"Go outside"
Grade 5, 2009, pinalabas ako ng Teacher namin sa room, tapos pinatayo niya ko ng 30 minutes sa labas habang may nakapatong na tig-dadalawang libro sa magkabilang kamay ko.
Panu kase, palipat-lipat daw ako ng upuan habang nag-didiscuss siya tapos bawat makakatabi ko, dinadaldal ko daw.
Ewan ko ba kay Maam, 'di naman daldal yon, ang sinasabi ko lang naman lagi dun sa makakatabi ko e "Ang ganda ni Mitch nu?" tsaka "Ang ganda talaga ni Mitch shit" at "Tignan mo yan si Mitch, ganda nu?"
Hehe.
ps. Pangalan nga pala yun ni babe
pps. De joke, 'di yon yung totoong pangalan niya
ppps. Pero simula ngayon itago natin siya sa pangalang 'Mitch'
pppps. Lumabas nga pala nun si babe para mag-cr, tinawanan niya lang ako, kingina.
Chinito
FEU- IAS
2018
BINABASA MO ANG
A Boyfriend's Secret Files (An Epistolary Novel)
Mystery / ThrillerDon't tell this to my Girlfriend. Hehe. Mr. Chinito FEU-IAS 2018