I can still remember what he tastes like. 5 taon na nakalipas simula nung mangyari yun. Hindi inaasahan, pero pareho naming nagustuhan. Reunion bukas ng mga kaklase namin nung high school. Panigurado nandun siya, nandun kasi ang barkada namin. Pupunta ba ako o hindi?
Napabuntong hininga ako. Kailangan ko harapin to. Atsaka baka nakalimutan niya na yun. Ang alam ko kasi malapit na silang ikasal ng girlfriend niya. I happen to know her fiance. Of course, block section lang kami nung high school, at sino nga ba makakalimot sa "best friend" mo na sinulot ang boyfriend mo mula sayo?
Kumuha ako ng isa pang bote ng beer sa ref. Hindi ko talaga alam ang gagawin ko bukas. Ang masaklap dito, ako lang ata ang hindi pa nakakalimot sa nangyari saamin dati. Dahil hanggang ngayon single padin ako matapos yung insidente na yun. Bullshit naman. Kapag talaga high school bulag ka. Palibhasa kasi unang boyfriend ko e.
Bahala na siguro bukas. Kakapalan ko na mukha ko. Tutal naman kalat sa buong school noon ang nangyari tungkol saamin. Muntik pa kami hindi makagraduate. Sumasakit lang ulo ko pag naaalala ko yung mga katarantaduhan namin noon.
Nagshower ako, at bawat hawak ko sa katawan ko, naalala ko siya. Kung paano niya ko halikan sa leeg, pababa sa dibdib ko. Pagyakap niya ng mahigpit sa ibaba ng spine ko, at pag higa sa mga dibdib ko na para bang gusto niya mawalan ng hininga. Napapikit ako sa sarap. Dun ko namalayan na hawak hawak ko nanaman ang ibaba ko.
" Shit, basa nanaman. "
Nasabi ko. Pinilit ko nalang alisin ang pagkaalala ko ng gabing yun. Pagkatapos maligo, dumiretso na ako sa kwarto para magpahinga. Bukas, magkikita na kami ulit. Ang lalaking nakauna saakin, ang nakakuha ng bataan.