[74] #100STHHWeddingMarch

24.8K 661 198
                                    



Chapter 74

Hope's POV

July 12, 2015.

Today is the day.

I am finally getting married to the man of my dreams.

Hindi ko lubos maisip

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Hindi ko lubos maisip. Ang haba na ng nilakbay namin, ang dami na namin napagdaanan. Oo maraming tututol sasabihin bata pa kami, ano bang alam namin, sigurado ba kami? Pero hindi nila alam. Wala silang alam.

Ganoon naman yun eh. Maraming tao yung puro opinion na lang. Puro mali ang nakikita sa iba. Bakit hindi natin sanayin ang sarili natin na tumingin sa mga magagandang nagagawa ng tao? Hindi yung tingin natin pagkakamali nila? May karapatan naman silang manghusga dahil may utak at bibig sila, pero buhay ko 'to, buhay namin 'to. At hindi nila alam ang istorya.

Hindi namin alam kung ilang oras na lang ang natitira sa amin ni Enzo.

Hindi namin alam kung bukas makalawa, nandiyan pa siya.

Alam naming parehas yun. Parehas kaming takot. Pero parehas naming pinili na mas matimbang ang pagmamahal namin sa isa't isa at hindi kami magsasayang ng oras para lang matakot at mangamba.

Alam ko noong una maraming nagdududa.

Si Enzo? Si Hope? Paano?

Si Enzo nagkagusto kay Hope? Malabo.

Si Hope si Enzo na naman? Hindi ba niloko na niya siya dati? Hindi ba nasaktan na siya? Mas deserve siya ni Mico, mas mahal siya ni Mico o kahit si Miks.

Trust me, kung natuturuan lang talaga ng utak ang puso siguro pinakinggan ko kayo. Pero hindi eh. Siguro nga lahat talaga nagiging tanga at baliw sa pag-ibig.

Siguro kasi hindi naman talaga ako ganoon katalinuhan kaya hindi natalo ng utak ang puso ko.

Oh baka kasi, simula pa lang alam ko na kung sino ang tinitibok nito.

Mahal ko si Enzo.

Kahit ilang beses kong sabihin siya at siya ang mamahalin ko. Hindi dahil sa gusto ko yung idea na siya ang makakatuluyan ko pero dahil pag kasama ko siya pakiramdam ko kumpleto ako. Kapag wala siya nalulungkot ako kasi parang may kulang. Kapag hindi ko siya kasama hinahanap ko siya. Kapag nandiyan siya tumitigil ang oras.

Alam ko... Alam kong may ibang taong mas deserving ng pagmamahal ko, o ng pagmamahal niya.

Pero hindi eh, kami ang pinagtagpo.

Kami ang nakatadhana.

Siya at ako.

Sa kabila ng lahat ng ito.

"Hope, ready ka na?" tanong ni Mama na nasa labas ng pangkasal na kotse na sinasakyan ko ngayon.

Oo, handa na.

Hindi niyo alam kung gaano ako kasaya ngayon

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Hindi niyo alam kung gaano ako kasaya ngayon. Yung lalaking pinapangarap ko, minahal din ako at ngayon magiging kabiyak ko. Hindi ko maipaliwanag yung nararamdaman ko, pero kasi kung mahal mo, mahal mo. Cheesy man, cliché man, gamit na gamit man.

Kailan ba nawala sa uso ang umibig?

Bumaba ako sa sasakyan. Naglalakad ako papunta sa pintuan ng simbahan. Ito yung simbahan na nasa tuktok ng 100 Steps to Paradise.

Kapag binuksan nila ito magiiba ang buhay ko.

Hindi na ako si Fiella Michelli Hope I. Yazon.

Magiging Fiella Michello Hope Y. Gutierrez na.

Kapag binuksan ko 'to makikita ko lahat ng taong nagmamahal sa akin, nagmamahal sa kanya at mga taong mula umpisa nandiyan na

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Kapag binuksan ko 'to makikita ko lahat ng taong nagmamahal sa akin, nagmamahal sa kanya at mga taong mula umpisa nandiyan na.

Hindi ko alam ang mararamdaman ko. Punong puno ang puso ko. Malungkot kasi parang nagpapaalam ako sa lumang parte ng buhay ko. Natatakot kasi hindi ko alam kung anong mangyayari pagkatapos nito, kung may magiiba ba? Ano ba? Pero nananaig yung pagkasaya ko, kasi lahat ng takot ko haharapin ko kasama yung taong pinakamamahal ko. Lahat ng ito magiiba pagbukas ko ng pintong ito.

*Wedding March plays*

Ito na.

Handa na ba kayo?

Ako, handa na ako. 

(Next chapter will be the ending chapter. Plus Epilogue. Thank you for always waiting. I love you) 

100 Steps To His Heart [Published Book]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon