Chapter 37:His Birthday

246 1 0
                                    

YaaaaaaaayyyyyTANGAyyyyyyyyy...

Monday..in this is the day...His birthday. 5:15 palang ng umaga pero gising na ako.Sabi ko naman kasi sa inyo kailangan maaga akong magising dahil may pasok pa naman at flag ceremony..

Silip sa kwarto ni Ace kung tulog pa----Punta sa may taas ng puno sa may mini garden---Open sa messenger app---Unarchive Calvin---Hawak sa phone----Inhale--Exhale--Lipbite--Nervous...

"Happy Birthday Kuyaaa,paano ba yan lolo ka na.Haha .Joke.You're still cool and astig pa din naman.Alam ko naman na hindi mo kailangan ng greet ko,but wala lang gusto lang kitang batiin with that special day for you.Take Care nalang lagi..MBTC.I wish you all the best and godbless Calvin. :)"send 5:20

Whaaaa.Kinikilig ako sa sarili kong message sa kanya.Pero di naman ako nageexpect ng reply kasi talagang nasa puso ko yung pagbati ko sa kanya.But matutuwa ako kung ma-aapreciate niya yun..

"Ate,ba't ang aga mong nagising?"muntik naman na akong malaglag mula dito sa taas ng puno na kinauupuan ko ng bigla nagsalita si Ace mula sa ibaba.

"Ikaw bakit ang aga mo din?Diba dapat mamaya pang 6:00 yung gising mo?"tanong ko naman dito.

"At kailan pa naging sagot sa tanong ang isa pang mga tanong Ate?"sabi nito at tsaka nagsmirked.

"Wala.Di na ako makatulog ,kaya nagpahangin nalang ako dito,tsaka alam mo na medyo trip ko nadin dito sa tambayan mo."tugon ko naman dito..

"Ahmm.Okay.Akala ko kasi gumising ka to greet him."sabi pa nito.

"Ha?"tanong ko pero rinig ko naman talaga kong ano yung sinabi niya.

"Nothing,sige pasok na ako sa loob.Tsaka aayusin ko padin yung mga dadalin ko sa camping.At maaga din akong papasok. "pagpapaalam nito at umalis na.

Ayzz.Ngayon nga din pala yung alis nila at sa next monday pa yung balik nila,kaya si Yaya lang din ang makakasama ko this week.Aware naman si Mom and Dad dito,at pinaalalahanan ko na din si Ace.

Ako medyo nagstay pa dito at paulit-ulit pa na binabasa yung greet ko sa kanya.

Bigla naman akong napahinto ng may nagmessage sa inbox ko.

1 message from:Ace Feeling

Hindi ka na nga pinapahalagahan,bakit ayaw mo parin bumitaw ng tuluyan..

GM..

:O Aba!Himala nagload si Ace ..Pero bakit naman ganito yung GM niya,e baka halos lahat ng pinagsendan niya nito makarelate...

***
School.

Kaalis lang ng bus na pinagsakyan nila Ace at ako ito papuntang room,sa totoo lang simula kanina pang nasa parking todo tingin na ako kung naduon ba yung motor niya,pero wala.

Ngayong nasa room na ako,todo titig padin ako sa labas ng bintana,di ko na nga alam kung ano yung mga pinag-uusapan ng tatlo..

Hintay ...Tingin...Hintay ..Silip..

"Oy,napadaan mo na ba?"napanganga naman ako sa tanong na iyon ni Rosielyn.

"Hindi siguro pumasok,kasi birthday niya."sabi ko naman.

"Alam na alam ah.."natatawang sabi naman nito.

"Baka naman pupunta ka pa dun Jayciel."sabi naman ni Maureen na may pag-kainis sa boses.

"Ako?Of course No.Di ko nga alam yung lugar na iyon ,pinakamalayo na nga yata sa akin yung bayan."sabi ko naman.

"Masiyado ka naman kasi Maureen.Haha"pagtawa naman ni Camille.

"Tsaka...ayoko naman magmukhang gate crusher dun.Kasi at the first place hindi ako kilala sa mundo niya."sabi ko naman at ibinalik nalang ulit yung tingin ko sa bintana.

Wala naman na kasing umaatend na teacher.Sa totoo lang puro free time na kami.Sabagay December na next week at 2 week nun wala na ulit pasok.

"Itigil mo na nga yung pagtingin diyan sa bintana.Para kang nageemote na ewan."sabi naman ni Camille,kaya sa kanila na ako humarap.

"Maiba na nga tayo ng usapan.So,yung Yaya mo lang yung makakasama mo this week?"tanong ni Rosielyn.

"Ahm.Yes."tugon ko naman.

"Edi pwede pala tayong magsleep over kila Jayciel..HAHAHA"tuwang -tuwa pa na sabi ni Maureen.

"Ano naman gagawin niyo dun,baka maboring lang kayo sa akin,at di niyo masakyan yung hobby ko."sabi ko naman sa kanila.

"HAHAHA.Wala naman na tayong ginagawa,feel na feel ko na nga yung bakasyon e."sabi naman ni Camille.

"Bahala na."sabi ko naman.

"Sus,ayan na naman yung bahala na yan."dagdag pa ni Camille.

Lumipas yung buong umaga na hindi ko siya nakita,yung masipag na last period lang din namin yung umatend.Hindi nadin ako umuwi,medyo sanay naman kasi akong hindi kumain.

Pero alam niyo sa totoo lang excited akong umuwi,para makita ko kung naseen niya ba yung greetings ko sa kanya.

Afternoon....

Wala,ito nakaupo at inaantok.Syempre anong reason?wala kaming teacher.

Inaantok lang akong nakatingin sa bintana,habang si Rosielyn hawak yung phone niya at yung dalawa nakadukdok sa upuan at natutulog na ata.

Medyo napaharang naman ako ng buhok sa mukha ng makita ko kung sino yung papadaan.Yung puso ko bigla nalang bumilis,tipong bigla nalang lumundag.

Kasalukuyan na papadaan si Calvin at nasa likuran niya si Nathone.Again ang cool niya tapos ang cute pa ng t-shirt niyang white na may mga doodle.Ang saya niya na naman,medyo matagal ko na ngang hindi nakikita yung mga seryoso niyang mga mata na kahit walang emosyon para sa akin napakamakahulugan padin ng mga nagtatago duon.With that simple serious face kasi malakas yung effect sa akin.

Then umiwas na ako ng tingin ng malapit na sila sa talagang tapat ng bintana kung saan ako nakaupo.

"What with that look Jayciel Sanchez?"kunot-noong tanong sa akin ni Rosielyn.Hindi naman ako makapagsalita ng maayos.

"H-Ha?Anong look?"pagtugon ko nalang.

"Yung tingin mo kay Calvin,wala naman masama dun kasi kahit ako di ko padin maiwasan na magnakaw ng tingin kay Renzo minsan.But yung sayo iba yung meaning"sabi pa nito.

"O_O Ano ?Anong meaning yung sinasabi mo?Wala akong iniisip na kung ano kapag tinitingnan ko si Calvin."sabi ko naman sa kanya,napatawa naman ito pero nagseryoso din ulit.

"It's not what I mean.Ms.Advance Thinker.Hindi kasi makapagsisinungling yang mata mo na pinapangarap mo padin siya,na may nararamdaman ka padin tuwing nakikita mo siya,pero alam mo kung ano yung ayaw ko sa nakikita ko diyan sa mga mata mo?"sabi nito.

"A-Ano?"medyo naiilang ko naman na tanong dito ,pero ano nga kaya?

"May lungkot sa mga mata mo Jayciel.May pain na nakatago diyan sa mga mata mo at mga luha na pilit mong pinipigilan ng mga bahala at baka mo.Pilit pinipigilan magletgo ng pangarap na patuloy mong pinanghahawakan."sabi ni Camille.

"Di mo man sabihin but alam namin na talagang may malaking naging effect sa iyo yung taga-C section na yun."sabi naman ni Maureen at tumango -tango naman si Rosielyn.

ME? * SPEECHLESS*

Pero grabe naman nakakagulat sila ah,pagkakaalam ko natutulog,tapos biglang ganon.Pero tama naman sila,di ko nga akalain na malalaman nila at mapapansin nila lahat ng yun.Iba na pala talaga kapag mga kaibigan mo.

At ayon 2:00 palang umuwi na kami dahil wala naman ng ginagawa ,umuwi nadin kasi yung ibang classmates namin.Pero excited talaga ako sa pag-uwi.At alam niyo na kung bakit.. :)

Dreaming Mr.Hearthrob (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon