Nang napark na ni Manong Ivan yung sasakyan , agad naman akong bumaba,nang makababa na ako bigla naman akong natapilok dahil sa maliit na bato,hindi ko ito napansin habang naglalakad ako nagkaroon tuloy ako ng sugat sa tuhod at nagdugo pa ito.Agad naman akong humingi kay Manang ng band aid para matakpan ang sugat ko
'Manang,pahingi naman po ng band aid?'sabi ko kay manang bago umupo sa sofa
'Sige po,sandali lang'agad namang sagot ni Manang
Nang inabot na ni Manang ang band aid sa akin,agad ko naman itong inilagay sa tuhod ko,medyo mahapdi pa ito buti nalang at nakakalad pa ako.Pagkatapos kong laguan ng band aid ang sugat ko,umakyat na ako papuntang kuwarto para istalk si Kevin Ramos.
Medyo ika ika pa ako maglakad.Nang makapunta na ako sa loob ng kuwarto ko,agad naman akong umupo sa swivel chair kung saan nandon ang computer.Dali dali akong naglog-in
*Email:Rizadejesus@yahoo.com
*Password: ••••••••••Nang matapos ako sa paglalog-in,tinype ko agad ang pangalan ni KevinRamos sa search.
*Search:Kevin Ramos
Nang mahanap ko na ang kanyang account agad ko namang pinindot ang kanyang profile.Halatang kuha ito sa beach dahil ang background nito ay dagat at puting bungahin.Nakasunglasses din siya at nakatopless,kita rin ang kanyang 8packs abs.
Sinave ko ito sa computer ko at ginawa ko itong desktop wallpaper ng computer ko.Tinamaan na nga talaga ako ng magaling,tinitigan ko rin ito ng matagal at hindi ko namalayan ang oras ang tagal ko na palang nakatitig doon.
Nagulat ako ng may pumasok bigla sa aking kuwarto.Laking gulat ko ng nakita kong si Mommy iyon.
*WT~ Mommy :○ ',bulong ko bigla dahil bukas pa yung computer ko at kitang kita na nakatopless yung nasa desktop wallpaper ko
Dali dali kong pinatay yung computer ko.Kita ko sa mukha ni Mommy na natatawa siya sa ginawa ko
'Mommy,bakit hindi ka po kumatok?'tanong ko agad kay Mommy
'May naghihintay sa sala,bilisan mo', seryosong sabi sa akin ni Mommy
'O sige po,susunod nalang po ako', sagot ko bago umalis si Mommy sa kwarto ko
Lumabas na rin ako kaagad sa kwarto ko para pumunta sa sala kung saan naghihintay si Mommy at si Daddy.Laking gulat ko ng makita si Aaron at ang kanyang magulang habang papunta ako sa sala.Si Aaron ay matagal ng nanliligaw sa akin at ang magulang niya ay kabussiness ng parents ko.
'Good evening po tito at tita'agad ko namang bati sabay yakap pag dating sa sala
'Hello,Aaron', bati ko at sabay beso sa kanya
Ilang oras ang makalipas ay natapos na akong kumain,agad naman akong tumayo
'Akyat na po ako sa taas,Mommy?',sabi ko habang papatayo sa upuan
'O sige',sagot agad ni Mommy sa akin
Nang makatayo na ako agad naman akong naglakad papunta sa kwarto ko ng bigla ko narinig si Aaron.
'Riza'sigaw ni Aaron mula sa aking likuran
Hindi ko naman ito pinansin.Nang makapunta na ako sa kwarto,laking gulat ko ng nakasunod sa akin si Aaron.
'Anong ginagawa mo dito,Aaron',tanong ko sa kanya
'Hindi mo ba ako namiss',pacute niyang tanong
'Bakit naman kita mamimiss',sagot ko kaagad
'Awww'sagot niya ng nakasimangot sa akin
Ilang minuto ay natahimik kaming dalawa,walang kibuan para kaming nasa disyerto sa sobrang tahimik sa loob ng kuwarto ko.Ilang sandali lang ay pumunta siya sa swivel chair kung saan katapat noon ang computer.Bigla niya itong binuksan at laking gulat ko sa ginawa niya,pinilit ko siyang umalis sa swivel chair pero ayaw niyang umalis.Nang makita niya yung desktop wallpaper ko ay bigla siyang napatanong.
'Sino to,Riza?',bigo niyang tanong sa akin
'Ahh,w-wala yan,napanood ko lang siya sa movie n-na...',natataranta kong sagot
'Na ano?', tanong niya habang nagkadikit ang kanyang kilay.
BINABASA MO ANG
"Her One Sided Love"
ФанфикMay mahal ka ngunit nawala rin yon lumipas ang ilang buwan at nang mawala ang pagmamahal mo sa kanya ay siya naman ang tuluyang nahulog sa iyo. Mas pipiliin mo pa rin ba siya kahit may iba ka ng minamahal??Ang akala natin ay hindo nila tayo napapans...