Nakapikit ang aking mga mata
Habang gumagawa ng makata
Makatang nagdala sakin patungo sayo
Dahilan para mahulog ang puso koDito ko na lamang ipaparamdam sayo
Ang pagmamahal na handa akong itago
Handa akong itago dahil ayokong masira ka
Dahil lamang sa nararamdamang 'di ko nilikhaOras-oras kong naitatalaga
Ang mga sandaling kasama ka
'Di ko alintana ang sasabihin nila
Dahil puso ko ay laan sa isaSana dumating ang araw na malaman mong
Ang mga tulang ito ay inilaan ko para sayo
Hindi man tayo ang itinakda para sa isa't isa
Hayaan mo akong mahalin ka hanggang matapos ang tulaSa tuwing sinusulat ko ang bawat piyesa
Asahan mong hindi ako nag-iisa
Kasama kita sa bawat taludtod at saknong
Sabay nating bubuohin ang bawat karugtong
BINABASA MO ANG
Unspoken Poetry (COMPLETED)
PoesíaTagalog Poetry Collection Unsaid feelings for someone who is very dear to me. You may not be the right man who is meant to be with me but always remember that you will always be the man that made me who I am today. The man whom I can never own. I lo...