ng aming kasambahay na si Manang Delia. Mukhang maghahatid ito ng pagkain sa akin. Binilisan ko na lang ang pagbabanlaw at agad na isinuot ang aking robe para mapagbuksan ito ng pintuan.
"Mam Chiska! Hellu! " masigla nitong bungad sa akin. May punto pa ang mga salita nito. "Ok na ba ang pakeramdam mu?.. Hetu oh, epinagloto keta ng paburito mung senegang na hepon. " anito at nagdere-deretsong inilapag ang hawak n'yang tray sa may bed side table.
Napangiti na lang akong sinundan ito nang tingin. "Thank you po, Manang. "
"Aysows! Etu naman! Ekaw pa ba, eh ekaw ang penaka paboretu kung alaga sa balat ng planit eyrt!.. Maganda na nga, eh napaka baet pa. " pagkatapos ay humarap ito sa akin at nag-thumbs up.
Napatawa na tuloy ako, maging s'ya ay nakitawa na rin. Para tuloy kaming mga sira rito. Nakakahawa talaga ang pagiging kalog nito.
"What are you doing?! "
Natigilan ako sa paghigop ng sabaw ng sinigang at napa-angat ng tingin sa nakabukas na pintuan ng aking kwarto.
"Ay!.. " si Manang Delia na katabi ko nang nakaupo sa aking kama. "Nakalemutan kong sarhan ang pentu. Naketa toloy ako ng Mamaw. " pabulong nitong sabi habang nakatingin sa bagong dating.
"I heard you, Manang. " binato ito ni Jigger nang masamang tingin.
"Malakas den nga pala ang pandeneg ng mamaw.. " pagtutuloy ni manang at impit na humagikhik.
"What did you say?! " naglakad na si Jigger papasok at tumigil sa aming tapat nang nakapamewang, hindi maipinta ang mukha nito.
BINABASA MO ANG
May The Best Jerk Win
General FictionAyokong makitang masaya si Cheska noon. Hindi ko gustong nakakaramdam ito na may isa pang nagpapahalaga sa kan'ya, bukod sa mga magulang ko. Naging selfish ako at pilit na inilayo ito sa presensya ni Levi. Nagawa ko iyon dahil sa matinding galit. Pe...