Chapter 1: FNF Begins

287 2 0
                                    

KEEP READ AND BE ENJOY <3

-

Arminda's point of view

Sabi sa akin ng nanay ko kapag ako raw ay nag-mahal, bago ko s'ya ipakilala sakanila dapat ay kilalang-kilala kona. Dahil hindi raw dapat sila ang dapat na nakakakilala sa taong makakasalamuha ko sa panghabang buhay. Kaya naman naniniwala ako na isang tao lang ang makakabigay sakin non.

1992.

"Arminda, gising na hinihintay ka ni Nathaniel sa baba, kung ayaw mong makita ka kung paano ka gumising. Halina't tumayo ka at bumaba!", nang bigla kong marinig ang napakalakas na boses ng aking Nanay. Nakakainis! Oo nga pala, pupunta nga pala kami sa paaralan para tingnan ang mga tatanggap ng mga awards at honors para sa darating na 'Graduation Day'.

Tsk.

>_<

"Opo 'nay, bababa na ako!"

"Tsk.", rinig kong singhal ni Nathaniel.

Si Nathaniel ay hindi na bago sa paningin ni nanay. Kaya kahit anong labas-masok n'ya sa bahay ay hindi s'ya pagbabawalan. Si Nathaniel lang naman ang kababata ko sa dati naming bahay dahil nasa tabi lang ng bahay namin ang bahay nila, kaso nang lumipat sila sa kabilang subdibisyon ay paminsan-minsan nalang kami magkita at minsan pa nga ay sa paaralan na lamang.

Bumangon.

Naligo.

15 mins.

Lumabas.

Bumaba.

"Kain na inday. Bawal ka magutuman." sambit ni Inay kaya agad din akong naupo sa mesa at kumuha ng makakain.

Ulam namin? Sobrang sarap! Itlog, tuyo at
dilis.

"Oh Nathaniel, Iho, kain ta?" pag aaya rin ni Inay kay Nathan.

"Ah sige po, kumain nako sa bahay eh hehe." hiyang banggit n'ya.

Pag katapos ko kumain ay agad din akong umakyat at nag linis ng ngipin.

Bumaba rin ako pag tapos.

"Halikana?"

"Tara." si Nathaniel

10 mins.

(habang naglalakad)

"Pano kayo naghiwalay ni Joycel?" pagbubukas ko ng topic habang natatawa ng konti.

"Inulit pa nga, hays." inis n'yang sabi.

"Oh? E pano ka na nyan? Edi mag mumukmok ka nanaman sa sulok nyan kasi hiniwalayan ka ni Joycel?" pang-aasar ko sakanya at napasobra na ang tawa ko.

"Ano ba?! Sana pala 'di ko nalang sinabi sayo tsk"

:D

"Oh eh ano na ngang plano natin?"

"Natin?"

"Oo resbakan na natin? Pag tapos ka saktan okay lang sayo? Ano s'ya siniswerte?"

"Hehe. Tawa. Hayaan mo na 'yon. Mas gwapo pa rin naman ako sa pinalit n'ya sakin. Ang lamang lang nya, mas mayaman s'ya kaysa saakin. Tsk"

"Ahh pera pala ang habol ni Ate hehe."

Nang makatapat na namin ang paaralan namin.

SAU (San Agustin University)

Dumiretso kami sa bulletin board para tingnan kung sino nga ang mga tatanggap nito.

Hindi sa pang-mamayabang pero kung ano ang sa tingin n'yo, bahala kayo. Hindi malayong makatatanggap kaming dalawa ni Nathan ng Honors and Awards sa kadahilanang inborn na ito.

Well, magaling ako sa Math, English, and History. Samahan mo ng Nathaniel na magaling sa Filipino Science and P.E. Kaya kapag pinag sama mo. Tumpak. Tama ka ng iniisip.

"Tara na?," ani Nathaniel at tinanguan ko naman ito.

Nang mahagip na sa paningin ko ang board na'yon agad ko itong itinakbo at hinanap ang aking pangalan.

And guess what?

You're correct!

I'm the 4th Honor of San Agustin University.

At si Nathaniel naman ay ang 1st Honor ng SAU. Ganun s'ya kagaling.

"Ang galing mo talaga hehe,"

"Woi hindi ah hahaha!,"

"Psh! 'Wag ka na ngang mapagkumbaba d'yan. Nakakainis kaya 'yon!" sabi ko pa.

COURT OF SAU.

"Hindi mo ba pupuntahan ang prinsesang pinakamamahal mong si Joycel? HAHAHA!" pang aasar ko pa sa kanya. Ganyan siya, mabilis mapikon kaya madaling mahuli.

"Hehe. Tsk." Madaling maasar, pero cold naman pag asar na asar na.

"Joke lang, eto naman."

"Aww. Hindi magandang biro."

—,—

Pupunta kami ngayon sa isang fast food chain para kumain ng isang pag kain. Nakakagutom eh. Kumain naman kami sa bahay, pero heto't kami kakain na para sa aming tanghalian.

Lamon.

"So ano ng plano mo para sa darating na Graduation?" sabi ko.

"Paanong plano?"

"Yes. Plano. Katulad na lamang ng, anong susuotin mo? Mag papalda kaba? Mag ji-jeans? Damit pang hambog?" dagdag ko pa.

"Sira. Malamang mag fo-Formal suit ako roon. Bakit ikaw? Mag susundalo ka don?" ani pa nya.

"Baliw ka Nathan hahahaha! Hindi ko pa kasi alam kung ano ang aking isusuot at ano ang magiging mukha ko sa aking isusuot. Hays."

"Lahat naman bagay sayo."

"Wow. Ikaw ba 'yan?" asar ko sakanya.

Matapos ang ilang minutong kulitan ay lumabas na kami sa isang fast food chain at bumalik na muli sa SAU pada kausapin ang Dean.

"Dean! Maari po ba kaming pumasok?"

"Pasok." rinig namin sa loob ng pinto.

"Hello Dean, sabi ni Maam ay pinatatawag nyo 'raw ang mga tatanggap ng honors sa darating na Graduation Day?"

"Ahh yeah. By the way, congratulations para sa inyong dalawa,"

"Thank you, Dean"

"At kaya ko kayo ipinatawag dito sa opisina sa kadahilanang ipapatawag ko ang inyong mga magulang para sa nasabi. Siguro naman at mapagbibigyan nyo ako sa aking kagustuhan?"

"Yes, Dean!" sabay naming sigaw ni Nathan.

----------
up next: chapter 2

Friends not ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon