Chapter 6
Paulit-ulit na sumagi sa isip ni Greg ang nangyari ng nagdaang umaga. Nakita niya sina Armand at Andrea, ang paghalik ni Andrea kay Armand sa labi at ang ang narining na pagpaputok nito ng baril.
Hindi makapaniwala si Greg sa na kayang gawin ito ni Andrea sa kanyang kapatid at sa mga nakikitang pictures nina Armand at Andrea. Napaka-intimate ito. Mayroong hinagkan ni Armand ang kanyang kamay at hinawakan ng mahigpit. Meron ding naglalakad sila sa bayan na parang sa kanila ang buong mundo.
"Ano'ng ibig sabihin nito," sa isip niya. Maga ang kanyang mukha at masakit ang kanyang buong katawan. Subalit hindi ito kasing sakit sa nararamdaman niya.
"Hindi mo lubos na kilala ang aking anak. Mana ito sa akin at hindi marunong lumimot sa kanyang pinanggalingan."
Hindi tiningnan ni Greg ang ama ni Andrea. Tiim-bagang nakatingin ito sa malayo.
"Nagkubli sila ng kanyang ina no'ong bata pa siya. Subalit lingid sa kaalaman ng kanyang ina, nagkita kaming muli at nagka-ugnayan."
"Hindi ako naniniwala sa 'yo."
Kinuha nito ang pictures at ipinakita ang isa sa mga pictures nito na kuha bago pa si Greg at Andrea nagkakilala.
"Ipinadala niya ito sa akin. Nakakulong ako noon at sinabi ko sa kanya kung sino ang nagpakulong sa akin. 'kaw 'yon Greg. Paglabas ko, tinulungan niya ako sa aking paghihigante."
"Hindi totoo 'yan. Ako mismo ang nagpabackground check kay Andrea..."
"Hindi nakasaad ang lahat sa papel. Alam mo na 'yan ngayon Greg. Isang magaling na artista si Andrea. At natawa kaming pareho ng nabighani ka niya. Para siyang isang ligaw na bulaklak na kung makadikit ay wala kang kawala. At hinay hinay na dinadala ka sa kamatayan habang akala mo ay nagbibigay ito sa 'yo ng saya. Akala mo mahal ka ni Andrea? Tingnan mo. Nakuha kita at ang kapatid mo. Napakadali?"
"Ba't hindi mo na lang ako patayin para matapos na ang lahat?" anas niya.
"Madaling gawin 'yan. Mahilig akong maglaro. Hindi pa ako sawa sa pakikipaglaro sa ama mo."
"Huwag mong isali ang ama ko dito?"
"At bakit hindi? Siya ang dahilan kung bakit nawasak ang aking pamilya. Dahil sa ginawa na military operation dito na pinamumunuan ng 'yong ama, nawala sa akin ang aking asawa... Mata para sa mata."
Nagpupumiglas si Greg sa kanyang pagkatali. Tinawanan lang siya ni Kumander Pagi.
"Akala mo hindi ko alam na binibigyan ka ng maliit na mensahe ni Andrea? Plano namin 'yon. At na-uto ka."
"At si Trining?"
"Anong alam ng babaeng 'yon? Ang kanyang mundo ay umiikot lang sa akin. Nakumbinse ka niyang magtiwala sa kanya. Pati ang pag-alis namin noong una kayong nagkita ni Andrea dito sa kubo ay kasali sa aming plano. Akala mo madali mo kaming malalayasan?"
"Wala kayong mga kaluluwa!" sigaw ni Greg.
"Hayaan mo. Magkikita pa kayo ulit ni Andrea. At sabihin mo sa kanya ang katotohanan ng iyong kasal-kasalan."
Pagkasabi niya noon, umalis na ito. Biglang bumagsak ang malakas na ulan. Ang dilim nito at ang hagupit ng hangin ay reflection sa kanyang emosyon.
Nakatingin si Andrea sa bumulusok na ulan. Hindi niya alam kung safe ba si Greg o hindi. Alalang-alala siya dito. Wala siyang ibang maisip na gawin ngayong wala na si Armand. Si Armand lang ang nakapag-bigay sa kanya ng pag-asa na makabalik na buhay sa Maynila.
Nasurpresa siya na natuwa rin ng inutusan siya ng ama na magdadala ng pagkain kay Greg. May pag-asa pa. Inihanda niya ang pagkain ni Greg. Hindi siya nagpahalata na nagmamadali siyang makita ulit ang asawa baka magbago pa ang isipan nito. Pagdating niya sa sakahan, nashock siya sa galit na tingin ni Greg sa kanya. Inilagay niya ang pagkain sa mesa. Hindi ito umimik sa kanya. Kakausapin na sana niya ito, subalit natigilan siya ng makitang itinuturo ng isang bantay ang baril nito sa likod ni Greg. Nanlaki ang kanyang mata at hindi na niya nasabi kay Greg ang gusto niyang sabihin dito. Pagkatapos nitong kumain, iniligpit niya ang gamit. Tinitigan sana niya ang mga mata nito, subalit humiga na ito at nakapikit ang mga mata."
BINABASA MO ANG
Halik ng Hamog sa Kalachuchi
RomanceKukupas ba ang pag-iibigan kung sadyang inilalayo ng mga mapanghamak na sangkatauhan ang dalawang taong nag-iibigan? Hangang kailan ba magmahal ang isang tao kung hindi niya alam ang buong katauhan ng kanyang minamahal? Sapat ba ang pag-ibig upang m...