Snowy Dyson
Hindi ko lubos maisip na ganito pala kaganda ang FORESTIA! Lumabas kasi ako ng bahay, kung saan ako nagising kanina.
Nakakamangha! May mga ibong nag-aawitan ng iba't ibang kanta. May mga bulaklak na nagsasayawan. Tapos may mga puno na masayang naglalakad.Bakit ganito? Hindi pangkaraniwan ang lugar na ito. Para akong nasa fairytale!
"Haluuu!" bati ko sa kanila. Nandito pa rin ako sa may pintuan. Kumaway ako sa kanila.
"Waaah!"
"Takas!"
"Sino siya?!"
"Papatayin niya tayo!"
"Sisirain niya ang kaharian natin!" kanya-kanyang sigaw nila. Bigla silang nagsitago.
Ang mga isdang nagpapaligsahan sa pagtakbo sa lupa ay bigla na lang tumalon sa sapa. Ang mga punong naglalakad lang kanina ay biglang huminto. Ang mga ibon na kumakanta ay napahinto rin sa pagkanta at nagsiliparan. Ang mga bulaklak na namumukadkad ay biglang nagsitago sa kanilang mga petals.
Waaah! Akala ba nila, isa akong masamang tao? Wala naman akong balak na saktan sila, eh!
"Teka! Hindi ako masama!" pigil ko sa kanila.
"Hindi masama? Lokohin mo lelang mong panot! Isa kang tae! Ay este-- tao! Siguradong sisirain mo ang kalikasan!" sigaw ng maliit na isda.
Naku-kyutan ako sa nguso niya habang nagsasalita siya. Ginagamit niya pa ang fins niya sa pag-tuturo sa akin. Wala kasi siyang mga kamay. Kumekembot-kembot pa siya habang nagsasalita.
Waaah! Gusto ko siyang i-uwi! Huhuhu.
"Maniwala ka, Fishman. Hindi naman ako manggugulo. Gusto ko lang kayong maging kaibigan."
"Halika rito." Pinalapit niya ako sa kanya. Ginamit niya ulit 'yong fins niya. Sumenyas siya sa 'kin na lumapit.
Lumapit naman kaagad ako sa kanya."Buhatin mo ako," utos niya. Sinunod ko ang utos niya. Hindi ako makapaniwalang inuutos-utusan lang ako ng isang maliit at cute na isda!
"Anong pangalan mo, Tagalupa?" tanong niya.
“Ako si Snowy.”
"Ah, ako naman si Fishda D. Lumalangoy."
"Huh? 'Di ka lumalangoy? 'Di ba isda ka?" nagtatakang tanong ko. Anong ginagawa ng isda? Don't tell me! Lumilipad siya?!
"Luka! D. Lumalangoy ang apelyido ko. Tanga lang?"
Langyang isda ito! Sinabihan pa akong tanga. Pritohin ko siya diyan, e!
"Ibaba mo na ako," utos niya.
Ibinaba ko naman siya ng dahan-dahan. Nagulat ako nang biglang may lumabas na maliit na stick sa ibabaw ng tubig.
"Mga kasama! Magsilabasan na kayo! Mabait ang tagalupang ito!" announce niya do'n sa maliit na stick na sumulpot bigla.
Napanganga naman ako nang biglang may lumabas na liwanag. May mga maliliit na fairies na nagsusulputan. Apat sila at may iba't ibang kulay.
"Ako si Blueberry Chismis! Ako ang fairy ng tubig. Medyo chismosa rin ako," nakangiting pagpapakilala ng fairy na may suot na kulay asul.
"Ako naman si Pinkywear! Kulay pink ang panty ko at ako ang nagpapaganda sa lugar na ito! Ako rin ang nag-aalaga ng mga bulaklak dito!" pagpapakilala naman ng fairy na nakasuot ng kilay pink underwear.
"Ako naman si Red Bilbil! Ako ang pinaka sexy! A--raaay!" reklamo niya. Paano ba naman, pinektusan siya ng wand ng mga kasama niya. Hahaha.
"Oo na! Mataba na ako," nakapout na sabi nito.
"Ako na, mga abnormal talaga kayo, hindi na kayo nahiya!" saway niya sa mga kasama niyang fairy.
"Ako naman si Yellowishik-wishik. Ako ang leader ng mga fairy," seryosong pagpapakilala niya.
Seriously? Yellowishik-wishik talaga name niya?
Nagsiliparan naman sila palapit sa 'kin. Sinipat nila ako nang mabuti.
"Snowy!" sigaw ni Shiro. Kilala ko na kasi ang mga boses ng pitong men na 'yon.
"Oh?" tanong ko sa kanya.
"Grabeh ka! Dapat nakaupo lang ako do'n eh!" paninisi niya sa 'kin. Tamad nga talaga siyang tunay.
"Sino ba ang nagsabing hanapin mo ako?"
"Sino pa? Edi, si Sanjeev! Baka raw mapahamak ka rito. Hindi mo pa naman kabisado ang Forestia."
"S-Si Sanjeev?" paninigurado ko pa. Hindi kaya nabingi lang ako?
Why would he do that? Ni hindi niya nga ako magawang kausapin, e!
-DreamVev
BINABASA MO ANG
Snowy and the Seven Knights of Forestia
RandomTahimik at maayos ang buhay ni Snowy Dyson kung hindi lang ipinakilala sa kanya ng kanyang daddy ang madrasta niya. Dahil sa isang pangyayari ay napilitang umalis si Snowy. At natagpuan niya na lang ang sarili sa lugar kung saan may isdang nagsu-sw...