December, 2016
"Hmmm Okonomiyaki? Sino kaya talaga ito? Bakit hindi nila alam" sabi ko sa sarili ko.
Wala na akong mapag-tanungan kung sino itong Manito ko. Wala na ang mga kaklase ko--
Ay, nandito pa pala si Henry?
Bigla kong naalala ang nangyari last year. Noong umamin ako sa kanya. Akala ko mas magiging close kami pagkatapos 'nun pero, mas naging awkward pala kaming dalawa.
Linapitan ko nalang siya.
"Aah... Henry, kilala mo ba kung sino ito?"
Ipinakita ko ang codename ng nabunot ko.
"Okonomiyaki? Ah hindi ko alam eh"
Kinuha niya ang bag niya at umalis. Bumalik nalang ako sa aking upuan at iniligpit ang mga gamit ko. Umalis na ako.
Habang naglalakad, sumalubong sa akin ang kaklase kong si Wisdom.
"Uy Irene, ito nga pala oh" sabi niya.
May ibinigay siyang regalo sa akin.
"Sorry ha, 'yan lang ang maibigay kong gift for something sweet. Iyan lang kasi ang maaafford ko eh"
"Ah, okay lang. At least may maibigay. Pero, alam mo na pala kung ano codename ko?" tanong ko sa kanya.
Slight na ngumiti siya sa akin.
"Oo, diba ikaw si Girl Front?"
Nagulat ako sa sinabi niya.
"Ha? Hindi ako iyon!" sabi ko sa kanya.
"Uyy ikaw 'yan. Wag denial. Basta ikaw si girl front" confident na sabi niya. Pero seriously, hindi 'yan codename ko!
"Hindi! Ito na ang gift oh, ibigay mo ito kay Girl Front. Ang codename ko ay Flower Pot" ibinalik ko ang regalo kay Wisdom.
"Ay hala?! Hindi pala ikaw si Girl Front? Pero... ikaw si Flower Pot?!"
Shookt siya sa codename ko. Anong meron?
"Alam mo ba kung sino 'yung nakabunot ng Flower Pot? Si Henry! Tapos hindi niya talaga alam!"
Bigla ko na naman naalala ang nangyari last year. Noong ako si Kiyomi, tapos siya yung nakabunot. Ngayon na naman?! Siya na naman?
"Sure ka diyan Wisdom? Baka hindi pala siya. Sige bye"
Sa Bahay.
Nag-bless ako sa nanay ko at dumiretso na sa aking kwarto. Kinuha ko na ang ibibigay kong gift para sa aking Manito. Pagkatapos ay sinubukan kong suotin ang dress ko para bukas.
Tiningnan ko ang aking sarili sa salamin.
"Magiging maganda ka bukas. At ... hindi ka mala-late!"
Ibinalik ko ang dress sa closet.
"Irene, kumain ka na! Pagkatapos ay matulog ka ng maaga para bukas!"
Pumunta na ako sa hapag-kainan at kumain. Pagkatapos ay natulog na kaagad.
The Next Day.
"Haaaayyyy salamat! Maaga na akong nakagising"
Dumiretso ako kaagad sa banyo at naligo. Pagkatapos ay nagbihis na ng susuotin. Pumunta ako sa kusina at kumain.
Pagkatapos kong kumain, mag-toothbrush at paghahanda ay umalis na ako.
Sa School.
Dali-dali akong naglakad patungo sa aming room.
YOU ARE READING
Manito, Manita 2 [oneshot]
Short StoryManito, Manita [oneshot] continuation. Please read the part 1 first before going on with this story if you haven't read it yet.